"twix bumangon kana may 7am class tayo" pambubulabog ko sa tulog ni twix dahil hanggang ngayon tulog parin ang gaga.
"hmm" Mahinang sagot ni twix sakin.
"bangon na, sino ba nag puyat sayo kagabi?" bat kasi gabing gabi na siya natulog kagabi, anong pinag pupuyatan neto.
"Oo na ito na babangon na." iritang bumangon si twix habang ako sinusuklay ko na ang hanggang bewang kong buhok. Mahaba yong buhok ko kaya dito ako laging nahihirapan kasi hirap akong suklayin sa haba ba naman tapos idagdag mo pa yong tamad akong magsuklay.
Habang hinihintay ko si twix matapos mag ayos nilaro ko muna yong pusa ko, dati pa talaga ang hilig ko na sa pusa kaya hanggang sa boarding house dala dala ko tong si greg, nong nakaraang araw nga todo iyak ako dahil akala ko nawala na si greg kasi diko siya mahanap tapos malalaman ko na andon lang pala siya sa cabinet ko. Tawang tawa si twix sakin non kasi halos pumotok na mata ko sa sobrang maga kakaiyak tapos hindi naman pala nawawala. Plain white ang kulay ni greg at medyo makapal yong balahibo niya.
"tara na gaga" Sambit ni twix habang kinukuha yong libro niya
"bat ba antagal mong nagising ngayon? nag puyat kaba kagabi?" kasi hindi talaga to late gumising e kaya nagtataka ako bat antagal niyang nagising.
"medyo lang"
"sino nanaman nagpuyat sayo? nag pupuyat kananaman tapos ending niyan hindi ka pala jojowain" pang aasar ko sakanya.
"alam mo ikaw pasmado din yang bunganga mo" iritang sambit ni twix.
inasar ko lang nang inasar si twix hanggang sa makarating kami sa first class namin, hindi din nagtagal nakarating na yong prof namin kaya nakinig nalang ako.
Sobrang busy ngayon dahil andaming kelangang gawin sa department namin dahil may event na magaganap bukas kaya nagmamadali na ako ng matapos na yong klasi ko para makatulong na ako sa pag dedecorate sa department and since isa ako sa scholar obligasyon ko din tumulong sa kong anong ganap sa campus lalo na sa department namin.
habang nag dedecorate ako nakita ko si kendric at ashley na nag uusap, nag bubulongan pa yong dalawa. Akala ko ba hindi sila mag on? bat parang anlandi nilang dalawa ngayon. Naiirita ako sa nakita ko lalo na nong mag tama yong mata namin ni kendric at bigla lang niyang iniwas kaya tumalikod nalang ako sakanila at pinag patuloy yong pag dedecorate ko.
Medyo madilim na nang matapos kaming mag decorate kaya niligpit ko na yong gamit ko at inayos yong sarili ko para makaalis na nang nakita ko si kendric papunta sa direksiyon ko binilisan ko na yong pag liligpit ko para makaiwas. Ewan naiirita ako kasi naalala ko yong landian nilang dalawa ni ashley kanina.
***
"hey? pauwi kana?" casual na tanong ni kendric sakin pero tinignan ko lang siya at akmang aalis na nang bigla niyang hatakin yong kamay ko dahilan ng pagka out of balance naming dalawa at sa hindi ko namalayang dahilan bigla ko nalang naramdaman yong labi ko sa labi niya. Natumba kami parehas kaya nasa ibabaw niya ako, hindi ko alam pero parang biglang bumagal ang oras at ang lakas ng tibok nang puso ko kaya mabilis akong tumayo para maalis yong labi ko sakanya, pakiramdam ko tuloy ang pula ng mukha ko.
"anong ginawa mo?" iritang tanong ko sakanya habang hawak hawak ko yong labi ko.
"you stole my first kiss!" pinandilatan ko pa ng mata si kendric dahil sa inis ko.
"I-m sorry, hindi ko naman sinasadyang mangyare yon. You see? na out of balance tayo parehas." Pag papaliwanag niya.
" ano ba kasing ginagawa mo dito? bat hindi mo kasama jowa mo!" iritang sagot ko sakanya habang inaayos ko yong mga gamit ko na nalaglag dahil sa pagkatumba namin kanina.

YOU ARE READING
I love you , goodbye.
Teen FictionYou may hold my hand for a while, but you hold my heart forever. ~I love you, goodbye @itspinkysecret