Play Beautiful Scars by Maximilian in this chapter :)
PATRICIA'S POV
Maaga ako ngayong nagising sa takot na baka ma-late sa klase. Agad akong naligo at nang matapos ay humarap ako sa salamin para maglagay ng foundation sa mukha ko at mag liptint.
Tinitigan ko ang sarili ko. Simple lang naman ang ganda ko, gandang hindi nakakasawa. Hashtag confident! Syempre dapat kong purihin ang sarili ko 'noh, para hindi ako nakakaramdam ng inggit sa mga mas magaganda sa akin.
Ayoko na kasi ulit maranasan yung naramdaman ko noon. 'Yung tipong nakatingin ka sa mga magagandang babaeng nakikita mo at tinatanong mo ang sarili mo kung bakit hindi ka ganon. Sa panahon kasi ngayon kapag maganda ka, panalo ka. Kapag maganda ka, mahalaga ka. Paano na sakali kaming mga hindi masyadong maganda? Balewala kami, ganon?
Pero naisip ko na kahit hindi ako sobrang ganda... achiever at talented naman ako at kahit hindi man gaanong mabait, marunong ako magluto at maglaba, at sa tingin ko ayos na 'yon. Dahil hindi maipagkukumpara ng ganda ng iba ang mga bagay na alam at kayang gawin ko.
Ngumiti ako sa sarili kong repleksyon at tinignan ko pa ng huling beses ang sarili ko at napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto.
"Mag breakfast ka na, anak" Yaya sa'kin ni Mama pagdating ko sa lamesa
Tinignan ko ang mga nakahain sa mesa at nagsandok ng rice, bacon, eggs, cornedbeef at saging. Matakaw na kung matakaw 'di naman ako tabain kaya kiber lang!
"Nasaan pala si Papa, Ma" tanong ko nang mapansin na hindi kumpleto
"Nandun siya ngayon sa Palawan, may inasikaso" aniya kaya tumango na lang ako at inumpisahan ng kumain
Oo nga pala, madalas pumunta do'n si Papa sa kakaasikaso sa lupang bibilhin namin. Taga doon kasi si Mama kaya naman naisip nila na doon kami tumira pag nag college na si Jerome
"Ate, anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni Jerome, ang pangatlong kapatid ko na 15 years old na Freshman sa St. Louis University na pinapasukan ko din dito sa Baguio
"Mga 11pm na, bakit?"
"Hiniram ko pala yung kotse mo kagabi nung gumala kami ng barkada hehe" aniya sabay kamot sa sentido niya
"Hiniram o kinuha? Sapukin kita diyan eh! San mo yon nilagay? Bat di ko nakita kagabi nang umuwi ako? Ibalik mo 'yon, hindi ako mabubuhay ng wala 'yon" asik ko sa kanya at pinagpapalo siya sa braso
"Lah, ang OA 'kala mo naman talaga may kotse siya" tatawa-tawang sabi niya habang malokong nakatingin sa'kin
Ay oo nga pala, wala nga pala akong ganon. Reckless driver daw ako kaya kahit 19 na ako ay ayaw akong bilhan nila Mama ng kotse kaya tiis ako lagi sa pagcommute.
"Shut up!" Sigaw ko ako binatukan siya bago nagpatuloy sa pag kain
"Ate pahiram naman ako ng earpads mo" ani Kristel, ang pangalawa sa akin na 17 years old at 3rd year High School siya sa same school na pinapasukan ko rin
"Asa ka, hiramin mo na lahat 'wag lang 'yon"
Music is life kasi ako kaya naman araw-araw ko talagang dinadala at ginagamit ang earpads ko. I really love listening to old music because it's lyrics are meaningful than those songs nowadays.
"Edi sige, pahiram na lang ng pera mo" aniya at nag-beautiful eyes pa, mukha kang malapit ng mabulag tanga!
"Sampal gusto mo?" taas kilay na tanong ko, nagtataray
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Teen Fiction"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!