Chapter 19

620 13 0
                                    



Cedrick's POV

Nakasay ako ngayon sa kotse ni Charles. Oo si Charles ang nakakita sa akin sa parke. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak pero imbes na sabihin ko sa kanya ay umiyak lamang ako sa kanyang mga bisig. Papunta kami ngayon sa La Union dahil ang sabi ko sa kanya kanina ay ilayo niya ako dito.

Kanina pa ako tinatawagan ni Mark pero di ko ito sinasagot dahil di ko pa siya kayang kausapin. "Give me some time to think Mark." I typed.

Paminsan minsan ay sinusulyapan ako ni Charles habang nagmamaneho siya. Matahimik ang aming byahe kaya naman sinindi ko ang kanyang stereo sa kotse at tumugtog ang isang kanta na tugma sa aking nararamdaman.

I'm Not the Only One
Sam Smith

You and me we made a vow
For better or for worse
I can't believe you let me down
But the proof is in the way it hurts
For months on end I've had my doubts
Denying every tear
I wish this would be over now
But I know that I still need you here

Naramdaman kong may tumulong luha sa aking mga mata habang nakatulala ako sa labas ng kotse. Masakit pa lang pagtaksilan ng taong mahal mo. Parang may isang parte ng puso ko ang biglang naglaho.

You say I'm crazy
'Cause you don't think I know what you've done
But when you call me baby
I know I'm not the only one

Di ko alam kung papaano ko ito lalagpasan dahil ito pa lang unang heart break na aking naramdaman at talagang masakit pala. Lalong rumagasa ang aking luha sa aking mukha. "Mark bakit?" Tanong ko sabay hagulgol. Tinabi ni Charles ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan. Niyakap niya ako habang pinapatahan.

"Shhhh. Ced, I know the pain is overwhelming but always remember that the pain you are feeling right now will make you the man you will be in the future. Don't let it consume you completely, kasi pag hinayaan mo yan, poot na lamang ang mamamayani sa iyo. Cry now, Smile tomorrow. Everything's gonna be alright, okay?" sabi niya habang marahan niyang tinatapik ang aking likuran. Ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon bago ako tumahan ng iyak. Punong puno ng luha ang aking mukha. "Salamat Charles at nandito ka para damayan ako." Sabi ko sabay bitaw ng isang ngiti sa kanya. "Okay ka na ba?" tanong niya. "I will be. Tara na." sabi ko kaya naman pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.

***

Alas kwatro na ng madaling araw ng makarating kami ng La Union at kaagad nagbook si Charles ng isang kwarto para sa amin. Dalawa naman ang kama ng kwartong kinuha niya. Maaliwalas din ito at napakaganda ng view dahil kitang kita mo sa bintana ang karagatan. Nahiga na kami dahiln parehas kaming napagod sa biyahe papunta dito. Nakatanggap pa ako ng mensahe mula kay Mark bago ako matulog. "I am really sorry babe, let's talk when you are ready. I love you." Ang kanyang mensahe. Naramdaman ko na naman ang lungkot ng mabasa ko ang kanyang mensahe. Pinatay ko ang aking cellphone at ipinikit ko ang aking mga mata. Niluha ko ang aking sakit na nadarama hanggang sa ako ay makatulog.

-

Alas diyes ng umaga ng ako ay magising. Wala na si Charles sa kanyang higaan kaya naman tumayo ako at nagtungo sa banyo. Naghilamos ako ng mukha at nasipilyo. Inayos ko din ang aking buhok bago lumabas ng banyo. May nakita akong damit sa may sofa at may nakadikit na sticky notes doon.

"Hi Ced! Wear these kase alam kong wala kang dalang damit at pagkatapos mo ay bumaba ka sa may cafe at hihintayin kita doon. Xoxo"

Napangiti ako pagkatapos kong mabasa ang kanyang sulat kaya naman mabilis akong nagpalit ng damit. Suot ko ngayon ang isang polo na kulay light pink at isang maiksing khaki shorts na kulay light brown. Litaw ang aking makinis na legs sa suot kong shorts. Nagtira ako ng dalawang buttons sa itaas ng polo ko na nakabukas na dahilan para lumitaw ang aking dibdib.

