"Venice wake up! Damn venice, its been almost three weeks since kendric and you broke up and yet hanggang ngayon nag mumokmok ka parin dyan? bumangon ka dyan mag mo-mall tayo samahan mo ako tama na yang drama ano ba!" kanina pa ako ginigising ni twix at kanina pa talaga ako gising nag kunware lang akong tulog dahil wala akong gana sa lahat.Sa halos tatlong linggo mula nong maghiwalay kami ni kendric naging bahay at skwelahan lang ang nagiging ganap ko sa buhay. Gumigising lang ako sa umaga para pumasok at pag walang pasok ganto lang ako kaya ito si twix na asar na siguro sa kalagayan ko
" tinatamad ako twix" walang gana kong sagot habang hila hila parin ni twix yong paa ko
" anong tamad tamad? I am so tired watching you here all day. Bumangon ka dyan at sasamahan mo ako!" may pinalidad sa tono ng boses ni twix kaya napa upo nalang ako sa kama ko at napasimangot.
"what? anong sinisimangot mo dyan? go fix yourself, aalis tayo." tuloyan na ngang lumabas si twix ng kwarto ko kaya huminga nalang ako ng malalim at tuloyan ng tumayo sa kama ko.
Pagkatapos kong maligo pumili nalang ako ng plain white croptop at high waist na jeans.
" ano na venice hindi kapa tapos? " sigaw ni twix, atat na atat mag mall e.
"sandali, nag bibihis na" sigaw ko pabalik.
"bilisan mo, bagal naman" hindi ko nalang sinagot si twix at tuloyan nang nag ayos. Nag lagay lang ako ng lip tint at hinayaang ilugay ang mahaba kong buhok, sinuot ko na yong nike na kulay itim kong sapatos at handa ng umalis. Kinuha ko nalang yong cellphone ko ay tuloyan ng lumabas ng kwarto ko.
"tara na" bungad ko kay twix pagka labas ko ng kwarto habang si twix karga karga lang si greg samantalang si dark natutulog lang sa sofa.
nalungkot ako ng makita ko si dark sa sofa, biglang may kirot sa puso ko. Yong binigay nandito pa pero yong nag bigay wala na
"finally ambagal mo kumilos ngayon ah" napairap pa si twix sa hangin at tuloyan ng binitawan si greg, bago kami umalis nilagyan ko muna ng pag kain at tubig sila greg para pag nagutom sila may makakain sila mamaya.
"Buti naman at pumayag ka ng lumabas, sawang sawa na akong makita kang nag kukulong sa kwarto mo"
"panong hindi ako lalabas e napaka ingay mo na." pairap kong sagot habang si twix kinuha na yong susi ng kotse niya.
"tara na nga aangal pa-" hindi natapos ni twix ang sasabihin niya sakin dahil nagulat siya ng pag bukas niya ng pinto nakita niya si ashley na ikinagulat ko din.
"anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni twix pero hindi siya pinansin ni ashley instead sakin tumingin si ashley.
"I need to talk to you." kalmadong sabi ni ashley habang nakatitig lang sa mga mata ko.
" wala tayong dapat pag usapan." tipid kong sagot.
"we have to talk!" pag uulit niya
"pwedi ba? tigilan niyo na kaibigan ko." mataray na sumingit si twix
"I am not talking to you ms takyra, can you please give us a space to talk?" mataray din na sumagot si ashley.
"nasa bahay kita kaya wag mo akong ma taray tarayan" medyo nagagalit na si twix kaya sumingit na ako baka mag away pa yong dalawa dahil alam ko sa sarili kong palaban din si twix
"twix, sige lang hayaan mo muna kami. mamaya nalang tayo umalis, para matigil na din to." pag papaliwanag ko kay twix kaya napa hinga nalang siya ng malalim at pumasok na ulit ng bahay.
"bakit ka nandito? para ba ipa mukha sakin na nakuha mo na si kendric a hindi na ako ang mahal ni kendri?" deretsyahan kong tanong habang si ashley natatawa sa pinag sasabi ko.
YOU ARE READING
I love you , goodbye.
Teen FictionYou may hold my hand for a while, but you hold my heart forever. ~I love you, goodbye @itspinkysecret