"Venice, sandali"
"VENICE ALEJOOO!" kanina ko pa naririnig na parang may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko pinansin kasi di naman ako sigurado na ako yong tinatawag dahil diko naman masyadong marinig dahil sa suot kong earphones. Kaya saka lang ako tuluyang lumigon sa likod nong matawag ang buong pangalan ko at anlakas na din kasi ng boses nya.
"Tangina venice ang bingi mo sarap mong batohin ng sapatos" iritang bungad saakin ni twix habang habol pa yong hininga nya, napagod ata kakatakbo para mahabol ako.
"Malay ko ba kasi na andyan ka sa likod ko, isa pa bat ang bobita mo? pwedi ka namang tumawag sakin kesa nag sisigaw ka dun" Napairap nalang ako sakanya.
"Bobo wala akong load badtrip nga e."
irita niyang sagot habang inaayos buhok nya."Tapon mo nga cellphone mo wala namang silbi"
"tangina mo sapakin kita gusto mo? Akala mo naman may load kang gaga ka " at ito nanaman kami nag babangayan ng bobo kong bestfriend sa kalagitnaan pa talaga ng paglalakad namin.
"O nga pala, alam mo ba yung bebe mo may jowa na."
"Ha? " sino ba tinutukoy neto? si kendric ba?
"Ha ka ng ha hakdogin kita makikita mo, sino paba bebe mo malamang si kendric " iritang sagot ni twix sakin.
"Si kendric? yung crush ko? yung ka blockmate natin? totoo ba?" tangina crush ko may bebe na kakasar last week lang binabanatan ko pa yun ah.
"Ang hina mo di kapa umamin kaya ayun naunahan ka ng malanding ashley. Balita ko nag confess yun kahapon kay kendric e"
"nag confess lang jowa na agad? kinabahan naman ako sayo gago ka." Akala ko naman may ganap na talagang ganon e, advanced mag isip ang gaga.
"Confess lang? hello sinong di papatol kay ashley? halos lahat ata ng lalaki dito sa CMU may gusto dun e."
Sa sobrang daldal ni twix di namin namalayang narating na namin yong classroom namin. Third year college na kami and currently taking a course of Office Administration and since tuesday ngayun may schedule kami parehas ni kendric. Pag pasok na pag pasok palang namin nakita ko na si kendric na tahimik na nagbabasa ng libro sa gilid kaya ano paba dapat kong gawin? so ayon nga nilapitan ko sya kasi curios ako kong talaga bang mag on na sila ni ashley.
"so kendric, kayo na pala si ashley?" taas kilay kong tanong kay kendric na parang wala man lang akong balak sagutin.
"so kayo na nga?" pag uulit ko sa tanong ko, nakakaloka naman kasi ayaw akong sagutin.
"bakit?" malamig nyang sagot
"anong bakit? Oo O hindi lang yung sagot sa tanong ko kendric nag kakabobohan nanaman tayo dito." pairap kong sagot sakanya pabalik. kasi naman ang bobo ng sagot , ang gwapo gwapo at ang talino tapos ganun lang sagutan niya?
"Bakit mo tinatanong" taas kilay niyang tanong pabalik sakin
" kasi gusto kong malaman kong kayo naba?" walang preno kong sagot sakanya.
"Bakit gusto mong malaman? nag seselos ka?" Naka ngiti nyang tanong sakin.
"Paano kong Oo?" wala sa sarili kong sagot.
natigilan ako nang maalala ko yong sagot ko at nakita kong nakatitig lang si kendric sakin. Mag sasalita pa sana ako para sana bawiin yong katangahang sinabi ko kay kendric pero huli na ang lahat dahil dumating na yung prof namin at wala akong magawa kundi bumalik sa upuan ko at makinig nalang sa discussion.
***
Bandang 7pm na nang matapos yung last subject ko at hindi ko na makita si kendric kasi naman nag mamadali si twix na umalis kanina kasi nakita niya yung kaharutan niya nong nakaraan na gi-ghost niya, malanding to dadamay pa ako sa pag takas takas nya so ending din ngayon iniwan niya rin ulit akong mag isa dahil may date ang gaga, may panibago nanamang target. Kaya ito mag isa nanaman akong uuwi neto sa boarding house namin.

YOU ARE READING
I love you , goodbye.
Teen FictionYou may hold my hand for a while, but you hold my heart forever. ~I love you, goodbye @itspinkysecret