Chapter17

10 1 0
                                    


Its been one week since kendric and I talk, Sobrang busy namin pareho and si kendric hindi ko madalas ma kontak at hindi ko rin madalas makita sa campus siguro dahil nga sa sobrang busy namin kaya medyo nawalan kami ng communication pero iniintindi ko yon kasi mas priority parin namin ang pag aaral. Ilang buwan nalang ga-graduate na kami kaya sobrang busy talaga.

"venice? hindi kapa ba uuwi?" sa sobrang abala ko hindi ko na namalayan na hapon na pala at andito parin ako sa library nag tatake note sa mga dapat kong i take note.

"sunod nalang ako twix, taposin ko lang to tapos uuwi na din ako" sagot ko kay twix ng hindi man lang tinatapunan ng tingin dahil busy ako kaka sulat.

"sure ka?" tanong niya habang inaayos na yong mga gamit niya kaya napa tango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.

"sige, una na ako. Umuwi ka after mo dyan ha?" bilin niya

***

Sobrang bilis ng oras kaya hindi ko napansin na medyo madilim na pala kaya nag disisyon na akong umuwi since tapos na din naman ako sa mga tini-take note ko.

"venice? uuwi kana?" hindi ko namalayan na nasa gilid ko lang pala si joshua kasi sobrang focus ko kanina sa binabasa at mga tini-take note ko.

"uy josh, andyan ka pala" mahina kong sabi kasi nasa library parin kami.

"yeah, actually kanina pa" sagot niya habang nililigpit na rin yong gamit niya.

"tara? sabay na tayong umuwi hatid kita" pag aalok niya kaya pumayag nalang ako para hindi ako mahirapang sumakay.

"kamusta ka naman?" 

"ito, okay naman" maikli kong sagot habang tinitignan ko yong cellphone ko kong may text ba si kendric pero kahit isa wala akong natanggap na text kaya tinext ko nalang si kendric.

To:kendric

"how are you? "

"I miss you"

"take care, see you soon:)"

"hoy? nakikinig kaba?"  kanina pa salita ng salita si josh pero hindi ko naiintindihan dahil abala ako sa cellphone ko kaya nagulat nalang ako ng tapikin niya ako.

"ha? ano nga yon Joshua?" pag tatanong ko ulit kay joshua na bigla nalang napakamot sa ulo niya.

"sabi ko anong plano mo after graduation?" pag uulit niya sa tanong niya kanina.

"mag hahanap ng trabaho malamang" natatawang sagot ko

"hindi ka mag papakasal?" panunukso ni josh

"tanga kasal agad? syempre pag dating ng tamang panahon" paliwanag ko

"lahat naman ng panahon venice tama." kalmado niyang sagot

"I mean pag okay na ang lahat, pag nag karoon na ako ng tamang trabaho at kaya ko ng  bumohay ng pamilya." pag papaliwanag ko sakanya habang siya tahimik lang na nakikinig.

kanina pa kami nag kukwentohan ni joshua at kanina pa niya ako pinag titripan kaya sa buong pag lalakad namin nag asaran lang kaming dalawa hanggang makarating na kami sasakyan niyang kulay puti.

"pasok na madam" pag bibiro ni joshua na may kasama pang pag bow.

"thank you driver" pang aasar ko kaya bigla siyang napasimangot

"wala kang utang na loob" nag kunyare siyang nag tatampo kaya pinag tawanan ko lang siya hanggang sa naisip niya sigurong napaka sagwa ng itsura niya tumawa nalang din siya kaya nag tawanan nalang kaming dalawa.

"ampanget mo mag tampo" tangi kong nasabi

"what? are you insulting the most handsome guy in our department?" kampante niyang tanong

"hmm kind of" simple kong sagot at nag seat belt na

"what the-" di makapaniwala si joshua sa sinabi ko kaya pinag tawanan ko nalang siya

"very wrong venice" tanging sagot ni joshua at pumasok na ng sasakyan at pinaandar na ito.

"Im just kidding"

"yeah, dapat lang dahil kong hindi wala kang masasakyan pauwi" pag babanta niya na kaagad kong ikinatuwa.

pagkatapos naming mag asaran naging tahimik nalanh kami ni joshua kaya kinuha ko nalang yong phone ko para i check kong may reply ba si kendric pero napasimangot nalang ako ng makitang kahit isang message walang text si kendric.

Nag aalala na ako kasi isang linggo na kaming hindi nag kikita at hindi niya rin ako kinakausap.

"we're here" sambit ni Joshua kaya agad bumalik yong tino ko.

"salamat sa pag hatid sakin josh" pag papasakamat ko habang tinatanggal na yong seat belt at akmang bubuksan na yong pintoan ng sasakyan ng biglang mag salita si josh

"you're welcome, goodnight." nakangiting sabi ni joshua kaya tumango nalang ako at tuloyan ng lumabas.

"bye" pag papaalam ko ng pinaharorot na ni joshua yong sasakyan.

"nag kita na pala kayo ni kendric?" bungad sakin ni twix ng makapasok ako sa bahay

"ha?" tangi kong nasabi at nilapag ko na yong mga gamit ko

"how you like that?" pang aasar niya kaya umirap nalang ako sakanya.

"sabi ko nag kita na pala kayo at hinatid kana niya?" pag uulit niya

"tanga hindi si kendric yon"  tanging sagot ko

"what? nag pa hatid ka sa ibang lalaki?" gulat na tanong ni twix kaya binatokan ko nalang siya

"gaga, si joshua yon" ng marinig ni twix ang pangalan ni josh kumalma na siya kasi kilala niya naman yon.

Pumasok nalang ako ng banyo para makaligo na, at ng matapos akonf maligo nag bihis na kaagad ako ng pantulog ko na pajamang kulay pink at upper na sleeveless.  Habang pinapatuyo ko yong buhok ko, nirinig ko yong phone ko na nag ring kaya nilapag ko muna yong tuwalyang hawak ko at kinuha yong cellphone ko sa bag ko ng makita kong si kendric yong tumatawag biglang lumiwanag yong mukha ko at napangiti nalang ako kaya sinagot ko ito kaagad.

"finally kendric, kamusta kana? bakit hindi kita ma kontak?" bungad ko

"venice, pwedi ba kitang makausap ngayon?" mahinang tanong ni kendric sakin kaya kinabahan ako bigla

"may problema kaba?" nag aalala kong tanong

"sige ngayon naba?" tanong ko habang nag aalala parin kay kendric

"Oo sana" malamig niyang sagot.

"sandali, saan kaba pupuntahan kita"  nag aalala kong tanong

"no, you don't need to. Nasa labas na ako ng bahay niyo" mabilis niyang sagot

"what? okay wait lalabas lang ako" sagot ko kay kendric at nag madali na akong lumabas.

pagka labas ko nakita ko si kendric na nakasandal lang sa kotse niya habang malalim yong iniisip.

"kendric" pag kuha ko sa atensyon niya kaya bigla siyang napaligon sa gawi ko.

hindi ko alam kong anong meron pero sobra akong kinakabahan lalo na nong makita ko si kendric na tulala lang na para bang ang lalim ng mga iniisip niya. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayare at alam kong may problema kaya tuloyan na akong lumapit sakanya.

I love you , goodbye.Where stories live. Discover now