PATRICIA'S POV
"Gusto niyo ng nagaraya?" Biglang tanong ni Leonard habang nagkwe-kwentuhan kami kaya agad naman kaming kumuha sa kinakain niya at nang si Chen na ang kumuha ay inipit niya ang kamay nito sa loob
"Lah, tropa daw kami pero pag ako na ang kumuha iniipit ang kamay ko" nakangiwing sabi niya pero hindi siya pinansin ni Leonard sa halip ay tumingin siya kay Raphael
"Ikaw tol? Gusto mo?"
Agad naman itong umiling "salamat na lang pero 'wag na, nagkakatigyawat ako sa mani eh"
"Talaga?" Gulat na tanong nito "nagkakatigyawat ka pala sa mani? Ako kasi sa mukha eh" aniya kaya napairap ako sa kabobohan niya
Nagtatawanan kami nang biglang dumating ang Prof namin kaya naman agad kaming tumayo at pumunta sa kanya-kanyang upuan.
"Listen class, so we have a new students here and they are from the University of Cordillera" panimula ni Ma'am at agad namang nagsitilian ang mga classmates kong babae "keep quiet class!" Sigaw niya kaya tumahimik sila "Please come in" sabi niya sa labas at pumasok ang dalawang matangkad na lalaki "kindly introduce yourselves boys" patuloy ni Miss
Agad namang nagsalita ang matangkad, maputi at mukhang loko-lokong lalaki pero gwapo "Hi everyone, I am Jayvee Enriquez. I hope we can all get along, especially you girls" ani niya at nag-wink pa kaya tumili na naman ang classmates namin
Sunod namang nagsalita ang matangkad at maputi rin na lalaki na may maliit ang mata at mukhang seryoso "I'm Alden Muñoz, that's all"
Natigilan at naibuka ko na lang ang bibig ko dahil sa nakita ko, siya 'yong nang holdap sa'kin noong nakaraan sa sakayan ng jeep at club ah? Anong ginagawa niya dito at bakit siya nandito? At ano daw? Alden ang pangalan niya?
"Kyaaaah! Ang po-pogi!"
"Shet! Nasa langit ba ako? Promise magpapakabait na ako!"
"Anakan niyo 'ko mga bente please!"
"Dito kayo umupo sa tabi ko o 'di kaya ako na lang uupo sa inyo!"
Ilan lang 'yan ang naririnig kong tili sa mga classmates kong babae na malalandi. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Bwiset!
"Mr. Sarmiento" tawag ng Prof kay Chen kaya tumayo siya "Seat beside Ms. Dela Torre from now on" patukoy niya sa tabing upuan ni Jamela dahil vacant seat ito
"Yes Miss" aniya at humarap sa'kin "paalam, ma-mimiss kita ng sobra" OA na sabi niya na may paiyak-iyak pa kunwari kaya hinampas ko siya ng notebook ko at tawa-tawa siyang pumunta sa tabing upuan ni Jamela
"Mr. Enriquez and Mr. Muñoz, seat beside Ms. Alcantara" patukoy niya sa kaliwa't kanang vacant seat sa tabi ko
"I envy her, dalawang gwapo ang katabi niya"
"Bakit kasi do'n pa sila pina-upo? Pwede namang dito na lang sa tabi ko"
"Gaga! Kita mong may katabi ka"
"Ano naman ngayon? Edi palayasin"
"H-hoy! Huwag niyo 'kong idamay sa kalokohan niyo"
Agad namang nagsi-angalan ang mga classmates naming babae pero hindi ko na lang 'to pinansin. Uhaw na uhaw na ba sila sa lalake kaya ganyan sila? How pathetic!
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Teen Fiction"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!