Chapter Nine
Sinalubong ng mag kakaibigan ang bagong taon na kinakalampag ang malamig na Rehas sa kulungan. Pang ilang taon na nila tong ginagawa kahit may lungkot sa mga mata nila wala din naman silang magagawa kundi yakapin ang realidad.
"Happy new year bro! Happy happy sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center! Tang ina Seven years ito na kami!" Tuwang tuwa na sinigaw ni Bryan. "Mga putang inang tao na nag dala satin dito hindi nila alam masaya padin tayo!" Sambit naman ni Kim
"Bakit, bakit ba iniwan mong nag iisa.." humirit ng linya mula sa isang kanta si Ethan.
Kinabukasan, nag babasketball ang mga kasamahan nilang inmates. Parte ito ng everyday routine nila tuwing alas sais ay mag eehersisyo sila at pag tapos pupwede silang mag laro ng basketball.
"Tay ilang taon napo kayong nakakulong dito?" Tanong ni Ethan habang nakaupo sa simento, nag pahinga ito pag tapos nilang mag laro. "Nako anak, eleven years nakong bilanggo dito.." sagot ng kapwa niyang preso.
"Ano naman pong kaso niyo?" Tanong ulit ni Ethan, "Set up sa Droga mga kainuman ko non dinamay ako, ako lang ang sumuko sila nanlaban kaya nakipag bakbakan sa Pulisya.." sagot nito
"Hindi niyo na poba inasam makamit ang hustisya?" Tanong nulit ni Ethan dito. "Hindi na wala nadin naman akong pupuntahan dahil pag kakulong ko ay tinakwil na ako ng asawa't anak ko ayon nanlalaki agad. " natatawang sambit ng kapwa niyang preso.
"Ikaw ba anak? Bakit ka nandito, sayang yang itsura mo bakit ka nakulong?" Tanong nito. "Nako Tay pareho lang tayong pinag bintangan set up, ito tinanggap ko na po ang pait ng kapalaran ko.." natatawang sinabi ni Ethan
"Pero ma iba ako Anak, nobya mo ba yong magandang social worker noon? Narinig ko kasi yong sinabi niya sayo .." pabulong pa ng Matanda sakaniya. Natawa naman si Ethan at humarap sa matanda..
"Hindi po, niligawan ko po yon noon kaso napurnada kasi napag bintangan nga ako, nahihiya nga po ako sakaniya ngayon lang kami nag kita pero sa kulungan pa.." natatawang sambit ni Ethan
"Ganyan talaga Ethan, ako nga girlfriend ko sumama don sa nag pakulong saakin.." singit ng isa pang preso. "Tyaka balita ko banda kayo sa labas ng kulungan? Sabi ni Kim saakin, bakit hindi kaya pag tapos nating mag worship ay tumugtog kayo.." pag aaya pa ng isang Preso.
Narating nila ang lugar kung saan sila nag woworship mga matatandang preso kasi ang nangunguna sa pag kanta patungkol sa panginoon, ngayon na nadiscover nila na nag babanda pala ang mga ito noon, sa tagal nilang nakakulong ngayon lang din niya nakausap ang iba.
Pati narin ang mga storya ng pag kakakulong nito. Nakaupo lamang sa harap ng monitor ng CCTV ang Namumuno sa Kulungan. Pinanunuod niya ang mga preso na nag kakasiyahan habang tumutugtog
"Chief, yang tatlong yan nako banda yan sa loob ng kulungan. Pwera pa sa Mga nag woworship every sunday.." pag papakilala ng isa pang warden sa kulungan
"Talaga ba? Bakit hindi kaya natin bigyan ng pag kakataong tumugtog ang mga yan ulit sir? Sila po yong kumanta noon sa mga social workers.." pag kukwento nito
"Sige pag mamasdan ko pa ang mga galaw ng tatlong ito."~~~
"Ano naman ang dahilan mo Rina para ire-investigate ang kaso?" Tanong ng Ama ni Rina sakaniya.. "Papa galing akong Cebu Jail, nag kita kita kami don nila Ethan, Bryan at Kim. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang kalungkutan pa.." sinabi ni Rina
"Isa lang naman ang kailangan nating hanapin Rina kung gusto mong maimbestigahan ulit ang kaso na iyan.." sagot ng Ama sakaniya. "What pa?" Tanong ni Rina
"Mahanap yong Manager ni Ethan kahit saan mo tignan siya lang ang nakakaalam sa bawat sulok ng company nayan, at ang kulang na Minuto sa CCTV, ni hindi humarap ang manager nila sa Trial.." sagot ng Ama niya
BINABASA MO ANG
SEX TAPES
RomanceWe are prisoners of the unnecessary things we amass, and the only way to discover our beautiful true selves is by chipping everything unnecessary out of our lives." ― Dr Prem Jagyas Originally this is about a Prisoner's life and love story... THIS...