PATRICIA'S POV
Unti-unting nawala ang pamilyar na imahe sa'kin nang imulat ko ang mata ko. Bakit parang nangyari na sa'kin noon 'yong napanaginipan ko na 'yon? Bakit meron do'n 'yong kinakatakutan kong dugo at patay na pusa? At sino 'yong batang lalaki sa panaginip ko? Anong kinalaman niya sa akin?
Nang wala akong nakuhang mga sagot sa sarili kong tanong ay agad akong bumangon sa pagkakahiga para maligo at mag-ayos dahil baka ma-late ako sa klase. Nang matapos ako ay agad akong pumunta sa baba para kumain.
"Kumusta ang tulog mo anak?" Bungad na tanong ni papa nang makita ako kaya gulat naman akong tumingin sa kanya
"Nandito ka na pala, pa?"
"Malamang anak, kasi kung wala ako dito hindi mo 'ko makakausap" pambabara niya sa'kin kaya napairap ako
"HA-HA-HA funny ka"
"Kailan ka pa nakauwi, pa?"
"Kahapon ng tanghali pa, bakit pala wala ka kagabi? Balita ko wala naman kayong klase kahapon"
"May pinuntahan lang ako somewhere" ani ko at tumango lang siya
Umupo na ako at tinignan ang mga nakahain sa mesa. Nagsandok ako ng bacon, rice at omelette lang dahil hindi naman ako masyadong gutom. Habang kumakain ay biglang tumingin sa'kin si Papa kaya naman kunot-noo akong napatingin sa kanya.
"Bakit?" Takang tanong ko
"Nasa'n si bunso? Ba't wala pa siya dito?"
"Hindi ko alam? Hanapan ba ako ng nawawalang tao ngayon?"
"Puntahan mo siya sa kwarto niya, baka natutulog pa 'yon"
"Bakit ako pa? Nandyan naman si Krissy at Rome" pag-angal ko habang tinuturo ang dalawa ko pang kapatid
"Bakit kami? Ikaw ang inutusan diyan eh!" Asik naman ni Jerome
"Oo nga naman ate, atsaka sa'yo lang takot si Jasmine...kaya mo na yan" pang-uuto naman sa'kin ni Kristel
"Huwag ka ng umangal, Pat. Panganay ka kaya ikaw na ang tumawag kay bunso" pag singit naman ni Mama kaya agad akong bumusangot
Inis akong tumayo at bumulong-bulong na umakyat para pumunta sa kwarto ng punyetang batang 'yon. Dahil sa kanya hindi ko natuloy ang pagkain ko, punyeta! At anong kinalaman ng pagiging panganay ko para lang tawagin si Jasmine? Kahit kelan talaga mga pamilya ko puro buang.
Nasa harap na ako ng kwarto ni bunso kaya naman kumatok ako sa pinto niya ng tatlong beses pero hindi parin bumubukas. Inulit ko na naman ang pagkatok at hindi ulit bumakas kaya malakas akong bumuntong-hininga at pwersahan kong binuksan ang kwarto niya.
Luminga-linga ako sa kwarto niya, masyadong pambabae at mahahalatang maarte siya dahil may kung ano-anong design dito at masyadong malinis rin. Lumingon ako sa kinaroroonan niya at nakita ko siyang mahimbing na natutulog kaya naman lumapit ako at niyugyog siya pero hindi siya nagising kaya naman tumingin ako sa side table niya at may nakita akong pink na notebook at pinalo 'yon sa ulo niya.
"A-aray! Sino ba 'yong punyetang nanggisi---" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang makita akong nakaupo sa tabi niya habang naka crossed arms "a-ate HAHA ikaw pala 'yan? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya habang patayo sa higaan
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Genç Kurgu"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!