PATRICIA'S POV
Nandito na kami ngayon sa club dito sa Baguio. Pagpasok pa lang ay nahihilo na ako sa mga iba't ibang ilaw at amoy ng alak at sigarilyo dito sapagkat ngayon lang ulit ako pumunta sa ganitong lugar dahil tumigil ako pansamantala. Hindi ako katulad ni Jaynevie at Brenda na party girl na sanay na sanay dahil halos araw-araw ata silang pumupunta sa ganito.
"Nag pa-reserve na ako ng seats natin, yung VIP banda dun" turo ni Jaynevie sa pulang malaking couch sa dulo kaya agad kaming nagtungo do'n at umalis saglit sila Brenda at Eric para kunin ang mga inumin namin.
Napataas ang kilay ko ng makita ang mga drinks na nilagay nila sa table. May black label, cocktails, champagne, margarita at iba pang mga hard drinks.
Nagsimula na kaming uminom at nang may tama na ang bawat isa ay nagsimula na kaming sumali sa sayawan sa gitna. Tawa kami ng tawa habang sumasayaw at sa isang kurap ay nakita ko na lang silang may kanya-kanyang kalandian at kahalikan na. Mga peste, iniwan ako!
Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na isang guy at hinawakan ako sa bewang kaya naman hinawakan ko sya sa batok niya at nag sexy dance sa harap niya. Matapos no'n ay hinila niya ako sa labas at sinandal sa pader at hinalikan ng french at lizzard kiss.
Tumagal ng Ilang minuto ang halikan namin at nang imulat ko ang mata ko ay may natanaw ako na pamilyar na mukha at tindig ng isang lalaki sa hindi kalayuan.
Wait...siya 'yong gwapong holdaper noong nakaraan ah? Anong ginagawa niya dito? Mangho-holdap?
Kununot ang noo ko nang magsimula na siyang maglakad habang tumitingin sa paligid niya kaya naman sinundan ko siya. Nagpalinga-linga ako nang hindi ko siya makita, ang bilis namang maglakad ng punyetang 'yon.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong kutsilyo na nakatutok sa leeg ko.
"Ano? Holdap 'to, noh?" Inunahan ko na siya nang akmang magsasalita na siya
"Huh? Paano mo alam?" Kunot-noong tanong niya nang humarap sa'kin
"Kuya, nabiktima mo na ako noong isang araw" sabi ko sa kanya at ngumiwi
Napataas naman ang kilay niya "Talaga? Sige, tatandaan na kita" inalis niya na ang pagkatutok ng kutsilyo sa leeg ko at saka nagsimulang maglakad.
"Hoy kuya, sandale!" Sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin siya humihinto sa paglalakad kaya naman tumakbo ako at hinabol siya "sabing sandale, eh" ani ko habang humihingal at hinawakan ko ang braso niya
"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa'kin at may kinuha sa bulsa niya, nang tignan ko ito ay napangiwi ako nang makitang milkita lollipop pala 'yon kaya naman agad niya itong sinubo
"H-hindi mo 'ko hoholdapin?" Takang tanong ko sa kanya nang mahimasmasan na ako mula sa pagkahabol ko sa kanya
"Bakit? Gusto mo ba?" Nakapamulsang tanong niya habang nakatingin sa mata ko
"Oo...I mean o-ofcourse not!" Agad na tanggi ko
"Ayaw mo naman pala eh, ba't mo ba 'ko sinundan?"
"Gusto ko lang kasi magtanong"
"About what?"
"B-bakit ka ba nang ho-holdap? Wala ka bang pera? Pwede ka namang magtrabaho ah? Yung marangal, gwapo ka pa man din" Takang tanong ko sa kanya na kina-seryoso ng mukha niya kaya natigilan ako, uh may nasabi ba akong mali at masama kaya ganyan na lang ang naging reaction niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/229914350-288-k243388.jpg)
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Fiksi Remaja"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!