"San ka pupunta?"
Automatic na napalingon ako sa kung kanino mang galing ang boses na 'yon.
Yes, si Sebastian talaga. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Siyang-siya talaga at hindi ako namamalikmata.
"S-sa labas, malamang!"
Kinakabahan ako at sa sitwasyon ko ngayon, inaamin ko na talaga.
Bigla siyang ngumiti at dahan-dahang lumapit saakin. Nakakainis. 'Yung puso ko ang bilis nanamang tumibok.
"Tara, upo." Umupo siya bigla sa bench na kinauupuan ko kanina. Nandito lang ako sa harap niya, nakatayo.
Hindi parin kasi talaga ako makapaniwalang siya talaga ang nasa harapan ko. Though may instinct na talaga akong siya 'yong nagmemessage at nag-ca-call saakin.
"Anong ginagawa mo diyan?" Kunot noo niyang tanong.
Agad akong umayos ng tayo. "Uuwi na ako. Balikan nalang kita bukas."
Napakagat ako ng labi. Tsk. Saan galing 'yung babalikan nalang kita bukas? Hindi ko napapansing nagiging weird na ako ng sobra.
"Akala ko ba tuturuan mo ako?" sumimangot siya na ikinairap ko ng di oras, "Akala ko pa naman matutuloy na kaya sumipot ako ngayon." Nagpapapadyak siyang parang bata,"Dapat next month pa ako magpapakita sa'yo, eh!"
Nameywang ako at nagtaas ng kaliwang kilay. "At ako pa talaga ang may kasalanan? Sino bang may gamit diyan sa paa mo? Diba ikaw? So, bakit ako?"
Sumandal siya sa bench at tiningnan ako sa mata. "Kasi kung hindi mo ako pinalabas para tutor-an, nagtatago parin sana ako. Geez! Ayan tuloy, bistado na."
Napairap ulit ako at umupo sa tabi niyang bench. Inilabas ko ang mga notebook ko mula sa bag at kumuha ng ballpen. Hindi lahat ng notebook ko ang nilabas ko, siyempre. Ano siya, siniswerte?! Kay Mrs. Pentura lang ang subject na ituturo ko sakanya.
"Ano 'yan?"
Napatingin ako kay Sebastian habang inaayos ko ang lahat ng mga kakailanganin para sa pagtu-tutor. Nangunot bigla ang noo ko.
Naka-angel seat siya tapos nakapatong 'yong baba niya sa kamay niyang nakapatong sa hita niya.
Teka, na-gets nyo ba? Tch. Balakajan.
"Notebook?" Sarkastiko kong sabi saka itinuro ang notebook na hawak ko, "Ballpen?" Turo ko naman 'don sa ballpen. Tinuro ko siya, "Asshole?"
Bigla siyang nag-poker face. Sinamaan niya ako ng tingin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Nagsamaan kami ng tingin ng ilang minuto hanggang sa bigla akong tumayo at piningot siya.
"Ikaw talagang asshole ka!"
"Aray! Ang sakit!" Daing niya.
Binitawan ko siya. Ako rin nagulat sa ginawa ko. Piningot ko siya agad dahil lang nagsasamaan kami ng tingin? Geez, unbelievable!
O baka pikon lang ako?
No way!
Bumalik ulit ako sa pagkakaupo at nag-angel seat rin. Though nakapalda ako, alam ko namang magtago ng perlas ko, ano.
"Bakit namimingot ka kaagad? Ano bang problema mo sa'kin?"
"Siguro pareho lang tayong may problema."
"Huh? Saan naman?"
"Sa buhay, malamang! Saan pa ba nagkakaroon ng problema ang tao? Sa pwet?!"

YOU ARE READING
Nobela
Novela JuvenilTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...