Chapter10

25 2 0
                                        

Halos isang linggo na kaming hindi nag kikita ni kendric, hindi din naman siya nag tetext sakin. Ewan ko kong anong nangyayare basta ang alam ko nag go with the flow lang ako. Sobrang bilis ng araw at ngayon na ang last day ng final term namin at excited na si twix na mag bar mamayang gabi.

"shit nakaka stress yong exam" stress na sabi ni twix. Andito kami ngayon sa may study table sa loob ng campus.

"nahirapan kaba sa exam venice?bakit parang kalmado ka lang dyan?" kunot nuo niyang tanong.

"okay lang naman, lahat naman nang nasa exam nasa notes ko naman." sagot ko habang hinahanap yong files sa laptop ko.

"argh, what's new? running for suma ka nga pala" pairap niyang sabi at halos sabunotan na niya ang sariling ulo.

"tama lang talaga na mag bar tayo mamaya para maka pag relax yong utak ko, masyadong naalog e." sabi niya habang pinatong na yong ulo niya sa table.

"nag text si kijo, saan daw tayo mag kikita" kalmadong sabi ko na kaagad nag pa buhay kay twix

"same bar, sa absolute bar parin para hindi na sila mahirapan" masiglang sabi ni twix habang ako tinatype na yong sinabi ni twix para ma send ko na.

"okay" maikli kong sabi at sinend na kay kijo yong mga sinabi ni twix.

Bandang 5 pm umuwi na kami ni twix sa boarding house namin para makapag bihis na kasi medyo malayo saamin yong pupuntahan namin. Naligo na ako at nag bihis nalang ng highwaste jeans na kulay faded na blue, tapos nag croptop nalang na kulay blue. Hinayaan ko lang makalugay yong mahaba kong buhok habang si twix naka sleeveless na kulay pula at naka highwaste din na cuttered jeans na kulay itim, halos abot hanggang legs ata pag kaka cuttered ng jeans niya.

Paalis na kami ni twix ng biglang nag text si kendric sakin na kinagulat ko. Sobrang bilis ng pag tibok ng puso ko ngayon, medyo matagal kaming hindi nag uusap ni kendric kaya ganto nalang yong reaksiyon ko ngayon.

From: kendric

"where are you?"

"can we meet?"

"i miss you:("

"venice tara na? bakit nakatayo kalang diyan?" kunot nuo tanong ni twix habang iniistart na niya yong sasakyan niya kaya kaagad nalang din akong pumasok sa kotse at inayos na yong seat belt ko.

"papunta na din ba sila kijo don?" tanong ni twix

"ewan? call ko muna" maikli kong sabu at agad na dinail yong number ni kijo. Mabilis namang sinagot ni kijo yong tawag kaya agad kong ni loudspeaker yong call.

"hello? papunta na kami, kayo ba?" bungad ni kijo

"on our way kijo baby" sabat ni twix habang nag mamaneho.

"siguradohin niyo lang na hindi kayo gagawa ng katangahan ngayon ha dahil konh hindi kakalimutan ko talagang mga kaibigan ko kayo" pag babanta ni kijo saamin kaya tumawa nalang kami ni twix

"yes ma'am, hindi na po" natatawang sabi ni twix

"bakit ba hindi nag sasalita yang si naylah?" nag tataka kong tanong

"may ka call, nakilipag away pa sa bebe niya kasi ayaw siyang payagang mag bar" natatawang sabi ni kijo na kaagad din naming kinatuwa.

"tangina niyong lahat andito din ako naririnig ko mga pang babackstab niyo" irita niyang sabi parang pinatay na din ata yong tawag niya sa kabilang linya dahil sumabat na.

"ayan jowa pa nga naylah" pang aasar ni twix

"tigil tigilan niyo ako kong ayaw niyong ipag kalat ko videos niyo last year" pambabanta niya

I love you , goodbye.Where stories live. Discover now