SEX TAPES Last Chapter
囚人の心
Prisoner's Heart(Joana Paey Aguinaldo (Jopay/Narda82)
(Photo credits to owner)Maagang nagising para mag luto ng paborito nitong ulam. Lengua Estofado mula sa dila ng baboy at white sauce namay butil butil ng sweetcorn. Nag request din sila ng five days leave sa trabaho at hindi na makakasama sa Davao.
Napabangon si Ethan sa bango ng naamoy niya at sa kumakanta. Nanlalabo din ang mga mata nito dahil sa kakaiyak niya. Naaninag lang niya ang katawan ng babaeng nakatalikod at kumakanta.
"Mama?" Mahinang banggit niya at tuluyang lumapit sa babaeng naaninag niya.
"Goodmorning Ethan!" Masayang bati ni Joana hinawakan niya ang mukha ni Ethan, tumingkayad siya at hinalikan niya ang kaliwang mata nito.Naramdaman niya na hinagkan siya nito. Ilang minuto din niyang hinayaan na yakapin siya nito. Tinuloy ni Joana ang pag kanta habang hawka hawak niya likuran nito. "Joana huwag mo akong iwan ha?" Sinabi ni Ethan sa pagitan ng yakapan nila.
"Oo naman, umupo kana at kumain." Tumango lang si Ethan. Pinag masdan
Lang niya si Joana at nakita niya na umalis to at pumunta ng kwarto niya"Meet Nathaniel!" Banggit ni Joana kay Ethan at bitbit ang anak niya. Napangiti si Ethan, kahit na anak ng kapatid niya ito. "Alam kong pangit tignan sa mga taong makakalam na anak siya ng kapatid mo tapos boyfriend kita, pero kaya ko namang tanggapin yong mga sasabihin nila patungkol saakin." Sinabi ni Joana.
"Pinag laruan lang tayo ng tadhana Ethan, kung malalaman kolang talaga na kapatid mo si Austine sa papa mo hinding hindi siya yong dati kong pinili, pero ito may lumitaw na anghel." Sinabi ni Joana napangiti si Ethan kahit na may kirot sa puso niya na tanggapin ang batang nasaharapan niya.
"Kung hindi mo tatanggapin si Nathaniel maiintindihan naman kita Ethan. Nakikita ko naman sa mga mata mo na may kirot sa dibdib mo. Kaya naman kitang hintayin Ethan kung gugustuhin mo pa din ako ang makasama mo."
"Huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Pero sa tuwing napapatingin ako sa mga mata ng anak mo, nasasaktan ako sumasagi sa isip ko na si Austine ang tatay niyan ang rason kung bakit nawala ang Ina ko. Mahal na mahal kita Joana, pinapangarap kita na maging asawa ko na makasama habang buhay. Pero gusto ko sanang bumangon muna ulit, buoin ko muna ang sarili ko. Gusto ko na munang umayos ang pakiramdam ko ayokong makita mo na nag kakaganito ako, at ayoko na mahirapan ka habang on process ang pag hilom ng puso ko." Sinabi ni Ethan. Pumatak ang luha ni Ethan, pinunasan naman nito ni Joana at hinalikan niya sa Noo si Ethan.
Tumango si Joana at ngumiti kahit na naiiyak na ito. "Basta nandito ako, nandito kaming mga kaibigan mo kung kinakailangan mo ng tulong at kausap Ethan. Kumain kana at mauuna na ako." Umatras si Joana at kinuha ang bag niya.
BINABASA MO ANG
SEX TAPES
RomanceWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...