Chapter08

17 2 0
                                    

mabilis na natapos yong klasi kaya itong si twix nag mamadali na din kasi nag hihintay na daw yong ka date niya sa labas ng campus. Hindi kasi namin ka school mate yon, balita ko taga BSU yun. Ang effort ah, medyo malayo din yong school nila sa school namin.

"Venice, okay lang ba yong itsura ko?" kinakabahan niyang tanong.

"sino ba talaga yang ka date mo? ngayon lang kita nakitang nag kakaganyan sa date ah?" nag tataka kong tanong

"anak lang naman ng may ari ng school" pairap niyang sagot habang tinitignan yong sarili sa maliit na salamin na dala dala niya.

"what?" gulat kong tanong

"yes venice, so okay lang ba yong itsura ko?" tanong niya habang nilikigpit na yong gamit niya.

" Oo kahit hindi kana mag ayos maganda kana" simple kong sagit habang itong si twix tuwang tuwa pa.

"venice naman, you're making me shy" namumula niyang sabi.

"what? totoo naman yon" agad kong sagot dahil nahihiya talaga yong mukhang pinapakita niya sakin ngayon.

Twix is like a living doll for me, she has a curly long hair, brown eyes, clear skin, kissable lips and a fair skin tone, halata talaga sa itsura niya na mayaman siya.

"okay fine, so pano ba? mauuna na ako". nakangiti niyang sabi

"okay, ingat." tanging sabi ko at kumaway nalang ako sakanya dahil umalis na din siya kaagad.

inayos ko na din yong mga gamit ko at tinext na si kendric na tapos na yong klasi ko. nasa may hall way na ako papunta na sana ako sa main gate ng makita ko si kendric sa may gilid, dun sa may bench malapit sa mga puno na umiiyak kasama si ashley.

Hindi ko alam pero biglang sumikip yong puso ko sa nakita ko. Umiiyak si kendric habang hagod hagod ni Ashley yong likod niya na tila nag aalala sa nangyayare. Aalis na sana ako at saktong ni yakap ni kendric si ashley na naging sanhi nang tuloyang pag basgsak ng mga luha ko.

Hindi ko na kinaya yong nakikita ko ngayon kaya tumakbo na ako pabalik kong saan ako dumaan para hindi nila ako makita. Hindi ko alam pero habang nag lalakad ako tumutulo parin yong luha ko na para bang ang bigat ng mga mata ko, sa sobrang pag iyak ko hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa likod ng pinakadulong building. Naalala ko dito ako unang hinila ni kendric, sabi niya diti siya pumupunta pag malungkot siya kaya siguro dito din ako na punta dahil ang lungkot ng pakiramdam ko ngayon. Napaka bigat, gusto kong magalit pero wala akong karapatang nagalit sakanya dahil wala namang kami ni kendric. Oo nililigawan niya ako pero hindi yon sapat para magalit ako sakanya. Hindi ko tuloy alam kong totoo niya ba talaga akong nililigawan O pinag titripan niya lang talaga ako.

gulong gulo na yong isip ko ngayon, naka upo na ako sa may mga damo habang umiiyak parin ng biglang mag ring yong phone ko at pag tingin ko tumatawag na si kendric. Hinayaan ko lang muna yong cellphone ko na mag ring at inayos yong sarili ko, pinunasan ko na yong luha ko at tumayo na.

Aalis na sana ako ng marinig ko ulit yong phone ko na mag ring kaya sinagot ko ito dahil marupok ako.

"hello" bungad ko

"san kana? akala ko tapos na klasi mo?" tanong ni kendric.

"ah kasi may dinaanan lang ako, pero palabas na din ako" pag sisinungaling ko.

"okay nasa main gate lang ako, antayin kita" kalmado niyang sabi habang ako gustong gusto na siyang kwestyonin tungkol sa nakita ko kanina pero pinigilan ko yong sarili ko dahil iniisip ko na wala naman akong karapatang kwestyonin siya dahil hindi naman kami.

"okay" tanging sagot ko at binaba na kaagad yong tawag at nilagay ko nalang yong cellphone ko sa bag ko.

papunta na ako sa main gate ng makita ko si josh na nakikipag tawanan sa hall way.

