Chapter Eight

33 1 0
                                    

Days had passed, iniiwasan ko parin si Sebastian. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kalunos-lunos na senaryo sa school.

Ako na lang rin ang gumawa sa group project by two naming dalawa sa Science kahit wala siyang naitulong. Well, meron rin naman kaso hindi ko nga siya pinapansin kaya konting research nalang rin ang naibigay niya sa'kin. I did the rest.

Fortunately, hindi naman kami pinag-report sa harapan dahil satisfied na si Sir Jacko sa report namin. Kung pinag-report man kami sa harap, tiyak na magiging disco party ang room namin.

Siyempre magtwetwerk na 'yong mga MG sa harapan. Tss. Alam mo na? Gano'n? Diba? Mahaharot yon eh.

Days had passed ulit, bihira nalang akong sumabay sa mga tropa ko. Paano ba naman kasi ay nandon sila Sebastian sa table namin kaya ayon, sa room nalang ako minsan kumakain.

You know guys, iniiwasan ko siya kasi…Ewan ko. Hindi ko rin alam. Parang ang sabi lang kasi ng isip ko ay iwasan mo siya. Pero i don't know, sabi ng puso ko, kausapin mo siya. Weird nga eh. Nagsasalita na sila.

Hindi ko rin alam kasi na parang in-denial ako. Na parang ayokong aminin 'yung totoong rason kung bakit ko siya iniiwasan. Simple lang naman eh. Dahil naman kasi 'yon sa Ashy Roi, may I court you?  niya. Tch.

As of now, nagkaklase kami at naglalakbay lang ang isipan ko sa kung saan. Papunta sa library, sa kubeta, sa gym, sa infirmary, kahit saan.

"Class, get one whole sheet of paper."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang kaba ko nang marinig ang get one whole sheet of paper galing kay Ma'am. Parang…hindi ako handa ngayon.

"Putik. May quiz…" bulong ko.

Kumuha ako ng one whole sa bag ko pero hindi ko 'yon nilabas. Pumunit lang ako ng isa tapos inilapag ko na sa lamesa ko. Actually, hindi ako madamot. Ano lang kasi…Um… iniingatan ko lang 'yung mga papel kasi baka masayang.

Siya ring tayuan ng mga kaklase kong nanghihingi ng papel sa kung kanino-kanino.

"Pahingi nga naman, Jack!"

"Ih! Ano ba! Wala na nga eh."

"Ha! Huwag ako! May nakita ako sa bulsa mo kaya akin na. Huwag mong hintaying ako pa dumukot niyan diyan."

"Number one…"

"Ma'am, wait!" Sigaw namin lahat.

Magsusulat na sana ako ng pangalan sa papel ko nang mapansin ang kaklase kong nakatingin saakin. Nasa banda siyang harapan kaya kitang-kita ko.

"Bakit?" tanong ko pagkaharap sakanya. Nangunot ang noo ko dahil mukhang nagpapaawa 'yong tingin niya sa'kin.

Hindi na ako magtatanong pa dahil nasagot na 'yon ng paglahad niya ng palad saakin. Parang nanghihingi.

Napairap ako. Hindi na ako nag-atubili pang bigyan siya dahil isa lang naman siyang nanghihingi. Pero nagulantang ako nang bigla akong dagsain ng mga kaklase ko.

"Ash! Pahingi!"

Nagtutulukan na sila at hindi na nila pinapansin si Ma'am. Geez! Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ako madamot sabi ko nga…pero sa dami ba naman nila?

"Oh, sainyo na! Tss." Binalibag ko sa harap nila ang buo kong one whole na papel. Nagtulakan sila at ewan ko ba kung nagkakasakitan na sila kasi pinag-aagaw-agawan talaga nila 'yong buong papel na binigay ko.

"Hoy akin na 'yung isa!"

"Akin 'to saglit lang!"

"Damot naman, akin na!"

NobelaWhere stories live. Discover now