Chapter Eighteen
Nasa loob ng Office ni Kim si Ethan at Bryan, kinukuha niya kasing Empleyado ang dalawa. "Senior Graphic artist Ethan please malaki ang sahod mo dito." Sinabi ni Kim na nakikiusap sakaniya.
"Tatanggapin ko basta Kasama si Bryan dito." Pang aasar ni Ethan Sa kaibigang si Bryan. Nag rereview kasi ito para sa itetake niyang Exam sa August. "Pota naman gobyerno gusto ko para habang tumanda may pensyon sinabi nito." Natatawang sinabi ni Bryan
"Sige deal na ako Kim madali naman akong kausap." Sinabi ni Ethan at dali daling kinagat ang takip ng ballpen at pumirma. "Bro may pakiusap ako." Sinabi ni Ethan dito. "Anything bro basta ikaw," sinabi ni Kim.
"Tang ina ayoko mag corporate attire! Pwede bang ganito nalang lagi?" Tumawa naman si Bryan at Kim kaya pinag tigisahan niyang batuhin ang dalawa. "Okay, okay dahil ako ayoko ng dress code na pinatupad sa company. Dahil boss naman tayo fine basta wag pang bahay." Sinabi nitong si Kim
Suot lamang nito ay V-neck shirt, Pantalon na butas at sneakers naka jacket din itong itim dahil balik sa pag momotor na si Ethan. "Ayon naman pala. Para hindi na magastos bibili pa ako ng formal attire mag dedesign at mag babad lang naman ako sa computer" sinabi ni Ethan sa dalawa.
"Wait Ethan my brother" singit ni Bryan.. maya maya at nilabas nito ang isang kahon na nilalamn ng cake.. "Happy birthday bro!" Sinabi ni Kim at tinapik siya nito sa balikat at hinagkan ganon din si Bryan, "Thirty Three pero wala paring kupas sa Chic-ass! Happy birthday Bro!" Pag bibiro naman ni Bryan
Natuwa naman si Ethan sa dalawang ito. Mabuti nalang at Lunch break niyang na-idate ang Mama niya kaya ito kaibigan naman niya ang magiging kadate niya. "Before that, Address yan ni Joana Aguinaldo, hindi ko tinanong sa kaibigan niya kundi kinuha ko sa files." Sinabi ni Bryan natuwa naman si Ethan at mapupuntahan niya na ang babaeng mahal niya.
Matapos ang inuman ng tatlo, hindi naman sila nag tagal dahil matitino na daw ang buhay nila maaga na silang umuuwi dahil maaga din ang pasok sa trabaho. Nasa harap ng bahay ni Joana si Ethan at hindi padin niya magawang lapitan ang bahay nito.
Nagulat siya ng makita niyang lumabas si Joana at may bitbit na batang lalaki. "Aguy! Iyak iyak ang baby ko!!" Para bang hinihele o pinapatahan niya ito. Nag tataka si Ethan dahil naririnig niya ang sinasabi nito.
"Yaya paabot nong toy ni Nathan.." utos ni Joana sa yaya niya. Laking gulat ni Ethan na may lalaking nakatalikod ang sumulpot. Humalik ito sa bata at sa noo ni Joana.
"What the hell is this?" Pag iling niya, nagawa niya pang sampalin ang sarili baka siya ay lasing lang. Pero sa muling pag tingin niya.. "Kay gwapo talaga ng Anak ko Manang mana kay Mommy Joana.." banggit ng lalaking nakatalikod.
Nanlabo ang mga mata ni Ethan dahil sa namumuong luha para bang sinaksak siya ng isang mapurol na kutsilyo na unti unting pilit binabaon sa dibdib niya.. "No, bakit ganito? Why Joana? Why? Bakit noong nasa Cebu ka saakin ang mga mata mo ang puso mo pero bakit ganon? Putang inang tadhana ito!" Minabuti niyang paharurotin ang motor niya.
Sobrang bilis para ba manuyot ang basa niyang mata. "Nandito na ako para sayo, para maging tayo, pero bakit ibang lalaki ang kasama mo at may anak ka pa.?" Mga katanungan na sumasagi sa isip niya.
Minabuti niyang dumiretso na agad sa kwarto niya at pinag masdan niya ang dating litrato nila ni Joana noong college pa ito at kasama ng barkada.
"Happy birthday Ethan, the best gift." Pag pikit niya.
~~~~
Maagang pumasok si Ethan sa trabaho, halos walang ngiti ang inabot ng mga katrabaho niya sakaniya. Dahil mula pag Time in nito ay naka simangot at malayo ang iniisip nito. Sa sobrang seryoso nito ay natapos niya na agad ang tatlong proyekto na sa mga normal na empleyado doon ay umaabot ng dalawang araw ang isang Project.
BINABASA MO ANG
SEX TAPES
RomanceWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...