Medyo madilim na pero andito parin kami ni kendric, tahimik na nakatingin sa magandang tanawin. Nakasandal lang kami ni kendric sa may sementong hawakan habang pinapanuod na lumobog yong araw. Kumain na din kami kanina ng mga pinamili namin na pag kain kaya sinusulit nalang namin yong oras kasi mayamaya aalis na din kami.
"Ang ganda talaga dito no?" paninumula ko.
"dito ako madalas pumunta pag break time" pag kukwento niya.
"first time ko dito at nag enjoy ako" masaya kong sabi habang tinititigan si kendric na nakatuon parin ang paningin sa papalubog na araw.
"Im glad na nag enjoy ka sa first date natin." mahinahon niyang sagot
"first date? may balak ka bang sundan pa to?" natatawa kong tanong
"of course." kalmado niyang sagot na ikinagulat ko.
"wh-at? seryuso kaba dyan?" gulat kong tanong
"I am venice" malalim niya akong tinitigan. "and I am courting you already".
hindi ako maka sagot sa sinabi ni kendric, hindi ako makapaniwala na nanliligaw na siya saakin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko mahihimatay ako ngayon.
"nanliligaw ka?" di makapaniwalang tanong ko. " bakit?"
biglang natawa si kendric sa tanong ko kaya napatingin ako ng masama sakanya.
"seriously? bakit talaga?" natatawa niyang sagot.
"bakit nga?" kunot nuo kong tanong
"because I like you, may iba pa bang pweding dahilan bukod dyan?" mabilis niyang sagot.
"wh-at?" utal kong tanong, at mas lalo pa akong kinabahan ng biglang kunin ni kendric yong kamay ko.
"I like you since then, hindi ka naman mahirap magustohan. Matalino kang babae, makulit, may humor at maganda ka naman. So bakit mo kini-kwestiyon na nililigawan kita?" mahinahon niyang sagot habang ako gusto nang mag palamon sa lupa dahil pakiramdam ko pulang pula na yong buong mukha ko.
" Init" tangi kong sagot habang kinukuha ko yong kamay ko na hawak ni kendric ngayon pero hindi ako nag tagumpay dahil bigla niyang hinila yong kamay ko papalapit sakanya at sabay yakap sakin.
"ke-ndric" mahina kong banggit sa pangalan niya.
"shhh just five minutes" sagot niya habang yong isang kamay niya nasa may bewang ko at yong isa nasa may balikat ko. Hindi ko alam pero niyakap ko nalang din si kendric.
"kendric, tara na hindi na five minutes to" kinurot ko na sa kilod si kendric dahil dumidilim na pero nakayakap parin saakin. "masyado ka naman atang nag eenjoy" pang aasar ko.
"lets go" sagot niya habang hawak na ulit ang kamay ko at hila hila niya na ako ngayon, nag eenjoy ata siya masyado kakahawak ng kamay ko aba.
7 pm na ng makarating kami sa boarding house namin ni twix.
"thank you for today" nakangiti kong sabi kay kendric.
"goodnight master, see you tomorrow" nakangiti niyang sabi habang pinaandar na yong motor niyang deluxe kaya kumaway nalang ako sakanya.
Pag kapasok na pag kapasok ko nakita ko kaagad si twix na nanunuod nag kdrama sa laptop niya habang kumakain ng junk foods.
"gaga gabi na junk foods parin?" bungad ko na ikinalingon niya saakin.
"OMGGG kamusta yong date?" excited niyang tanong habang tinigil muna ang panunuod at agad na lumapit saakin
"Hmmm okay lang" kinikilig kong sagot habang kagat kagat ko pa ang pang ibabang labi ko
"anong okay lang i-kwento mo aba" pairap niyang sagot
"hinalikan kaba? what now venice mag kwento kana" excited niyang tanong.
"gaga halik kaagad? di ba pweding nililigawan muna?" mabilis kong sagot
"what? OMG nililigawan kana?" kinikilig niyang tanong
napa face palm nalang ako dahil mas excited pa siya sa akin, sobrang kinilig pa ang gaga.
