Chapter09

21 2 0
                                        

"hoy venice gising, bakit dyan ka sa sofa natutulog?" Bungad sakin nu twix habang ginigising ako at agad ko namang minulat ng paunti unti yong mga mata ko. Sa sobrang pag iisip ko nakatulog pala ako, hindi ko man lang namalayan.

"napagod kaba sa date niyo?" panunukso niya

"ewan ko sayo" iniwan ko nalang si twix at pumasok na ako sa kwarto para maka pag bihis na at makatulog na ulit.

Kinaumagahan maaga kaming pumasok ni twix dahil may 7 am class kami ngayon at sa kasamaang palad may schedule kami ni kendric ngayon na mag ka parehas, Bakit ba kasi business administration pa kinuha niya yan tuloy. Ayuko pa kasing makita si kendric, pakiramdam ko ayuko muna siyang pansinin. Sobra akong nag over thin kagabi dahil sa nakita ko, kaya hanggat maari iiwas muna ako dahil hindi ko pa naman siya kayang harapin at komprontahin kong ano ba talagang namamagitan sakanila ni ashley.

Pag pasok namin sa first subject, inaasahan ko na na makikita ko si kendric dahil palagi namang nauuna yon pero pagka pasok namin hindi ko siya nakita kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Naupo na kami ni twix at maya maya lang dumating na yong prof pero si kendric hindi parin dumadating.

"anyare sa bebe mo? bakit wala siya ngayon?" bulong ni twix habang nakatingin lang sa prof namin na nag di- discuss.

"hindi ko alam saan siya" bulong ko kay twix.

"may LQ ba kayo?" kunot nuo niyang tanong pero binalik niya din kaagad yong paningin niya sa prof namin.

"LQ?"  pabulong kong sabi. " makinig kana nga lang". pag iiba ko sa topic dahil hindi ko din alam kong ano yong nagyayare.

Mabilis na natapos yong unang klasi namin ngayong araw at dahil may 2 hours break kami umalis na muna kami ni twix para bumili ng pagkain dahil parehas kaming dalawang walang kain ngayong araw dahil, ewan gusto lang naming kumain sa labas.

"may problema ba kayo ni kendric?" deretsyahan niyang tanong habang kumukuha ako ng pera sa wallet ko para bayaran yong binili kong sandwich at fries.

"ha?" tangi kong sagot habang binabalik yong wallet ko sa loob ng bag ko.

"anong ha? how you like dat?" irita niyang sagot habang kinukuha din yong binili niyang fries at tubig.

"ano nga? nag away ba kayo?" pangungulit niya.

"ano naman pag aawayan namin?" kunot nuo kong tanong

"boba kaya nga nag tatanong ako diba?" napairap nalang si twix sakin sabay lamon don sa fries na dala dala niya.

"hindi naman kami nag away dahil wala naman kaming pag aawayan dahil wala namang kami" mabilis kong sagot.

"bat parang may galit sa tuno ng pananalita mo?" kunot nuo niyang tanong

"ha- wa-la ah." mahina kong sabi.

"hmmm really huh?  okay fine" napa buntong hiniga nalang si twix dahil walang nakuhang matinong sagot sakin. Ayuko muna sabihin kay twix yong tungkol sa nakita ko dahil panigurado papalayuin ako neto kay kendric, ewan hindi ko pa kaya. Marupok ako e, kasalanan ko ba yon? arrgh nakakasar ano ba kasing relasyon nilang dalawa! Akala ko ba nililigawan na ako ni kendric pero bakit may Ashley pa?

Sa sobrang pag iisip ko hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ni twix.

"hoy, problema mo?" asar na tanong ni twix na agad kong kinagulat.

"oh? ba-kit?" taranta kong tanong

"sabi ko malapit na Final term exam, anong gagawin mo pagkatapos?" pag uulit niya.

I love you , goodbye.Where stories live. Discover now