" twix mauuna ako sayo kailangan ako sa org." sigaw ko kay twix na hanggang nagyon tulog parin since mamayang 10 pa naman yonh class namin, kailangan ko lang talagang maging maaga ngayon dahil may kailangang gawin sa org.
"Okay" inaantok pang sagot ni twix kaya agad na din akong umalis ng bahay, at ng makarating na ako sa campus nakita ko kaagad si joshua kaya tinawag ko para mag kasabay akong maglakad papunta sa meeting place ng org.
"buti naman at nag balik kana sa org? medyo matagal ka din nawala ah?" tanong niya habang sabay na kaming naglakad.
"Oo e, kailangan din namang bumangon" malongkot kong sagot
"kamusta ka naman?"
"ako? okay naman, eto kinakakaya ko naman kahit medyo mahirap." pag papaliwanag ko.
"alam mo ang strong mo talaga" bilib na sabi ni joshua
"strong? wala lang choice kamo" sagot ko habang kinakalikot yong phone ko dahil biglang nag text si kendric
"kendric: where are you?"
pag ka basa ko sa text ni kendric ni replyan ko nalang siya na nasa meeting ako ng org namin tapos sakto din namang nakarating na kami kaya tinago ko na yong phone ko.
Nag meeting lang kami tungkol sa mga events na gaganapin at kong anong dapat naming gawin, pagkatapos non nag kwentohan nalang kami habang yong iba nag jojoke kaya panay tawa lang kami. Hindi ko tuloy namanlayan na tumawag pala si kendric.
"josh, una na ako may klasi pa ako e" pag papaalam ko kay josh dahil kaming dalawa nalang yong natira kasi nag si alisan na yong iba dahil may klasi din daw sila.
" sige Venice, see you around" kumaway nalang ako kay josh at tuloyan ng nag paalam.
papunta na sana ako sa first class ko ngayon ng biglang may humila sa kamay ko na ikinagulat ko.
"kendric?" gulat kong tanong. " bakit?"
"sino yong kasama mo kanina?" masama niya akong tinitigan.
"ka-sama?" nauutal kong sagot
"yong kasama mong mag tawanan" mahina niyang sagot
"si joshua ba?" nagugulohan kong tanong
"how would I know kong anong pangalan non?" galit niyang sagot.
"bakit ka nagagalit?" kunot nuo kong tanong dahil nakakagulat yong reaksiyong pinapakita niya ngayon.
"so wala pala akong karapatang magalit? that's cool." sarkastiko niyang sagot
" no- I mean bakit ka nag kakaganyan? si joshua lang yon kaibigan ko" pag papaliwanag ko.
" bakit ganon nalang ang saya niyo? hindi mo pinakita sakin ang ganong tawa mo" malongkot niyang sagot.
"are- you jealous?" nagugulohan kong tanong
"yes, I am Venice, Im really jealous".matigas niyang sagot
hindi ko alam kong matutuwa ba ako O maiinis sa sinabi ni kendric, ewan ko bakit nag kakaganito to nakakapanibago, imbes na suyoin ko siya pinag tawanan ko nalang siya. Hindi ko napigilang hindi tumawa e
"Jesus, I can't believe this kendric" natatawa kong sabi habang si kendric naka kunot na yong nuo niya.
"what now venice?" galit niyang tanong.
"what?" natatawa ko paring sagot
"stop laughing, Im serious." masama niya akong tinitigan habang ako patuloy parin sa pag tawa, ang cute pala mag selos ng isang kendric fuevos.

YOU ARE READING
I love you , goodbye.
Novela JuvenilYou may hold my hand for a while, but you hold my heart forever. ~I love you, goodbye @itspinkysecret