"Oo nga ulit ulit aba" sagot ko
"pa yakult naman dyan HAHAHA" pangungulit niya
"yakult ka dyan? ano to balik high school tayo na kapag may nanligaw dapat may pa yakult?" natatawang tanong ko
"bakit? bawal ba yon?" she pout
nag kulitan at nag kwentuhan lang kami hanggang sa napagod na ako kaka kwento sakanya dahil napaka oa niya mag react bugbog ako masyado, hampasin ba naman ako ng hampasin sa tuwing kinikilig siya.
"maliligo muna ako bahala kana dyan" sabi ko habang papunta na ako ng cr dahil ligong ligo na talaga ako at gusto ko na din mag pahinga.
pagkatapos kong maligo nag bihis nalang ako ng pajama na makapal na kulay pink at sleeveless na damit, habang sinusuklay ko yong buhok ko naisipan ko munang mag online sa IG. Pagka bukas ko ng message nakita ko kaagad ang message ni kendric kaya agad ko naman itong binuksan.
"@kndrcfuevos: andito ako sa labas ng boarding house niyo:("
"@kndrcfuevos: tulog kana? baba ka muna"
bigla akong napatayo sa nabasa ko kaya agad agad ako lumabas ng boarding house namin ni twix at gulat na gulat ako ng makit ko si kendric na nakasandal lang sa motor niyang deluxe habang nilalaro yong cellphone niya.
"kendric? bakit andito kapa?" bungad ko kay kendric na naging dahilan ng paglingon niya sakin.
"may nakalimutan ako" nakangiti niyang sagot habang papalapit sakin
"ha? ano yon?" nag tataka kong tanong
"hindi ko nakuha yong number mo" malongkot niyang sagot. Natawa nalang ako sakanya dahil ang cute niyang tignan
"yon lang? sana hinigi mo nalang sa IG" natatawang sagot ko.
"gusto kong hingin sayo ng personal" napangiti nalang ako sa sinabi niya at kinuha ko yong phone niya at nilagay ko na yong number ko.
"kanina kapa ba dyan?" tanong ko sabay balik ko sa phone niya.
"medyo" tipid niyang sagot habang may tinatype sa phone niya.
"yon lang ba kailangan mo? papasok na-"
"I need hug" putol niya sa sasabihin ko.
"you need wh-at?" gulat kong tanong.
"hug" tipid niyang sagot at bigla akong hinila palapit sakanya.
"oh tama na, baka 10 minutes nanaman mapunta to" pambabara ko habang binitawan na yong pag kaka yakap sakanya, samantalang si kendric hinalikan lang yong nuo ko na ikinagulat ko.
"tsansing ka masyado" sabi ko habang hinamapad ko siya ng mahina sa may dibdib niya na nagi g dahilan ng pag tawa niya.
"sige na, pumasok kana uuwi na ako" tanging sagot ni kendric kaya pumasok nalang ako at narinig ko nalang na pina andar niya na yong motor niya.
napansin ko lang mula nong bumalik ako sa school nag iba pakikitungo niya saakin, bigla nalang siyang naging malambing. Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman dahil nagugulohan din ako magkahalo kasi ang emosyong nararamdaman ko dahil kay kendric.
Sa pag balik ko sa skwela nakaramdam ulit ako ng pagmamahal at pag aalaga na akala ko hindi ko na mararamdaman dahil wala na yong mga magulang ko, pero mali pala ako kasi pwedi ko naman palang maramdaman ang mga yon sa ibang tao. Hindi naging madali saakin ang pagkawala ng mga magulang ko, inaamin kong tuwing gabi umiiyak parin ako, inaamin kong masakit parin at miss na miss ko na sila pero gaya nga ng sinabi ni kendric hindi na sila mawawala sa puso ko. Kahit anong mangyare mananatili na yong mga alaala nila saakin, Oo hanggang alaala nalang yon pero yon ang pinaka magadang alaala sa lahat, mga alaalang kasama ko sila, alaalang nasilayan ko yong mga ngiti at tawa nila.

YOU ARE READING
I love you , goodbye.
Teen FictionYou may hold my hand for a while, but you hold my heart forever. ~I love you, goodbye @itspinkysecret