Chapter Seven
Wag monang itanong saakin..
"Nakakainis naman, sa dinami dami ng makikita ko sa kulungan yong tatlong itlog pa!" Galit na galit si Jopay habang inaayos niya ang pinag tulugan. "Paano kung i-reopen natin ang kaso, impa imbistiga ulit hindi kaba nag tataka na nag stick lang sa IP address ni Ethan, tanim droga ni Kim at yong Human trafficking yung kaso? Kasi ang bilis ng pang yayari Jopay, yong CCTV walang maibigay, pero nadiin sila sa kaso.." pag susuggest ng kaibigan niya.
"Huwag na, ang importante nakulong na sila.. O kung hindi man si Ethan yong lalaki na gumahasa saakin atleast siya na nag kalat ng Video at pag kakitaan yon ayan nag dusa na siya.." saad ni Jopay.
Kasama ngayon ni Jopay si Rina at pinuntahan nila ang dati nilang bahay.
"PAENG!" Sigaw ng matanda at yumakap sakaniya, nagulat si Jopay dahil hindi na niya nakilala ang bestfriend ng Mama niya.Sakanila kasi niya iniwan ang bahay nila sa cebu, kaysa sa mabulok ang bahay nila sa Cebu habang asa Manila siya, ay atleast may nakikinabang at nangangalaga dito...
"Nako Paeng namiss kita! Hinding hindi ko makakalimutan yang mukha mo.." napatawa naman si Jopay dahil, wala naman talagang pinag bago ang itsura niya kumbaga mas naging dalaga lang siya.
"Kamusta naman po dito? Mukhang bagong gawa din ang Kusina?" Tanong ni Jopay habang nililibot niya ang bahay. "Oo anak, bilang pag babayad narin namin sa pag papatira mo samin dito si Severino at ng anak namin, halika bubuksan ko ang kwarto mo..."
Nag taka si Jopay dahil sa ilang taong hindi niya nabisita ang kwarto niya ay maayos pa ito at malinis.. "kung paano mo iniwan iyan ay ganoon padin, kumbaga inaalikabukan lang namin at nililinis para ba'y hindi tirhan ng anay.."
"Maiwan ko muna kayong dalawa, pag titimpla ko muna kayo ng juice.." saad ni Aling Mila. Hinalungkat niya ang photo album at nakita niya ang litrato ng Magulang niya kasama ang dalawa niyang kapatid na pumanaw
May litrato din na kasama ang isang bata, ito ang alaga ng Ina niya noong nasa Manila Pa ito.. "Amerikano ang alaga ng Mama mo?" Pag tatanong ni Rina habang pinag mamasdan ang batang ito.
"Oo yong dalawa kong kapatid ang nakakita sakaniya kasi naiwan ako dito kasama noon si Papa, pag tapos non si papa sumama din, hindi kasi ako nakasama dahil may Hika ako sayang nga, mabait ang pamilya niyan siya nga lagi ang nag bibigay ng laruan saamin noon..." saad ni Jopay habang inaalala niya ang nakaraan.
~~~
Hindi makabangon si Ethan mula sa Higaan niya dahil sa sama ng pakiramdam niya. Para bang binibiyak ang ulo niya kaya hanggang ngayon hindi padin siya kumakain ng tanghalian. Inabutan siya ng gamot ng kaibigan galing sa nag babantay. "Lovenat lang yan pre pakiramdam ko.." pag bibiro ni Bryan...
"I'm not huwag niyo muna akong guluhin tumulonh kayo don, pati kayo tatamad tamad din.." tulad ng sinabi ni Ethan nilubayan siya ng dalawa niyang kaibigan. Wala din siyang balak makita ulit si Jopay, dahil ngayon ang balik ng mga social workers para sa ginagawa nilang project na gagaweng disenyo sa bawat poste para mag karoon ng pailaw o parol sa nalalapit na pasko.
Palibot libot ang mga ni Jopay dahil hindi niya makita ang mukha ni Ethan, tanging si Bryan at Kim lamang ang kasama niya. "Bryan asan si Brownie?" Biglang tanong ni Rina ang tinutukoy niyo ay si Ethan Alfonso Brown "Brownie"
"May sakit, wala ding balak lumabas yun kapag may sakit.." sagot ni Kim, hindi kasi pinansin ni Bryan ang dalaga at lumipat pa ng upuan. "Anong problema ni Bryan? Tinatanong kolang kailangan bang snobin pa ako?" Tanong ni Rina dito
Nilingon lang ni Jopay ang mga ito at pilit niyang marinig ang usapan nito. "Huwag mo sanang masamain, ako kaming tatlo ay nahihiyang makipag usap ulit sayo o sainyong dalawa ni Joana, kasi alam namin na ang tingin niyo saamin na kami ang gumawa noong bagay nayon. Hindi mo rin maiiwasan na mahiya si Bryan sayo dahil minsan siyang humanga sayo pag tapos tignan mo siya ngayon nakakulong bilang lalaki syempre nakakababa ng confidence yon.." pag kukwento ni Kim kay Rina.
