Prologue

827 18 1
                                    

Prologue

Central


"Ana! Ano bang dinadabog-dabog mo dyan!" sigaw ni Mama sa akin galing sa baba. Nirolyo ko ang mga mata ko pagkatapos ay padabog na nagpatuloy sa paglalagay ng iba ko pang damit sa aking maleta.

"Hindi ho ako nagdadabog!" sigaw ko pabalik.

"Hindi ako bingi! Alam kong nagdadabog ka! Bilisan mo na dyan at kanina pa tayo dapat nakaalis! Aabutin tayo ng traffic!" sigaw nya ulit.

Nagpapapadyak ako ng dahil sa inis. Inilagay ko ang shoulder bag ko saking balikat pagkatapos ay padarag na bumaba ng hagdan habang hila-hila ang napakabigat kong maleta. Nagangat ng tingin si mama sa akin, huminto sya sandali pagkatapos ay umiling-iling habang pinagmamasdan ako.

"Hindi ko pa makita 'yung ibang damit ko, Ma!" Iritableng sabi ko habang pinupunasan ang mga takas na luha sa mga mata ko. Umiiyak na ako ngayon ng dahil sa sobrang inis.

"Ilang beses ko na kasing sinabi sayo na maaga palang ayusin mo na ang mga gamit mo. Tignan mo ngayon nagkukumahog ka. Nakapatigas kasi ng ulo mo." Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa kanyang bewang habang pinapagalitan ako.

"Busy nga po kasi ako sa school kaya hindi ko naasikaso. Isa pa, sinabi ko naman po kasi sa inyo na ayaw ko nga pong sumama sa probinsya. Anong gagawin ko doon sa loob ng tatlong buwan? Ni walang wifi doon. Paano kapag may mga e-mails akong kailangang tignan related sa school? Paano na?" Reklamo ko. Up until now, I'm still trying to convince my Mom na hindi ko kailangang sumama sa kanila pauwi sa probinsya.

"May mga computer shop naman sa bayan. Isa pa, diba sinabi ko naman sayo? Kailangan nating umuwi doon para tumulong sa pagaalaga sa lolo mo habang nagrerecover sya. Magisa lang ang lola mo doon sa bahay kaya kailangan nila tayo. Ang mga pinsan mo naman kailangan magtrabaho. Ang Auntie Judy mo, tatlong buwan pa bago matapos ang kontrata nya sa Switzerland kaya hindi pa 'yun makakauwi. Tayo lang ang maasahan nila." Aniya pagkatapos ay binibit na ang kanyang maleta pati na ang spiderman na maleta ni Miggy.

"Eh bakit po kasama pa ako? Pwede naman pong kayo nalang ni Papa. Maiiwan nalang po ako dito."

Tumigil sya at nilingon ako. "Hindi pwede." Pirmi nyang sabi "Kilala kita. Kapag hindi ka nabantayang mabuti alam kong gagala at gigimik ka lang gabi-gabi. Baka hindi mo pa asikasuhin 'tong kapatid mo."

"Edi isama nyo nalang po yang si Miggy!" Tinuro ko ang kapatid kong kumakain ng chocolates habang naka spider man custome. Nilingon nya ako. Ngumiwi ako ng makita ang naghahalong laway at tsokolate sa bibig nya.

"Yan ang gusto mo eh, ang walang magbabantay sayo para magawa mo ang lahat ng gusto mo ng walang sumusuway sayo. Tigilan mo ako Ana ha! Tatlong buwan lang yon at para sa lolo mo! Wag kang masyadong maging makasarili!" Aniya bago lumabas.

Gusto kong magwala at ibalibag ang maleta ko ng dahil sa inis at galit. Ayoko sa probinsya! Ayokong umalis dito! Ayaw kong iwan si Matteo magisa. Muli kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Sobrang excited pa naman ako ngayong summer vacation. I have so many plans with my friends. Naka line-up na ang mga gagawin namin. Pati na ang plano naming Palawan trip ni Matteo ay napurnada pa ng dahil sa paguwi namin ng Probinsya.

"Tigilan mo na ang kakaiyak dyan Ana ha!" Ani ni Mama sa akin habang nasa biaje kami. Ngumuso ako pagkatapos ay pinunasan ang luha sa mga mata ko. Anim na oras ang biaje papunta sa Central at habang papalayo kami sa syudad ay pakiramdam ko gumuguho na ang mundo ko. Ayaw ko sa probinsya! Ayaw kong umalis! Bakit ba kasi walang tiwala sakin ang magulang ko at ayaw akong iwanan magisa! Wala naman akong gagawing masama. Nakakainis!

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now