CHAPTER 1

169 70 52
                                    

PATRICIA'S POV

Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko sa side table ko. Aish! Antok pa 'ko, punyeta!

Biglang nanlaki ang mata 'ko nang tignan ko ang orasan sa dingding ko! Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo para maligo ng mabilisan. Damn! 1 hour lagi ligo ko tas ngayon 10 minutes?! So gross! Nang matapos maligo ay lumabas na ako sa kwarto ko.

"Hindi ka na kakain Pat?" Patanong na sigaw ni Mama mula sa kusina

"Hindi na, Ma. I'm running late!" Sigaw ko pabalik at patakbong lumabas ng gate

Kahit gustuhin ko man ay hindi na ako kakain pa dahil late na ako sa klase ko. Ghad! Bakit ba kasi ako magdamag na nanood kagabi?! Edi sana hindi ako nagmamadali ngayon.

Agad akong nagpalinga-linga upang mag-abang ng masasakyan at habang naghihintay ay may naramdaman akong parang may kakaiba sa leeg ko. Nang tignan ko ito ay nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matangkad na lalaki na may maliit rin na mata katulad ko at may hawak na kutsilyo na nakatutok sa akin.

"Holdap 'to Miss" aniya at hinawakan ako sa balikat kaya naman napairap na lang ako sa hangin. Ang aga-aga malas na naman agad ako, wala naman akong balat sa pwet ah?

"Kuya naman! Why now?! male-late na 'ko eh! Lagot ako neto kay Gorospe sakale! Wala ka rin sa timing eh, noh? Pwedeng balikan mo na lang ako mamaya?" Inis na sabi ko sa kanya

Bwisit na holdaper 'to! Pag ako talaga na-late kay Gorospe ingungudngod ko sa bowl 'tong punyetang lalaking 'to pag nagkita kami ulit sakale.

"Manahimik ka! Ibigay mo sa'kin ang cellphone mo kung ayaw mong masaktan!" Sigaw niya sa akin at mas lalo pang tinutok sa akin ang kutsilyo

Agad ko namang nilayo ang kutsilyong hawak niya na nakatutok sa akin at bumuntong-hininga akong tumingin sa kanya at inis na kinuha ang cellphone sa bulsa ng jeans ko. Bat kase walang ibang pasahero dito? Edi sana hindi ako malas ngayong araw, bwiset!

I glared at him nang eksaktong kinuha niya sa kamay ko ang cellphone ko at inalis niya ang pagkatutok ng kutsilyo sa leeg ko.

"Ibibigay mo rin pala ang dami mo pang satsat" nakangising aniya at naglakad na palayo

Paanong hindi ko ibibigay sa kanya eh may hawak siyang kutsilyo? Tanga siya.

Biglang nangunot ang noo ko nang maalala na nandon sa cellphone ko ang memory card ko na maraming laman na files, pictures, videos at iba pa.

"Hoy kuyang holdaper! Saglet!" Sigaw ko sa kanya kaya agad naman siyang napahinto sa paglalakad at liningon ang gawi ko

"Oh?" Kunot-noong tanong niya, Uma-attitude 'tong punyetang holdaper na 'to ah! Pasalamat siya at pogi siya naku

"Pwede bang kunin ko lang diyan sa cellphone ko 'yung memory card ko? Importante mga nakalagay diyan eh" pinagdikit ko pa ang palad ko, nakiki-usap sa kanya

Kung hindi ko lang kailangan ang mga nakalagay do'n ay ako pa mismo ang nagbigay sa kanya ng cellphone at SD Card ko, lamutakin niya 'yon ng maligayahan siya!

Tinignan niya ako saglit at tinignan niya ang cellphone kong kinuha niya at tumingin ulit sa akin. Inabot niya naman ang cellphone ko at agad kong kinuha ang memory card ko na 64 GB at binigay sa kanya.

"Salamat kuyang holdaper" ani ko at sumakay na sa jeep na nakita ko

Ayos den eh, noh? Ako na nga hinoldap ako pa nagpasalamat punyetang 'yan.

Behind the Broken Glass (ONGOING)Where stories live. Discover now