Chapter18

12 1 0
                                    

"kendric? may problema ba? tsaka bat namumutla ka? may sakit kaba?" sunod sunod kong tanong ng makalapit na ako kay kendric.

"venice, pwedi ba tayong mag usap tungkol satin?" deretsyang tanong ni kendric ng di man lang ako matignan ng maayos. Halata sa kilos niya na kinakabahan si kendric kaya mas lalo pa akong kinabahan.

"anong nangyayare kendric?" tanong ko

"kasi venice, napapagod na ako. nawawalan na ako ng gana, ayoko na ng may iniisip tuwing uuwi ako ng bahay O kong tuwing hindi kita kasama at mas lalong napapagod na akong mag mahal" huminga ng malalim si kendric ng sabihin niya ang mga katagang yon

"Ano bang pinagsasabi mo kendric?" nagugulohan kong tanong

"I want us to grow separately" malamig niyang sagot

"wh-at? are you breaking up with me?" naiiyak kong tanong.

"Yes I am." tipid niyang sagot

"Anong nangyayare? did I do something? may mali ba sakin?" sunod sunod kong tanong habang pinipigilan ang sarili kong umiyak

"ayoko na venice hindi na kita mahal! mahirap ba isaksak yun sa kokote mo?"  mabilis na sagot ni kendric

"tangina kendric, ganon lang yun kadali para sayo? makikipag break ka lang kong kailan mo gusto?" galit kong sagot habang umiiyak na

"May bago na ako venice, masaya ako sakanya, pwedi mo ba akong hayaang maging masaya sakanya?" malungkot ang mga mata ni kendric habang binibitawan ang mga katagang sinasabi niya

"Paano mo nagagawang hingin sakin yang kasiyahan mo sa ganitong posisyon? paano mo nagagawang sabihin sakin ang mga salitang yan ng di mo man lang iniisip kong gaano ka sakit para saakin yang mga hinihiling mo?"

Halos sumigaw na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon habang si kendric malamig lang na nakatingin sa malayo, ni hindi man lang magawang tignan ako sa mata.

" nag kulang ba ako sayo? saang parte ako nag kulang kendric? "

" wala, hindi ka nag kulang venice it's just-"

"just what kendric?" mataray kong tanong kay kendric. pinilit kong mag taray kahit tuloy tuloy paren ang pag patak ng mga luha ko."

" I just fell out of love venice. "

" fell out of love? fck. ganon ba ako ka nakakapagod mahalin kendric? " hindi ko na alam kong anong gagawin ko kaya bigla nalang akong napatalikod kay kendric at tuloy tuloy na umiyak.

" fell out of love O may iba na talaga dati ba? si ashley ba? " mahinahon kong tanong at ng hindi sumagot si kendric humarap ulit ako sakanya at tinitigan siya sa mata habang hindi makatingin ng maayos si kendric sakin.

"si ashley ba kendric!?" galit kong tanong habang patuloy na dumadaloy ang luha ko sa mukha ko.

" kendric sumagot ka, si ashley ba!?" matigas kong tanong.

" Oo venice, si ashley. ngayon pwedi mo na ba akong hayaan?" para akong binuhosan ng malamig na tubig ng bitawan ni kendric ang mga katagang yon kaya bigla ko siyang nasampal.

" ang kapal ng mukha niyo, ilang beses kitang tinanong tungkol kay ashley, ilang beses kendric? diba maraming beses? hindi lang isa O dalawang beses kendric!" hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak, sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, para akong niloko ng paulit ulit.