"Naniniwala naman akong wala kayong ginawa, hayaan mo at pag balik ko ng Manila ipapareinvestigate ko ang kaso.." saad ni Rina, nanlaki ang mga mata ni Kim sa Narinig niya. "Just keep it secret Kahit ngayon lang huwag kang madaldal gusto ko kayong mapawalang sala dito. Nararamdaman kong set up kasi ang nangyari imagine ang bilis ng Trial Guilty agad kayo." Bulong ni Rina dito.
"Salamat Rina pero may favor sana ako sayo?" Seryosong sinabi nito at nilapit ang mukha nito sakaniya. "Ano yon?" Tanong ni Rina.. "Kapag nakalaya kami dito, pupwede bang ireto mo ako don sa Kasama mong maliit?" Tinuro nito si Tifa ang kasama nilang social worker.
"Aray naman!" Nakatanggap ng pingot si Kim mula kay Rina. "Kahit kailan kang gago ka no? Seryosong usapan hinaluan mo ng kahiligan mo!" Pagalit na iniwan niya si Kim sa lamesa.
"May lagnat daw si Ethan.." bulong ni Rina sakaniya napatigil si Jopay at nag pameywang pa ito. "Anong gagawin ko? Pagagalingin ko?" Pag susungit nito at iniwan ang kaibigan niya.
Tanghaling tapat na at nilapitan ni Jopay si Bryan at Kim. "Paki-suyo nalang kay Brownie uminom ng gamot pina check kona yan sa Gwardya." Inabot niya ang isang lalagyan ng gamot sa dalawang lalaki at iniwan din niya agad.
"Naku napaka pakipot naman talaga ng dalawang to." Pailing iling lamang si Kim dito habang pinag mamasdan ang gamot na inabot ni Jopay
~~~
"Joana." Pag tawag ni Kim dito. Humarap si Jopay at inilapag ang hawak nito. "Pupwede kabang kausapin?" Pag papaalam ni Kim dito.. "Kinakausap mona ako.." pilosopong sagot niJopay dito
Napakamot naman ng ulo si Kim at umupo sa bandang harapan niya.. "Hindi narin naman ako umaasa na patawarin mo kami, pero gusto kolang ipag tapat sayo nahindi sumagi sa utak namin na gawan ka ng masama, isa pa anong rason para gawin namin yon sayo? Pero sorry padin kung sino man ang taong gumawa non sayo. Sana balang araw maging mag kaibigan tayo kung mapag bibigyan kami ng Panginoon at ng Pangulo na maka kawala.." saad nito, napatingin si Jopay sakaniya at nakita niyang nakayuko ang binata halatang halata ang lungkot sa itsura nito..
"Alam mo ba, mula ng nakulong kaming tatlo, doon namin na pag tanto kung sino ang tunay na kaibigan talaga, yung bang mula sa hirap at ginhawa mag kasama kami, tignan mo mismong pamilya ko tinakwil ako, ganon din si Bryan ni isa sa relatives namin walang dumalaw, kumbaga kilala lang nila kami noong naka-kawala lang kami noong may pera pa kami na pang tustos sakanila, pero ngayon na kami naman ang nangangailangan ng karamay sila yong wala." Dagdag ulit ni Kim. Nakita ni Jopay na nag punas ito ng Mukha.
Napalunok si Jopay at para bang may tinik sa lalamunan niya at hindi siya makasagot sa sinabi nito. "Si Ethan, nasira ang pangarap niyang makita at makilala niya ang Papa niya. Sa skype na ngalang niya nakita hindi pa natuloy na mag kita sila.." natatawang sambit ni Kim at pailing iling pa ito.
Walang masabi si Jopay dito kaya nanatili lamanh siyang tahimik sa harap ng binata. "Sige Jopay salamat sa pakikinig, hindi naman pag papaawa ang kwento ko sayo, ngayon lang kasi ako ulit nag karoon ng ibang kausap para mag open-up.." iniwan siya ni Kim na mag isa.
Continue reading next part
BINABASA MO ANG
SEX TAPES
RomanceWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...