Chapter Five
+Buhat buhat ni Ethan ang ilang kawayan na gagamitin nila sa pag gawa ng parol at iba pang disensyo para sa nalalapit na pasko. "Tuloy parin ang awit ng buhay ko, mag bago man ang hugis ng puso mo, handa nakong hamunin ang aking mundo pagkat tuloy parin..." kumakanta lamang si Ethan habang busy ang lahat sa pag putol nga kawayan.
"Iyan ba ang kakantahin ninyong tatlo bukas?" Tanong ng isang kasamahan nila. "Hindi panga namin alam pero alam ko naman ang pyesa niyan pwede naba yon?" Tanong ni Ethan dito.
"Pwede nayan bro, relate naman satin yan dito, tuloy parin ang awit ng buhay natin, kahit na bilanggo tayo tignan mo nakakatulong pa tayo sa lipunan kahit papano.."dagdag ni Bryan at sinimulang kantahin ang kanta.
Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na
Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rinPati ang mga Pulis na nag babantay ay nakikisabay sa pag kanta nila. Kahit preso sila ay halos ng nandito ay bumuti, dahil nag kaintindihan sila, ang iba ay nakulong din dahil kapit sa patalim, ang iba dahil napasama sa kaibigan, naakusahan at inosente.
Kaya hindi rin nahirapan ang tatlo na makisama sa mga kapwa nilang preso dahil pare pareho lamang sila ng hinanakit sa mundo at sa kapwa tao.
Matapos ang ginagawa nila. Hinayaan nilang mag ayos ang mga preso para mas maging presentable. Kayrami din na gwapong preso at may katamtaman na itsura lamang ang iba ay bakla din, walang pinipiling kasarian ang pag kakaibigan kaya lahat sila ay mag kakasundo na at nag kakaisa.
~~~~
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ng mga social workers, talon ng talon si Jopay ng makita niya ulit ang Cebu. Kahit may halong kaba dahil sa takot niya sa eroplano. Gabi na sila ng makarating kaya diniretso nalang nila ang kama para matulog. Sa pagod nila ay tulog nalang ang inasam nila at hindi kumain.
Maaga ang schedule nila sa pag punta sa Kulungan. "Pantalon at ito ang isusuot ninyo." Suot nila ang Tshirt na may pangalan sa likod.
Tanali ni Jopay ang mahaba niyang buhok dahil sa sobrang init sa kulungan, nakapaligid din ang maraming bantay para nadin sa proteksyon nilang mga social workers. Inaayos nila ang ilang pag kain na ihinandog ng gobyerno. Linggo ang araw ngayon at may Padre na mag mimisa dito.
May karapatan parin sila na mag dasal hindi dahil nakakulong kana ay bawal kana makaranas ng blessing mula sa mga Padre.
"Ang pag kaka bilanggo, may negative at positive side yan, NEGATIVE dahil nakulong ka, dahil gumawa ka ng masama sa kapwa mo, tulad ng pag patay pag nakaw at pag agrabyado sa isang tao. Dahil nag kulang ka sa pananampalataya sa panginoon nakalimutan mo na matakot, maalala ang mga sakriposyo ng panginoon para saatin. At ang positive side naman ay nakuha mong magdusa o mag sisi sa loob ng kulungan, nagawa mong ma isip ang mga bagay bagay na dapat hindi mo ginawa, dahil nabigyan ng pansamantalang deadline ang pangarap mo. Pansamantala dahil, may posibilidad o pag kakataon na mabibigyan ka ng Parole at makalaya muli. At para sa mga taong hindi naman makalaya, wag kayo mag alala at hindi matatapos ang buhay ninyo dito, tignan ninyo tumutulong kayo sa turismo ng lungsod, at tinutulungan ninyo ang sarili niyo na mag bago. Sana'y huwag ninyong kalimutan na mag dasal. Huwag niyong kalimutan ang panginoon, mahalin ang inyong sarili at ang kapwa." Mensahe ng Padre na nag sesermon.
Nag sitayuan ang Tatlong mag kakaibigan para mag handog ng isang kanta sa mga kapwa nilang preso at sa bisita.
Kung minsan ay hinahanap pa'ng
Alaala ng 'yong halik (alaala ng 'yong halik)
Inaamin ko na kay tagal pa bago
Malilimutan ito
Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito, woh
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin, woh
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rinNakaramdam ng kirot sa dibdib si Ethan habang kinakanta niya ang kantang ito na handog niya sa sarili at sa mga kasama niya. Nag Flash bigla sa utak niya ang nakaraan, ang anim na taon na kalungkutan sa kulungan.
Kalungkutan sa bagay na hindi nila nakamit ang hustisya, hindi nila naramdaman ang suporta ng pamilya at maramdaman na mag mahal ng totoo..
Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko, hoh
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin, woh
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rinPumukaw ang atensyon ni Jopay sa boses na narinig niya, himig at timbre ng boses na hindi niya kailan man malilimutan. Papaos malaking boses, binitiwan niya ang hawak niyang kahon at sumiksik sa Mga kasama niyang nanonood. Nakita niyang lumuluha si Rina at nakatakip ang bibig.
Napanganga siya ng makita niya si Bryan, Kim at Ethan. Ang lalaking nagustohan niya at kinamuhian niya ng husto. Pero ng makita niya ito parang tumigil ang oras, tumigil ang ikot ng mundo.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (hamunin)
'Pagka't tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rinRamdam niya ang lungkot at puso sa pag kanta nito. Naramdaman niya ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Kinalbit siya ni Rina. "Si Ethan, Bryan at Kim!" Sambit ni Rina sa kaibigan
"Nag matured ang itsura niya, nangitim din siya, pero luminis ang itsura niya kumpara noong nakilala ko siya, wala narin siyang bigote at balbas.. para siyang member ng Sundalo, hindi NPA kundi AFP." Sagot ni Jopay dito.
Hindi parin siya makapaniwala na pag tapos ng anim na taong hindi niya nakita ito ay nakita niya ulit sa isang lugar kung saan hindi normal na mag kita ang dating mag kaibigan o dati niyang ginusto. Para bang nawala ang galit niya dito ng marinig niya ang pag kanta nito.
"Dahil po sa layo ng binyahe ninyo Mula Manila papunta dito sa Cebu, nag handa papo kaming mga inmates ng isa pang kanta para mag iwan ng ngiti sa inyong mga mukha." Pag sasalita ni Ethan. Nahagip ng mata niya ang birheng mukha, mukha ng isang babaeng hindi niya kailan man makakalimutan..
Napatulala siya ng ilang segundo ng mag katinginan sila ni Joana Paey Aguinaldo ang Darna ng buhay niya.. Tinapik siya ni Bryan dahil nag aantay na ang mga tao..
~~~~
BINABASA MO ANG
SEX TAPES
RomanceWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...