Napakaganda ng tulog ko nang biglang kumalabog nang malakas ang pinto. Napatayo ako bigla at agad na dinampot ang tsinelas ko sa sahig. Pahikab-hikab at pakurap-kurap pa ako habang naka-ready ang dalawang kamay na may hawak na tsinelas."Ashy Roi, gising."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Tita Sonya mula sa labas. Muntik ko nang mahampas ng tsinelas ang dambuhala niyang mukha. Hay nako.
Inilaglag ko ulit ang tsinelas ko sa sahig at saka sinuot iyon pati na ang isa. Alangan namang isa lang ang suotin ko, 'di ba? E 'di nagmukha akong shonga.
Binuksan ko ang pinto at nadatnan ang mukha ng tiyahin kong kamukha ni Dumbo, Dambo, Rambo. Basta ewan. Iyong nasa Showtime.
"Bakit po?" humikab ako.
Nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis. Sweet smile ba talaga 'yon o killer smile? Nasusuka ako na natatakot eh.
"Et's yur bisprin."
Pinigilan kong matawa dahil sa accent niya. Hindi ako na-inform na bisaya pala ang tiyahin kong kalahi ni Patrick sa Spongebob. Tumango na lang ako bago pinagsarhan siya ng pinto kahit hindi pa siya nagpapaalam.
Ohmygahd! Agad na binuksan ko ulit ang pinto nang mapagtanto ko ang ginawa ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang paalis na siya. Kaso nabothered na naman ako sa pwet niyang umaalog habang siya'y naglalakad.
Sumunod na lang ako palabas kahit nabobothered talaga ako sa pwitan niya. Hays! Why?! Bakit kung kelan umagang-umaga, eh doon ko pinoproblema ang pwet ng tiyahin kong kamag-anak si Dumbo?!
Pagkapunta ko sa sala ay naabutan ko ang kaibigan kong nagkukutkot ng kung ano sa cellphone niyang mukhang bago na naman. Mas nabothered ako kay Sheena dahil mukha siyang itlog sa itsura niya.
Nakasuot ba naman ng headband na may design na white circular shape and yellowish design sa gitna?! At talagang gano'n din ang design ng earrings niya. Huwag nyong sabihing gano'n din ang design ng necklace, ring, at bracelet niya?
Bago ko isipin ang nakakasukang outfit ng kaibigan ko, dumiretso muna ako sa lababo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay tinignan ko kung anong niluluto ni Tita Sonya. Kaso wala siyang niluluto ngayon. At wala rin siya sa kusina.
"Gutom ka?" napatingin ako kay Tita nang sumulpot siya bigla sa likuran ko. "May tinapay diyan. Hindi ako nagluto kasi napuyat ako kagabi."
"Hindi po ako gutom." Slight lang.
Ngumiti na lang siya sa akin bago ko rin siya nginitian. Nginitian niya ulit ako, so I did the same. Paalis na ako nang ngitian na naman niya ako. Ngingiti na sana ako ulit nang biglang sumulpot si Ashton sa gitna namin.
"Hindi naman siguro mabibinat 'yang mga bunganga nyo, ano?" dumiretso rin siya sa lababo, "Ngitian kayo nang ngitian, eh."
Tumawa na lang kami ni Tita bago ako dumiretso sa sala kung nasaan ang itlog kong kaibigan. Umupo ako sa harap niya ngunit mukhang hindi niya ako napansin. Paano ba naman kasing nasa cellphone na lang ang atensyon niya.
"Eherm," kunwari'y umubo ako. "Hindi naman siguro ako ang dumalaw sa'yo, ano?"
Binaba niya agad ang hawak niya at ngumiti sa akin. "Ay, andiyan ka na pala, Ash. Good morning." Nagkamot siya sa ulo.
Nginitian ko rin siya, kunwari. "Grabe ka, ha. Nanggising ka tapos ako pa talaga ang nagmukhang bisita."
Nag-peace sign siya. "Sorry."
Inirapan ko siya. "So, ano? What are you doing here?"
Tumabi siya bigla sa akin. Sobrang lawak ng ngiti niya, as in. Mayamaya'y may pinakita siya sa akin mula sa cellphone niya. Nangunot ang noo ko nang makita kung ano 'yon.

YOU ARE READING
Nobela
Teen FictionTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...