Bumababa ako ng aming room at hinanap ko ang cafe na sinasabi niya. Nagtanong tanong ako sa mga staffs ng hotel kung saan ang cafe nila at itinuro sa akin na nasa tabi lamang ito ng hotel kaya naman nagpasalamat ako sa kanila at lumabas na.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin sa ang garden ng hotel. Napakaganda ng pagkakaayos ng mga halaman at napakasariwa ng hangin. Ang mga bulaklak sa gilid ng daan ay namumukadkad. May mga puno din ng mangga na nagdagdag ng silong dito at ang mga bunga nito ay napakasagana. Mamamataan mo din ang napakagandang beach sa di kalayuan at talagang kulay asul ang tubig. Naglakad ako ng kaunti at nakita ko ang cafe kaya naman pumasok ako dito at nakita ko si Charles na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo.

Ang gwapo ni Charles sa suot niyang light blue na polo at light brown na khaky shorts. Naka unbutton din ang itaas na parte ng polo niya. Napansin kong naka couple outfit kami. Nang mapansin niya ako sa may pintuan ay kumaway ito at tumawa kaya naman lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa harapan niya.

"Good Morning!" Bati niya sa akin.

"Good Morning din!" sabi ko ng nakangiti.

"Thank you pala sa damit, nagmukha tuloy tayong magjowa." Biro ko.

"Ayaw mo nun, may jowa kang gwapo?" biro niya sabay pose ng pogi sign. Tumawa kaming dalawa sa kalokohan niya. Umorder na kami ng aming almusal. Toasted bread, hard-boiled egg, hotdog at hot chocolate ang kanyang inorder.

"Charles thank you ha." Sabi ko habang kumakain. Napatingin naman siya sa akin.

"Wala iyon ano ka ba! Ang importante ay sumaya ka habang nandito tayo at malimutan mo ang sakit na nadarama mo." Sabi niya. "Dalawang araw tayo dito kaya mag eenjoy lamang tayo, okay?" dagdag niya kaya tumango ako. Matiwasay namin natapos ang aming almusal at pabalik kami ngayon sa aming unit upang magpahinga muna bago maligo sa beach.

"mamayang gabi ay pupunta tayo sa party at magsasaya tayo doon." Sabi niya habang naghuhubad ng polo. Lumitaw ang maputi at makinis niyang katawan. Napatulala ako sa kanyang kakisigan, "O baka matunay ako niyan ah." Biro niya kaya nag iwas ako ng tingin dito. "Gago!" namumula kong sabi pero siya ay tinawanan lamang ako.

Biglang nag ring ang cellphone ni Charles at sinagot niya ito.

"hello pa?" bati niya

"ANO! KAMUSTA NA SIYA NGAYON? SIGE SIGE PAPUNTA NA AKO!" sabi niya sabay baba ng kanyang cellphone. "May problema ba?" tanong ko ng mapansin kong balisa siya.

"Ced pasensya na pero si Mama kasi naospital, maiiwan ka ba dito o sasama ka na pabalik sa akin?" tanong niya. "Maiiwan nalang ako dito Charles at puntahan mo na si Tita." Sabi ko habang mabilis niyang inaayos ang kanyang mga gamit. "Papaano ka uuwi?" tanong niya.

"Huwag mo na akong halalahanin, ang importante ay mapuntahan mo si Tita." Sabi ko.

"Sige thank you ah Ced. Don't worry babawi ako sayo sa susunod." Sabi niya habang palabas ng pintuan. Hinatid ko na siya hanggang sa sasakyan niya. "Mag iingat ka ah." Sabi ko sabay halik sa kanyang pisnge. "Salamat." Sabi niya at pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Hinayaan ko muna siyang maalis sa aking paningin bago ako bumalik ng hotel room ko.

▪▪▪

Leave a comment and vote!


Secrets and Lies [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon