Chapter 14
Madaling araw ng umalis sina Mark at Gio upang umuwi sa kanilang bayan. Kaya naman pagkaalis nila ay natulog akong muli. Pagkagising ko ay nag almusal muna ako at pagkatapos ay nakatanggap ako ng mensahe na wala daw pasok ngayon. Kaya naman nahiga ulit ako at nagisip kung anong pweding gawin buong maghapon.
Isa sa aking mga naisip ay ang maglinis ng apartment. Habang naghahanda ako sa aking paglilinis ay nakatanggap ako ng text mula kay Mark
'Love malapit na kami, I love you! See you mamayang gabi, uwi din kami kaagad!'
'Ingat kayo! Ikamusta mo ako sa mama mo. I love you too!' reply ko.
Inumpisahan ko na ang maglinis, Inuna ko ang aming kwarto. Tinanggal ko ang mga alikabok sa ilalim ng aming mga double deck. Nagpalit na din ako ng kurtina. Pagkatapos ko sa kwarto ay sa kusina naman ang aking isinunod. Nagpunas ako sa mga dibayder at tinapon ang mga delatang expired na, inesterelized ko din ang aming mga kagamitan sa kusina.
Bandang hapon na ng matapos ako sa general cleaning, naupo ako sa may sofa dahil sa pagod at ilang sandali pa ay may napansin ako sa may ilalim ng lamesita dito sa sala. Lumapit ako dito at pinulot iyon, isa itong gamit na condom at masasabi kong bago pa lamang ito.
Kaya naman kinabahan ako dahil di naman kami nagcocondom ni Mark. Bigla kong naalala kaninang alas 2 nang madaling araw nang may marinig akong ingay sa sala. Kung ano ano ang naiisip ako ngunit ayokong damdamin dahil may tiwala ako kay Mark kaya naman tinapon ko nalamang ito sa may basurahan.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan si Mark ngunit walang sumasagot, ilang beses ko siyang tinawagan ngunit wala pa ring sumasagot na aking ikina inis kaya napagpasyahan ko munang magshower upang lumamig ang aking ulo at makapag isip ng maayos.
Habang nasa shower ako ay naiisip ko na baka may ibang kinikita si Mark at niloloko ako, ngunit ang sabi ko sa aking sarili ay mahal ako nito at di niya iyong magagawa sa akin.
-------
Alas 10 na ng gabi at nakahiga ako ngayon sa kama at ako lang mag isa dahil hanggang ngayon ay di pa rin umuuwi sina Mark at Gio na taliwas sa sinabi ni Mark kanina na uuwi siya ngaying gabi.
Kanina ko pa siya tinatawagan ngunit di siya sumasagot. Nakarami na rin akong text. Kinakabahan na ako dahil baka may nangyari sa kanila habang pauwi.
Napag desisyonan kong tawagan muli siya sa huling pagkakataon bago ako matulog ngunit wala parin sumagot. Pinatay ko ang aking cellphone at ipinikit ko ang aking mga mata.
Ilang sandali pa ay umilaw at tumunog ang aking cellphone, tinignan ko ito at nakita kong may mensaheng galing kay Mark.
'MATULOG KA NA! BUKAS NA KAMI UUWI!'
Kaya naman sinubukan ko itong tawagan upang makausap ko siya gaya kanina ay walang sumasagot kaya dinial ko ulet at sa pagkakataong ito ay may sumagot na.
"Hello Mark, kanina pa kita tinatawagan ah." bungad ko ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya.
Laking pagtataka ko kung bakit walang sumasagot pero nagimbal ang aking pagkatao nang biglang may marinig akong boses.
"Tang inaa mooo urghhh! Ipassooook moonaa Gio, please! D-di ko na kayaaaa." Boses ni Mark na animo nagdedeliryo sa sarap. Parang kung anong matulis na bagay ang tumarak sa aking dibdib. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig pagkatapos kong marinig iyon.
"Sige ganyan pa nga gago ka! Ang sarap niyan puta ka! Diba ayan ang gusto mo? Sayong sayo yan ngayon! Urgghhhh! Sikip moo!" parang ibang Mark ang nasa kabilang linya. Pinatay ko na ang tawag dahil di ko na kayang marinig ang susunod pang mangyayari.
Nagsimulang magbagsakan ang aking mga luha. Di ako makapaniwala na kasinungalingan lang pala ang lahat ng mga sinasabi niya sakin. Parang kahapon lang ay halos hindi kami mapag hiwalay at puro ligaya ang aming nararamdaman.
Ang akala kong mabait na si Gio ay ahas pala!
Wala na akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata ngunit ayaw tumigil ng aking mga mata sa pag iyak. Halos mamatay ako sa kaiiyak dahil sa sakit na aking nadarama. Para akong fetus na nakabaluktot sa aking higaan. Habang nasa ganoon akong kalungkutan ay kinuha ko ang aking cellphone at pinatugtog ko ang aking paboritong kanta at dahil dito lalong nagbagsakan ang aking mga luha.
All Too Well - Taylor Swift
I walked through the door with you, the air was cold
But something 'bout it felt like home somehow and I
Left my scarf there at your sister's house
And you still got it in your drawer even nowoh, your sweet disposition and my wide-eyed gaze
We're singing in the car, getting lost upstate
Autumn leaves falling down like pieces into place
And I can picture it after all these daysand I know it's long gone and
That magic's not here no more
And I might be okay
But I'm not fine at all
Oh, oh, oh'cause there we are again on that little town street
You almost ran the red 'cause you were looking over me
Wind in my hair, I was there, I remember it all too wellMaybe we got lost in translation, maybe I asked for too much
But maybe this thing was a masterpiece 'til you tore it all up
Running scared, I was there, I remember it all too wellHey, you call me up again just to break me like a promise
So casually cruel in the name of being honest
I'm a crumpled up piece of paper lying here
'Cause I remember it all, all, all too wellAlas 8 na ng umaga ng ako ay magising. Wala parin sina Gio at Mark. Habang naiisip kong magkasama sila ay di ko maiwasan makaramdam ng pait at galit. "MGA TAKSIL!" sigaw ko.
Maga-alas 12 na ng hapon ng makauwi ang dalawa, bakas ang kapaguran sa kanilang mga makakapal na mukha. Siguro buong magdamag silang nagtatalik.
Pagkakita ko palang sa kanila ay isang sampal ang ibinigay ko kay Mark at pagkatapos ay sinugod ko si Gio.
"Mga baboy! Mang aagaw kaaa!!!" Sigaw ko sabay sabunot at sapak sa kanya. Humandusay siya sa sahig at sinugod ko ito muli ngunit pinigilan ako ni Mark.
"Tama na please. Magpapaliwanag ako." Yakap niya sa akin. Si Gio naman ay bakas ang takot sa malandi niyang mukha.
"Magsama kayong dalawa!" sabi ko sabay takbo papalabas ng apartment. Narinig kong tinawag ako ni Mark ngunit di ko siya pinansin.
Nakarating ako sa may lumang parke kung saan kami nagpunta noong nakaraan ni Mark. Ibayong lunkot ang aking naramdaman ng mga oras na iyon. Ilang oras akong naka upo sa may duyan ng may magsalita sa aking likuran.
"bakit ka umiiyak?"
▪▪▪•▪▪▪
Leave a comment and vote!
BINABASA MO ANG
Secrets and Lies [✔]
RomanceUNEDITED ●[ THIS NOVEL CONTAINS HOMOEROTIC SCENES. PLEASE READ AT YOUR RISK] R16+ ● #178 - Betrayal #95 - Pinoy