C.SIX

27 0 0
                                    

Chapter 6
Ang pag babalik ni Narda.

Tila ibon kung lumipad
Sumabay sa hangin
Akoy napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga
Mapapansin kaya
Sa dami ng 'yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag asa bang makilala ka
Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan

Nag taka ang mga kasama niya  dahil iba ang kinanta niya. Usapan nila ay kantahin nila ang With the smile ng eraserheads, pero bigla itong kumanta ng Narda, mabuti nalamang ay lahat ng kasama nila ay alam ang kantang yon.

Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang Darna
Ang swerte nga naman ni Ding
Lagi ka nyang kapiling
Kung ako sa kanya
Niligawan na kita

"Nakita ka niya Jopay! Hindi ako nag kakamali, kakantahin niya ba yan kung hindi ka niya nakita?" Sinabi ni Rina dito. Nag pipigil ng luha si Jopay dahil hindi niya alam ang dapat maramdaman kung masasaktan ba siya dahil walang rason para gawin iyon ni Ethan sakaniya. 

Mapapansin kaya
Sa dami ng 'yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag-asa bang makilala ka
Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan
Pag-ibig na palaisipan
Sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit
Sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala
Kahit sulyap lang Darna

Naging emosyonal si Ethan habang kumakanta, kaya nakaramdam ng lungkot ang mga kasama nila. Halata kasi sa itsura nito ang lungkot, pulang pula narin ang mukha nito.
Natapos ang  pag kanta nila, umalis si Ethan para mag tago. Hindi niya alam ang dapat maramdaman.

"Bro bakit ka naman umalis kainan na!" Tuwang tuwa si Bryan na inaaya niya ang kaibigan. Nag tataka naman ang itsura ni kim, "Why narda? May problema kaba? Ngayon molang ulit kinanta yan?" Tanong ni Kim

"She's here.." banggit nito. Nanlaki ang mata ng mga kaibigan ng sumilip ulit at nilibot ang mga mata nila. Hindi sila nag kakamali na makita si Rina at Jopay na kasama sa social workers.

"Nahihiya ako, nandito si Rina.." saad ni Bryan at mukhang ayaw narin lumabas. "Paano pa ako? Nandito siya, nakakahiya pag tapos ng ilang taon sa kulungan pa kami mag kikita ni hindi ko man lang na explain ang sarili ko sakaniya." Pag mamaktol ni Ethan

Tumalon kaya ako sa bangin
Para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan
Para mayakap ka
Darating kaya
Sa dami ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila
Paano na kaya
Awit na nananawagan
Baka sakaling napakikinggan

Narinig nila ang pito ng isang pulis, pinalabas sila at pinapila. Dahil inaabutan sila ng pag kain isa isa ng mga social workers. Papalapit na ang pila at hindi makuhang tumingin ni Jopay kay Ethan, samantalang si Ethan ganon din kulang nalang ay kainin na siya ng lupa

"Well, This is insane bro!" Sabi ni Kim at nahiya narin. Mag kakatabi silang umupo. "I'm hoping that there's a quicksand here pisteng yawa yan.." bulong ni Ethan. Alam niyang tinitignan siya nito. Para bang pareho silang nag nanakawan ng tingin.

Nakita ni Jopay na tumabi si Rina sa mga ito, kasama ang isang pulis na nag babantay sa lamesa nila. "Walang hiya kayo.." banggit ni Rina nag taka naman ang pulis. "May problema po ba ma'am?" Tanong ng pulis

"Wala Sir! Kakilala ko kasi sila.." ngiti ni Rina sa mga ito. "Tagal ko kayong hindi nakita. Lalo kana Bryan sa kulungan pa tayo nag kita.." natatawang sambit ni Rina. Walang kibo ang tatlo at parang hangin lang si Rina

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon