pare ko

57 0 0
                                    

Flashback 3

"Seryoso walang nangyari sainyo ni Ethan?!" Pag tango ni Jopay dito paulit ulit kasi ang tanong nito habang nag aayos ng libro si Jopay sa Library. "Oo nga kasi wala! Kahit naman mukhang sanggano yon o bad boy hindi naman pala bastos."

"Ms. Aguinaldo!" Mahinahong tinawag siya ng Guro.. "Ano po yon ma'am?" Tanong nito sa Guro. "Baba ka sa entrance may nag hahanap sayo.."

Agad namang bumaba si Jopay para puntahan ang taong ito. "Hey Jopay! Sabay kanang mag lunch saakin?" Nakasalubong niya si Wendel .."Ah kumain na kasi ako, mauna na ako ha may pupuntahan pa kasi ako." Pag tanggi ni Jopay dito

Nakita niya ang lalaking tinuro sakaniya ng Guard sa labas ng Unibersidad. nakaupo ito sa motor at naninigarilyo. "Hay kahit kailan mukha kang gangster!" Suway ni Jopay dito. Walang iba kundi si Ethan, inabot nito ang helmet sakniya. "Lunch tayo wala akong kasabay.."

"Kumain na ako Ethan! Tyaka hindi ako sumasakay sa motor.." binalik niya ito at akmang tatalikuran pero nag salita si Ethan kaya't napatigil siya sa pag lalakad. "Pag tapos kitang patulugin sa bahay at gawin mong inidoro ang katawan ko tatanggihan mo ako?" Bwisit na sinabi ni Ethan

Hanggang ngayon kasi ay iniiwasan niya ito dahil sa kahihiyan na ginawa niya, naalala niyang pinaliguan niya ito ng Suka. "Imagine? Naligo ako ng Sisig, at buo buong hotdog? Ano pa yong maasim? Chicharon na may sawsawang suka yang binuga mo saakin.." pang aasar ni Ethan habang natatawa.

"Ito na sasama na ako! Sorry na kasi, hindi naman kasi sanay uminom ng ganoon, tyaka naipit kasi yong Tiyan ko kaya ayon nabuhos ko lahat sayo ang dapat kong isuka.

Umangkas siya sa Motor nito at kumain sila kung saan sila ang inuman noon, kariderya kasi ito tuwing umaga at sa gabi naman ay Bar. Tambayan ito ng mga estudyante mapa lunch o sa gimikan. 

Sa ilang buwan na palagi siyang hatid sundo dito, hindi din niya maiwasang mag ka guto dito o mahulog narin, mukha mang bad boy ang lalaking ito pero hindi kailan man binastos ni Ethan si Jopay.

"Nakakatakot si Wendel sis, mas gusto kopa si Ethan sayo, si Wendel kasi mukhang may sakit sa utak, laging nakasunod sayo nakakatakot yong tipo ng lalaking ganoon ang attitude hindi kasi normal?" Saad ng kaibigan niyang si Rina

~~~~

"I would like you to meet our supervisor Wendel Dela Cruz." Pag papakilala ng Boss nila, nagulat si Ethan dahil sa tagal nilang nag lilingkod sa kompanyang ito ay hindi man lang sila nagawang ipromote bilang Supervisor. Nakuha pang mag Hire ng panibagong supervisor.

"Bro bakit ganoon? Kay tagal nating nag trabaho dito pag tapos bagito pa ang graphic artist na kinuha nila?" Medyo masama ang tono ni Kim sa mga kaibigan niya. Hindi din kasi matanggap ng mga ito ang nangyayari sa kompanya. Nag simula noong nag palit ng management ang kompanya, kung dati ay Japanese ang boss nila at ngayon isang pure chinese, nabawasan don ang benefits na nakukuha nila at six days a week na ang pasok nila, iisang Day-off nalamang ang natira sakanila.

"Nabawasan pa ang gigs natin at sideline sa pag tattoo.." problemadong sagot ni Bryan habang nakataas ang paa sa ibabaw ng lamesa

"Wala chekwa kasi boss natin automatic kuripot yan, pero si Boss cheng naman sa Bar galante? Hindi lahat talaga ng Chinese employer ay galante, madalas kuripot talaga, hayaan niyo may mga ibang projects naman na nag papagawa saatin.." sagot ni Ethan.

~~~~

Nakapiring ang mga Mata ng dalaga habang nakatali ang kamay nito sa Headboard ng kama. "Ahhh! Please tulongqan niyo ako!" Sigaw nito. Sa dami ng nainom nito hindi nadin niya alam kung kanino siya sumama, isang alak na hindi bago sa panlasa niya ang nag paiba sa ihip ng pangangatawan niya

Para bang na eecho ang boses ng lalaki at pawis na pawis siya, habang ginagalaw siya nito. Bago sa pakiramdam niya ang ganitong bagay.. Tanging ungol at dinig na dinig sa Telepono, Pinanunuod ito ng mga ilang kabataan sa Telepono at sa computer.