"uy venice? uuwi kana?" tanong niya habang nag paalam muna sa mga kasama niya na aalis muna siya saglit.

"Oo e" gumiti lang ako sakanya at akmang mag papaalam na paalis ng bigla niyang hawakan yong mukha ko na ikinagulat ko kaya nailayo ko kaagad.

"anong nangyare sayo? umiyak kaba?" nag aalala niyang tanong, kaya umiwas nalang ako ng tingin sakanya.

"ako? hindi ah. sige josh una na ako sayo may nag aantay kasi sakin sa labas e" pag papaalam ko para makaiwas na din sa tanong niya.

"sigurado ka bang okay ka lang?" paninigurado niya.

"Oo nga josh, sige see you around" tuloyan na akong nag paalam at baka ayaw pa akong tan tanan ni josh at malaman niya pang umiyak talaga ako.

Pag labas na paglabas ko nakita ko si kendric na naka sandal lang sa motor niyang deluxe, ito yong motor na ginamit namin papuntang over view kong saan naganap yong first date namin.

papalapit palang ako kay kendric pero kitang kita ko na yong mga ngiti niya sakin, yong tipong parang wala akong nakita kanina, kong maka ngiti siya parang wala lang sakanya. Hindi ko na alam kong ano ba talagang relasyon nila ni Ashley, gulong gulo na ako pero sa kabila ng pagka gulo ng isip ko nanatili parin akong kalmadong humarap sakanya at nag panggap na wala akong nakitang kakaiba kanina.

" kanina kapa?" Bungad ko sakanya habang sinusuot yong helmet na bigay niya.

"hindi naman, may pinuntahan din kasi ako kanina e" pag ka sabi ni kendric na may dinaanan siya, alam na alam ko na kaagad na kay ashley si pumunta.

"Ah saan ka pumunta?" pangungusisa ko.

"dun sa sa vet med department" simply niyang sagot. " ano? tara na hatid na kita?" pag aaya niya kaya tumango nalang ako at sumakay na sa motor niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nag mamaneho siya at wala din akong balak mag salita dahio kanina pa ak9 wala sa mood. Inaya niya akong kumain muna pero tumanggi ako at sinabing marami pa akong gagawin at kailangan kong mag review kasi may quiz ako bukas kahit hindi naman totoo.

Mabilis yong pag papatakbo niya kaya mabilis kaming nakarating sa boarding house na tinutuloyan namin ni twix.

" salamat sa pag hatid" tipid kong sabi habang tinatanggal na yong helmet sa ulo ko at ibinalii ito sakanya.

" okay kalang ba?" bakit matamlay ka ngayon? " nag aalalang tanong niya

" okay lang ako, siguro sobrang pagod ko lang talaga kasi marami din kaming ginawa kanina tapos medyo masama lang yong pakiramdam ko. " pagsisinungaling ko.

"what? may sakit ka?" tarantang tanong niya habang chinicheck yong nuo ko.

" No- I mean masama lang pakiramdam ko dahil siguro sa pagod" pagsisinungaling ko ulit at agad na tinanggal yong kamay ni kendric sa nuo ko.

" are you sure?" paninigurado niya.

"Oo kaya una na ako para maka pag pahinga na din ako" matamlay kong sabi at papasok na sana pero hinawakan niya yong kamay ko kaya napalingon ulit ako sakanya.

" bakit?" kunot nuo kong tanong

hinila niya lang ako at hinakan sa nuo na agad kong kinagulat.

"goodnight master" malambing niyang sabi habang ako hindi maka galaw, sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

naramdaman ko nalang na umandar na yong motor ni kendric kaya bigla akong natauhan at pumasok na ng bahay. Pag pasok na pag pasok ko nilapag ko kaagad yong mga gamit ko sa may lamesa at hinayang bumagsak ang sarili ko sa mahabang sofa.

Hindi ko alam pero natulala nanaman ako, pilit na iniisip kong ano ba talagang namamagitan kay kendric at ashley. 

I love you , goodbye.Where stories live. Discover now