" Im sorry venice but I don't love you anymore, I know I did break your heart, I know this is very painful for you but venice I am just doing this para hindi kana mahirapan sa hinaharap. So please be happy kasi naging masaya ako sa piling mo, please move on. I am not worth it, I am not worth fighting for and I am not worth loving for. " yan lang ang huling katagang binitawan ni kendric bago ako tuloyang iwan at pinaandar na ng mabilis ang sasakyan niya.

naiwan ako sa labas na parang batang inagawan ng pagkain, hindi ko alam kong anong gagawin ko O kong paano ko matatanggap ang mga sinabi ni kendric saakin. Hindi ko alam kong anong ginawa ko bakit bigla kaming nag ka ganito, dahil ba sa hinayaan ko siyang hindi mag paramdam? O dahil ba sa hinayaan kong paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi niya noon? hindi ko na alam ang gagawin ko kaya napa upo nalang ako sa may semento at niyakap ang sariling binti, sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit ng mawala ang mga magulang ko.

iyak lang ako ng iyak, hanggang sa naabutan ako ng ulan. Tila wala akong nararamdamany ulan dahil nag patuloy lang ako sa pag iyak, pakiramdam ko walang kalalagyan ang sakit ng puso ko ngayon. Sumigaw na ako sa sobrang sakit, sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa napagod ako at umiyak nalang ulit.

"My God venice? what happen to you? why are you here? umuulan na ano ba!" hindi ko namalayan na lumabas na pala si twix na may dala dalang payong.

"twix" peke akong ngumiti kay twix at tumayo nalang, inalalayan ako ni twix hanggang makarating kami sa loob ng bahay.

pag ka pasok na pagkapasok namin pinaupo ako ni twix sa sofa at dali daling kumuha ng tuwalya sa banyo..

" ano bang nangyayare sayo? gabing gabi na nasa labas kapa rin at nag paulan kapa." nag aalalang tanong ni twix habang nilalagyan ng tuwalya yong katawan ko.

"he broke up with me" tipid kong sagot at umiyak nalang ulit.

"wh-at?" nagugulohang tanong ni twix

"he fell out of love, may bago na siya." tangi kong nasabi dahil napipigilan ng iyak ko ang mga sasabihin ko kaya dali daling kumuha ng tubig si twix at pinainom ito sakin.

"yan lang ba ang pinunta niya dito?" galit na tanong ni twix kaya tumango nalang ako bilang sagot

"fck. Ang kapal ng mukha ni kendric!" galit na si twix kaya hinawakan ko nalang siya at ngumiti nalang ako ng peke sakanya

"its okay, at least sinabi niya saakin ng pranka na hindi niya na ako mahal, at least hindi na ako mag hahabol sakanya dahil sa bakasaling mahal niya pa ako." umiiyak kong sabi habang pilit na ngumiti kay twix.

"stop forcing yourself to smile, I don't need your fake smile." seryusong sabi ni twix.

" just cry, don't force yourself to be okay."

nang sabihin yon ni twix umiyak na ako ng umiyak habang yakap yakap na ako ni twix. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya humagolhol na talaga ako.

" hindi ko alam kong saang parte ako nag kamali twix para iwanan niya ako ng ganon ganon"

"alam mo twix kong gaano ko ka minahal si kendric, kahit hindi siya nag paparamdam sakin inintindi ko. Kahit sobrang lame na ng excuses and reasons niya tinanggap ko pero sa bandang huli ako parin pala ang maiiwang luhaan.

Salita lang ako ng salita habang si twix nakikinig lang ng maayos sakin at hindi nag sasalita. Sometimes we don't need an advice, sometimes we just need a hug and a shoulder to cry on and I am so lucky to have twix in my life. I wish everyone has a twix in their lives.

***

Pagkatapos kong mag drama naligo nalang ulit ako at sinobukang matulog pero hindi parin ako makatulog hanggang ngayon. kanina pa ako pabaling baling at paikot ikot pero ginugulo talaga yong utak ko. Hindi ko parin maintindihan hanggang ngayon kong bakit biglaang naging ganon. Sobrang mahal ko si kendric to the point na hindi ko na nakikita ang sarili ko na wala siya kaya hanggang ngayon umiiyak parin ako at patuloy na kini-kwestiyon ang sarili ko O kong saan ba ako nag kulang kay kendric.

I love you , goodbye.Where stories live. Discover now