"Oh? bakit nakatayo ka lang dyan sa pintoan? kanina kapa ba?" bungad ni twix ng buksan niya yong pintoan."ha? hindi kakarating ko lang." pagsisunungaling ko kasi ang totoo medyo kanina pa talaga ako nakatayo dahil iniisip ko yong tanong ni kendric kanina sa canteen.
"bat parang mag iniisip ka?" tanong niya.
"h-a? ako? wal-a naman." nauutal kong sagot habang papasok sa loob ng bahay.
"ano yang iniisip mo? alam kong meron kaya wag kanang mag sinungaling" pairap niyang tanong habang naka upo na sa may couch
"uhm kasi ano" nag dadalawang isip ako kong sasabihin ko ba O hindi.
"kasi? what now venice?" irita niyang tanong.
"kasi inaaya ako ni kendric makipag date" mabilis kong sagot sabay takip ng mukha ko.
"OMGGGGGGG" pag titili ni twix " What the heck venice may plano naba siyang jowain ka?" kinikilig niyang tanong.
"jowain? wha-t? hindi ko alam basta nakikipag date lang si kendric" kinakabahan kong sagot.
"nako tangina venice mag kaka bebe kana ata, mag re- retired kana ata sa pagiging NBSB" kinikilig niyang sabi.
"ano ba, wag mo ngang pangunahan" nahihiya kong sagot dahil nakakahiya talaga ang advance niya mag isip tapos hindi pala don papunta edi iyak lang.
"so anong oras kayong mag de-date bukas?" pangugulit niya
"pag katapos ng class" since hanggang 2:00 pm lang yong sched ko bukas.
"excited kaba?" natatawang tanong ni twix, ewan ko ba sakanya kanina pa nangungulit.
"sakto lang" sagot ko habang itong si twix halos sabunotan na ako sa kilig.
gabi na nang matapos kaming mag kwentohan ni twix at tapos na din kaming kumain kaya pumasok na ako sa kwarto ko para mag pahinga ng bigla kong naisipang mag open sa Instagram ko dahil halos ilang linggo ko na din tong hindi na oopen mag mula nong mamatay yong parents ko.
pag ka bukas na pag ka bukas ko sa IG ko tinignan ko yong mga notification ko, nag scroll lang ako hanggang sa may nakita akong pangalan na ikinagulat ko.
"@kndrcfuevos followed you" napatakip nalang ako sa bibig ko ng mabasa ko ang pangalan ni kendric. Tinignan ko yong date at mas lalo akong napa nganga ng makita kong last last week pa pala niya ako finollow.
Binuksan ko yong message ko at mas nagulat ako sa nakita ko.
"@kndrcfuevos: hey?"
"@kndrcfuevos: are you okay?"
"@kndrcfuevos": condolence :(
"@kndrcfuevos: I hope you're doing well today"
hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko ngayon, andami niya na palang message saakin pero hindi ko man lang nabasa kaya naisipan kong mag message din sakanya kaya lang lahat ng message na tinatype ko hindi ko natutuloy dahil hindi ko alam kong tama ba yong mga message ko, nasa kalagitnaan parin ako ng pag dedelete at pag tatype ng biglang lumabas ang message ni kendric.
"@kndrcfuevos :still typing huh?
nabitawan ko agad yong cellphone ko dahil sa message niya, shit nakakahiya kanina niya paba na inopen yong message? shit.
" @venicealejo: ha? " tangi kong reply dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at kinakabahan na ako.
"@kndrcfuevos :nothing, see you tomorrow :)"

YOU ARE READING
I love you , goodbye.
Teen FictionYou may hold my hand for a while, but you hold my heart forever. ~I love you, goodbye @itspinkysecret