PATRICIA'S POV
Naabutan ko ang mga kapatid ko na nakaupo sa couch habang nanonood sa sala kaya lumapit ako sa kanila.
"Hindi pa kayo tulog?" Takang tanong ko kaya naman agad silang napalingon sa'kin
"Obvious naman diba?" Nakangiwing sabi ni Jerome kaya kinurot ko ang tenga niya "a-aray! Para saan 'yon?!" Inis na sabi niya
"Wala lang, trip ko lang manaket bat ba?"
"Bagay sa'yo first letter ng pangalan mo, P for panget" mahinang sabi niya pero narinig ko kaya umasta akong sasaktan ulet siya pero agad siyang tumayo at tumakbo palayo sa'kin "hoy sumosobra ka na, ah?! Mapanaket ka!" Asik niya
"Galangin mo ako ulol! Ate mo pa ren ako!" Sigaw ko sa kanya kaya napatingin sa'kin si Krissy at Jassy "oh? Tingin-tingin kayo diyan?!" Sigaw ko ren sa dalawa ko pang kapatid habang naka crossed-arms
"A-ate" pagtawag sa'kin ni Jasmine
"Anong kailangan mo?"
"Dumudugo...ate d-dumudugo" hysterical niyang sabi na napatayo pa at lumapit sa'kin
"Ano? Anong dumudugo?! Paduguin ko ilong mo diyan eh!"
"Ate bakit dumudugo pwet mo?" Naiiyak na sabi niya "Anong nangyari sa'yo ate? Bakit nagka-ganyan 'yan? Nabaril ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya kaya naguluhan akong humarap sa isa ko pang kapatid
"May tagos ka ate" balewalang sabi ni Krissy kaya napatango ako, akala ko kung ano na
Agad akong napatingin sa pwetan ko at nakita kong may red stain sa skirt na suot ko kaya natampal ko ang noo ko. Wala naman siguro ito kanina noong magkasama kami ni Alden diba? Sana nga wala, nakakahiya 'yon sakale kay crush pag nakita niya. Baka sa sobrang hiya ko maipahid ko sa kanya 'tong regla ko.
Tumingin ako kay Jasmine at lumapit sa kanya "Awayin mo si Kuya Jerome ha? Inaway niya kasi ako kanina kaya dumugo pwet ko" seryosong sabi ko sa kanya at agad niya namang pinunasan ang luha niya at patakbong pumunta kay Jerome at pinagpapalo ito
Nakakatawa sila pero mas nakakatawa si Jassy, halata kasing wala siyang kaalam-alam about sa monthly period. Syempre 10 years old pa lang siya, anong malay niya don diba?
Umakyat na ako sa taas para maligo at magpalit sa kwarto ko. Nang matapos ay agad akong humiga sa kama at kinilig ako nang maisip na makikita ko ulit si Alden bukas, ang gwapo niya talaga. Sarap niya jowain, char! Takot pala ako sa commitment, hanggang landian lang ako.
Atleast sa walang label walang break-up na nagaganap, mas sweet pa nga sa isa't isa kung umasta tapos hindi pa nawawawalan ng topic hindi gaya sa mga mag-jowa na puro lang tanungan kung 'kumain ka na' 'oo, ikaw ba?' 'Wag ka papalipas ng gutom, ha?' 'Papakasalan pa kita' pwe!
May jowa na kaya si crush? Sana wala. Pero kung sakaling meron, oh eh ano naman ngayon? Kung 'yong may asawa nga naaagaw 'yong may jowa pa kaya? Charot! Pinalaki akong maayos ng mga magulang pero hindi ako lumaki, pero kahit ganon hinding-hindi ko aagawin ang hindi sa'kin at hindi ko pagmamay-ari.
Pero sa totoo lang, wala naman talagang nagmamay-ari sa mga taong nagmamahalan ah? Sabi nga nila 'Just love him, don't own him' kaya aagawin ko na lang ata siya? Chos!
Binuksan ko ang phone ko dahil bored ako at in-open ko ang omegle para may mapagtripan. Ito ang madalas kong ginamit para mawala ang pagka-bored ko, ewan ko ba kung bakit enjoy na enjoy akong manloko ng iba.
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Fiksi Remaja"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!