We are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives."
― Dr Prem Jagyas
Originally this is about a Prisoner's life and love story...
THIS...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Tifanny Monte Clara/ Tifa) (Photo credits to owner)
Nag iinuman ang dalawang mag kakaibigan, ngayon lang nila nakitang hindi uminom si Tifa dahil kaharap nito si Kim. Kulang nalang ay malasaw na ito sa mga titig ni Kim sakaniya. "Hoy Kim, ginayuma mo ba itong kaibigan ko ha!?" Sinabi ni Joana, halatang halata narin ang pag kakalasing nito. "Ano kaba sister! Huwag ka ngang ganyan.." pasimpleng sinabi ni Tifa kaya binatukan ni Rina ito.
"Gago huwag kami! Wag! Pahinhin ka pa hindi mo bagay Tiga!" Lasing na lasing na kasi si Rina at Joana. "Buti hindi ka lasing mas mabuti yon, hayaan mo yang dalawa mong kaibigan." Sinabi ni Kim
"Oo nga akala mo Walang anak tong si" natigil si Tifa ng kamuntikan siyang madulas sa lalaki. "Sinong may anak?" Tumaas ang kilay nito at sumimangot kay tifa. "Akala mo kasi Hindi na mag aasawa at wala ng balak mag Anak diba tignan mo happy go lucky.." sinabi ni Tifa at pilit na ngumiti
Ayaw naman kasi niyang pangunahan ang kaibigan na malaman nito ang totoo niyang estado. Ayaw din naman niyang manghimasok. Kinagat niya ang dilata niya pasimple para ganti sa sarili niya sa sobrang pagiging taklesa
"Over time si Ethan ngayon kaya tutulungan na kitang ihatid yong dalawang babae." Nagulat si Kim ng nakita niya ring dumating si Bryan. "Pre dalhin mo nga sa kwarto yang si Rina lasing na lasing na. " utos ni Kim at sinunod naman ni Bryan.
Akay akay nila sa pag lalakad ang dalawa. Gising panaman si Joana pero napansin niya sa kabilang dako si Ethan na nakangiti nanaman sa ibang babae. "Tarantado talaga siya. Bubungalin ko siya Kim!" Sinabi nito habang langong lango na inaakay papasok ng kwarto.. "Pasensya kana Kim ha ganyang malasing yan.." sinabi ni Tifa dito
"Bubungalin ko yon para hindi makangiti!" Banggit nito habang yakap yakap ang unan. Kinuha ni Kim ang Telepono niya habang nakatalikod si Tifa nainaayos ang kumot ng kaibigan. Nilitratuhan niya ito at sinend agad kay Ethan.
"Hoy!" Sigaw ulit ni Joana, napalingon ulit ang dalawa bago tuluyang lumabas. "Bubungalin ko siya sakin kang siya ngumiti!" Sinabi nito. Natawa naman si Kim at inakbayan na papalabas si Tifa
Hinatid siya ni Kim sa kwarto nito. "Salamat sa pag hatid Kim." Ngumiti si Tifa at hindi naman maiwasan ni Kim na mapangiti. Lalo kasi itong gumaganda kapag namumula ang pisngi.
"Huwag kang mag papaka lasing ng ganoon ha? Kung alam mong walang katiwa tiwalang mag hahatid sayo okay?" Sinabi nito at hinawakan pa ang ulo niya. Tumaas ang kilay ni Tifa. "Ano bayan para naman akong bata sa ginagawa mo!" Suway nito at inalis ang kamay ng Binata sa ulo niya.
Napatingin si Tifa ng makita niya ang Head nila, nakayuko ito at busy sa pag cecellphone, hinatak niya agad ang kamay ni Kim papasok ng kwarto niya. "What?" Sinabi ni Kim na parang nalilito pa. Tumingkayad si Tifa at tinakpan ang bibig ni Kim. Sumisilip lamang si Tifa sa maliit na butas mula sa pinto. Palagi kasi siyang chinicheck ng Head nila.