It's nearly dawn. I don't know how to sleep. I don't know how to comfort myself though I know how to comfort anyone. I don't know how to stop… I don't know how to stop crying...
It really hurts..
Kailan ba matatapos ito? Ang sakit-sakit na. Sino bang pwedeng tumulong saakin para matapos na akong maghiwa ng sibuyas?! Napakasakit na ng mata ko! Nakakainis dahil malapit nang magmadaling-araw pero anong ginagawa ko?
Naghihiwa parin ako ng sibuyas! Para saan? Hindi ko rin alam.
Hindi ako makatulog. Nandirito lang ako sa kusina, dahan-dahang hinihiwa ang isang malaking sibuyas na hindi ko alam kung saan nanggaling. Eh sa nakita ko lang naman yon sa lababo.
Sigh. Kanina pa ako nakauwi galing hospital. May dala naman akong pera para makauwi nang mag-isa ko lang. Hindi na nga rin ako nakapagpaalam sakanilang lahat kundi through texts nalang. Ang sabi ko,
"Nakapagcommute na ako. Sorry ah, di na ako nakapagpaalam. Ano kase, may masakit sa bahagi ng katawan ko. Bandang dibdib."
Hays.
Ano ba talaga, Ash? Ano bang trip mo bakit naghihiwa ka ng sibuyas eh malapit nang magmadaling-araw?!
"Gusto ko lang umiyak..." bulong ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang mata kong kanina pa lumuluha. Suminghot-singhot rin ako.
Aminin mo...
"Ano.." bulong ko ulit sa sarili ko saka naghiwa ulit nang mabagal lang.
Nagdadrugs ka ba?
"O-oo..." bulong ko ulit nang biglang..
"Ashy Roi? Anong ginagawa mo diyan?" napatingala agad ako nang marinig ang boses ng tiyahin kong kasinglaki ng building. "Bakit kinakausap mo 'yang sarili mo?" Nilapitan niya ako. Halatang nagising siya dahil napakagulo pa ng buhok niya. Ewan ko nga kung may laway pa siya sa gilid ng labi niya eh.
"Nagfafasting lang po." Tumigil ako sa paghiwa atsaka suminghot. Pinunasan ko rin ang mata ko gamit ang braso ko. Pagkalapit ng tiyahin ko sa harap ko ay iniharap niya ako sakanya. Nakakunot ang kanyang noo at tama nga ako...
May laway pa siyang tuyo sa gilid ng kanyang matabang labi.
"Hoy, pangkin. Nababaliw ka na ba? Anong oras na, bakit hindi ka pa tulog? Nagfafasting pero naghihiwa ng sibuyas? Anong nakain mo, ha? Aba't may gana ka pa palang maghiwa ng ganitong oras? Lahat ng tao sa paligid eh humihilik na, samantalang ikaw—"
Natigilan si Tita nang makarinig ng kalabog mula sa pinto. Pati ako natigilan rin. Sabay kaming napatingin ni Tita ro'n at sabay ring nagkatinginan. Katok ba 'yon o pusa lang? Hindi, eh. Para kasing nalaglag na...
"Ano 'yun?" tanong ng tiyahin ko.
Dinampot ko ang kutsilyo na pinanghihiwa ko kanina. Aba, may pakinabang rin pala ang paghihiwa ko ng sibuyas, ano.
"Siguro po langgam." sagot ko naman.
Ngunit subalit datapuwat, binatukan ako bigla ng tiyahin kong kasinglaki ng drum. "Aray!" daing ko kasi masakit naman talaga.
"Anong langgam? Baka alikabok, kamo!"
Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Naunang naglakad si Tita palapit sa pinto, nakasunod lang ako. Bubuksan na sana namin ang pintuan nang kumalabog nanaman. Napaatras si Tita sabay sabing,
"Ay puki ng kabayo!" at talagang natapakan pa niya ang paa ko. Napapikit nalang ako atsaka napakagat ng labi dahil sa sakit. Tiniis ko yon para hindi na mag-ingay ulit ang tiyahin ko.
YOU ARE READING
Nobela
Novela JuvenilTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...