Isang Sex scandal na recorded ang pinanunupd ng mga ito.. "Pinay ba ito?" Tanong ng isang binatilyo habang pinanunuod ito.. "Oo nag tagalog, napaka ganda naman ng katawan niyan may bago nanaman tayong pag papantasyahan..

Nagising si Jopay sa ingay ng telepono niya.. nalalapit na graduation day na niya pero hindi niya magawang pumasok para mag practice. Hindi padin siya makapaniwala na ang napanood niyang Sex scandal ay ang sarili niya. Hindi niya magawang mag reklamo sa pulisya dahil sa kahihiyan..

Narinig niya ang malakas na katok mula sa pintuan niya. "JOPAY! Bakit hindi natin to siumbong sa Polisya? Si papa may kakilala naman siya pwede ka niyang tulungan! Ano ba kasi ang nangyari?"

"Umiinom lang ako pag tapos yung huling baso na natikman ko napakatapang pag tapos nakaramdam nako ng mabilis na pag tibok ng puso at nahilo. Hindi ako siguradong sa narinig ko kung dalawang lalaki ba sila o ilan pa..

"Ano ba naman kasi yang nasa isip mong mag inom ng mag isa!" Inalalayan niya ang kaibigan niya papunta ng sasakyan. "Ipapa imbestiga natin ang nag kalat ng sex scandal nayan, paano nalang kung nakilala ka?"

"Tulungan mo ako Rina hindi ko magawang humarap sa graduation day natin, baka makilala nila ako baka anong akala nila saakin isang pokpok isang patapon isang porn star."

~~~~

"Promotion and higher salary, pero may kailangan kang gawin." Utos ni Wendel kay Ethan. Gustong gusto niya din na mapromote pero hindi sa ganitong pamamaraan alam niyang merong tinatago si Wendel sakaniya.

"No, salamat nalang pero hindi ako interesado.." iniwan niya lamang ito sa desk niya, nakaupo padin si Wendel sa Upuan niya at pinakialaman ang computer niya.

"I know you like Joana Ethan, pero naunahan na kita at uunahan din kita sa trabaho.." kausap nito ang sarili at pinakialaman pa ang computer niya. Ginusto ng chekwa nilang employer si Ethan dahil nais nitong ipadala siya sa Londol para ipresenta ang pangalan ng kompanya.. Ngayon ay pinatapon sila ng kompanya nila sa Cebu dahil sa proyekto doon.

Ilang linggo na ang nakalipas at si Ethan dumaranas ng Lagnat, ni hindi man lang niya ito nakita noong graduation dahil sa Extended ang hours niya sa trabaho. Hindi narin ito nakatira sa lumang address niya bago pa sila ipatapon sa Cebu.

Alas nuebe na ng gabi at narinig niya ang ilang malakas na katok sa pinto. "Wait! Sandali tang ina ang kulit!" Sinalubong siya ng limang Police. "Anong problema?" Tanong ni Ethan pinakita lamang nito ang warrant of arrest sakaniya

Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa ito. "What? Expanded anti-trafficking? Cyber crime!? Tang ina saan galing to chief?" Tanong ni Ethan at litong lito sa nakita niya. Napansin din niya si Bryan sa loob ng police mobile, nakayuko at nakatingin naman si Kim.

"Natumbong kadin dahil nag tago kapa dito sa Cebu"." Sinabi ng Pulis na kinausap siya. "What? I'm here for work!" Sigaw ni Ethan. Perp wala siyang nagawa

Sinara ng polisya ang bahay niya at pinosasan siya. "Sa polisya na po kayo mag explain, at kumuha ng abogado." Mag kakasama ang tatlong mag kakaibigan sa loob ng bilanggoan.

"What happen? Tinawagan mo ba si Mama mo?" Pag aalalang tanong ni Ethan kay Kim, bukod sa may kaya kasi ito ay pupwede silang matulungan nito na kumuha ng abogado dahil alam nilang wala silang mapapala kung sino man ang mapulot nilang abogado..

Bumuhos ang luha ni Kim at yumakap sakaniya. "Tang ina Bro, hinagudgod nila ang bahay at may nakuhang drugs sa kwarto ko sa loob ng bag ko! Paano nangyari yon? Ni hindi man lang ako tumira ng droga hindi ko nga alam ang lasa non. Mukha man tayong drug addict pero hindi ko nagawang tikman yan!"

Hindi lang Expanded anti-trafficking at cyber crime ang kaso nila, dumagdag pa ang Droga, kaya mas lalong bumigat ang kaso nila pang habang buhay..

Napatunayan sa ilang beses na Trial na guilty sila. Kahit ituro nila si Wendel na nag set-up sakanila ay wala naman silang sapat na pruweba dito, alam nilang anak mayaman ito, anak lamang ito ng taga pag mana ng isang sikat na Mall sa pilipinas at sa ibang bansa. Ano nga naman ang laban nila.

~~~~

SEX TAPESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon