Chapter Twenty one
"Yan naba yong design? Ano yan gawang bata? Magaling pa yata yong bulag gumawa ng poster ha!" Sinabi ni Austine at nilukot ang sample poster na ginawa ni Ethan, sinigaw sigawan ni Austine ang kasamahan ni Ethan.
Ilang sandali ay bumalik ang tao niya sa department nila at doon umiyak ang babae. "Bakit ka umiiyak" tinatanong ni Ethan sa kasamahan niya kung bakit ito umiiyak "Yong marketing manager po kasi sinigawan ako tyaka sinabi pa pong gawang bata yong sample niyo sir." Sinabi nito
Nag tagis ang ngipin nito at inalis ang korbata, napatingin naman ang mga kasama nito. "Umupo kalang diyan, may candy kaba?" Tanong ni Ethan sa kasamang empleyado. Nag tataka naman ito at inabot naman kasaniya ang chewing gum.
Lumabas ng office si Ethan at diniretso ang office ni Austine, nagulat ang mga babaeng nandoon para bang pumasok ang artista. Kinikilig ang mga ito mula kasi nag ayos si Ethan mas dumami na ang may gusto sakaniya.
"What do you want? Nabalitaan mona agad yong sample mong gawang bata?" Sinabi nito sakaniya. Natawa naman si Ethan at umupo ng walang paalam tinaas din niya ang paa niya sa kabilang upuan. "Oo, hindi mo sinabi na babae lang pala ang pinaiiyak mo." Pang aasar ni Ethan dito
Tumayo si Austine at nag simulang magalit. "Umalis ka sa office ko Mr. Ex convict" pang aasar nito "O ito candy sayo, para kang bata ngawa ng ngawa, mabuti nga gawang bata yong sample namin kaysa sa maging ugaling bata Tol." Sinabi ni Ethan at lalabas na ng office
"Isa pa, baka nakakalimutan mo trabahador kalang sa kompanya ng Isang Ex convict din? " pag aasar ni Ethan.
"Ikaw pala ang lalaking tinutukoy ni Joana." Muling sinabi nito, humarap naman si Ethan dito at ngumiti. "Yeah? First love never dies." Pang aasar nito at mahinang tumawa bago umalis.
Narinig niya ang pag sipa nito sa kung saang parte ng office niya. Nag lakad pabalik si Ethan at nakasalubong niya si Kim at Bryan. "Ang saya mo? Totoo naba yan?"'tanong ni Bryan
"Sa office tayo mag usap." Pag ayaw ni Kim, sa kanilang tatlo kahit namadaldal ito ay nag start narin na maging private sa buhay niya. Alam niya kasing maraming nag hahabol sa posisyon niya na kahit imposible na agawin ang negosyo sakaniya ay confident naman siya dahil sa pangalan niya nakapangalan ang mismong kompanya,
"You know that guy? You Marketing Manager, ex ni Joana yon pikon na pikon sakin kanina hindi ko alam saan niya na pulot o nalaman ang tungkol saamin pero hindi bale okay lang para atleast alam niyang wala naman siyang silbi." Sinabi nito
Nagulat naman si Bryan sakaniya. "Mayabang yon Kim, ngayon palang sinasabi ko na sayo may something doon, kaya mag iingat ka doon. Kung maka utos saakin yon. Kaya nilagyan ko ng virus ang laptop niya napaka yabang kasi." Sinabi ni Bryan dito
1"Ingat ingatan lang natin ang sarili, pina iimbestigahan ko din ang pag katao niyang lalaki nayan." Sinabi ni Kim. Wala din kasi siyang tiwala sa taong ito noon niya pa kasi ito inoobserbahan para bang mas alam pa nito ang ginagawa niya kumpara sakaniya.
Pumunta ng office si Joana para dalhan ng lunch si Ethan, gawa ng pag bugaw ng mga kaibigan nito. Silang tatlo ay pumunta doon, dahil wala holiday ngayon at walang pasok. Gusto lang nilang dalawin ang nobyo nila sa trabaho.
Inayusan din nila ang kaibigan nilang si Joana. "See ang gaganda ng mga babang nag tatrabaho dito Joana kahit na maganda ka, sexy ka at maputi ka kung oldschool yang outfit mo matatalo ka dito." Sinabi ni Tifa dito.
"Ano ba kayo, kaya ko namang mag ayos ng istura marami naman akong damit sa bahay, sadyang tinatamad lang ako." Saad ni Joana. Para bang nag balik siya muli sa pag ka Dalaga. Naka denim pants siya at puting blouse. Butas butas din ang pantalon niya gawa ng kaibigan niyang si Rina. Ito ang piniling suotin niya.
Pag pasok nilang tatlo sa offic ni Kim, nagulat si Bryan at Kim na mag kasama sa office, inaayos kasi nito ang system para sa mga udpate. Iniwan ng dalawa ang ginagawa nila at humalik sa dalawang nobya nila. "Kailan ang kasal sainyong dalawang couple?" Tanong ni Joana dito
"Si Rina yong unang mag aasawa Joana, namanhikan na yang si Bryan." Pag bibiro ni Tifa.. "well totoo naman." Sinabi ni Bryan, nagulat naman ang lahat dito. Wala pa din kasing balak aminin ni Rina na namanhikan na ito.
"Kayo ni Ethan kamusta? Nag kakainitan yong ex mo at si Ethan dito." Sinabi ni Kim sakaniya. "Really!? Hindi na kasi dumadalaw si Austine sa bahay, wala ring sinabi si Ethan about kay Austine." Pag aalala nito.
"Gusto mo ba siyang puntahan? Doon lang siya sa left side makikita mo naman yong department nila nauuna siya bago sa mga IT." Sinabi ni Kim sakaniya at ngumiti. Mula noong nag kairingan sila nito ay ngayon lang siya ulit nito kinausap at nginitian. Tumango lang si Joana at lumabas.
Narating niya ang department ni Ethan. Medyo nagulat din siya ng makitang may katabi itong babae at katawanan pa ni Ethan. Inantay lang ni Joana na mapansin siya ni Ethan na nakatayo.
"Oh Babe!" Bati ni Ethan, nag tinginan namn ang mga empleyado, lalo na ang kausap nito. Nagulat si Joana dahil ito ang babaeng frontliner sa Resort ng nasa Cebu sila. "Oh Normie si Joana my Girlfriend, and Joana remember Normie yong kawork ko sa Cebu dito na siya ngayon." Pag papakilala nila. Nag ngitian lang ang dalawa. Dahil hindi naman ikakaila na masungit talaga si Joana.
"Excuse, mauna nako. Thank you Sir Ethan!" Bati nito at umalis. "Lunch kana." Inabot nito ang paper bag nandito kasi ang niluto niyang pag kain. Ngayon lang niya napatikman ng luto niya ang Binata. Napaka laki naman ng ngiti nito habang pinag masdan siya.
"Tara na?" Aya ni Ethan at hinawakan siya sa kamay si Joana pinag titinginan lamang sila sa Office habang nag lalakd ang dalawa, sumakto na lumabas si Austine at nakasalubong ang dalawa na tumatawa.
Nag katinginan si Ethan at Austine, pag tapos ay Mula ulo hanggang paa niyang pinag masdan si Joana, napangisi ito at iniwan. Mas lalo pang inasar ni Ethan ang lalaki ng hinapit niyo ang beywang ng babae at tinuloy ang pag lalakad.
~~~~
Mag kakasama ang tatlo at ang anak ni Joana sa mall para mamili ng pag kain balak kasi ng tatlo na icelebrate ang birthday ni Nathaniel sa bahay nalamang dahil magaling naman mag luto si Rina at Joana. Samantalang si Tifa ang bahala sa birthdya party design nito. Mag tatatlong taon narin ito. Bago sana sila sumabak sa Davao project ay mai-celebrate nila ang birthday ng kaniyang anak.
"Joana?!" Napalingon si Joana ng tinawag siya ng Ina ni Ethan. Matapos kasing ang isang beses na mag kita sila ay hindi na naulit. "Nako kamusta ka, ang gwapo naman ng batang iyan.." Sambit nito. "Ayos naman po Ma'am." Sinabi ni Joana. Hindi siya makasagot ng maayos dahil nag lilikot si Nathaniel. "Tita nalang Joana girlfriend kanaman ng anak ko." Sinabi nito
"Kanino bang anak yan?" Biglang tanong ng Matanda habang nilalaro pa ang bata. "Anak ko po" maikling sagot nito. "Apo ko? Anak niyo ni Ethan?! Nakong bata iyan." Sinabi nito. "Hindi po tita, anak ko po ito hindi po si Ethan ang tatay." Sinabi ni Joana.
Nakita niya na nag iba ang aura ng ina nito at ngumiti sakaniya, "gusto sana kitang imbitahan ka sa bahay namin, yong tayo lang dalawa ang mag usap Hija, o sige mauna na ako ha." Biglnag sinabi nito.
"Huy ang lungkot mo? Tyaka sino yon?" Tanong ni Rina. "Mommy ni Ethan," sinabi ni Joana.. "nakilala niya na yang anak mo?" Tanong ni Tifa. "Ngayon palang niya nakilala, mukha ngang dismayado yong matanda..
BINABASA MO ANG
SEX TAPES
RomanceWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...