Te amo?
Ano 'yon?
Isa ba itong magic spell na biglang magpapatibok ng iyong puso?
O sumpa? Magiging tae ka habang-buhay?
"T-te amo? Ano 'yon?" takang tanong ko though may idea naman na ako kung ano 'yon.
Di ko alam kung bakit parang pa-choosy ako ngayon. Hindi rin naman ako ganito dati. Tsaka, parang lumulukso itong puso ko na ewan.
Umiwas siya ng tingin. Mukha siyang pinagpapawisan na ewan. Para rin siyang natatae kasi nanginginig siya at saka parang nagkakaroon ng mga butlig 'yong balat niya.
"Hoy, sumagot ka." sabi ko, "Ano 'yon? Sumpa ba 'yon? Kulam? Barang? Ano? Baka mamaya mangisay nalang ako dit—"
"143."
Literal na nangunot ang noo ko. Gusto kong matawa na ewan. Di ko rin alam kung kinikilig ako o sadyang may nakakatawa lang sa sinabi niya o sa mukha niya.
"Seryoso, Seb? Jejemon days? 143?" sabi ko na natatawa, "Sa'n mo nakuha 'yon?"
Hindi ako namimilosopo or what. Hindi lang kasi ako maka-get over.
Ang palatawa niyang mukha ay napalitan ng walang emosyon na aura. Tumingin siya sa'kin na parang, wala lang. Tumahimik rin ang paligid at pakiramdam ko'y gusto ko nalang mahimatay.
May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong hindi tama? Anong kasalanan ko? Wala akong ginagawang masama. Bakit ganito?
"Seb? A-ayos ka lang?" Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako.
Nakakaiyak kasi hindi niya ako sinagot. Wala siyang binanggit ni isang salita o kahit anong gestures man lang.
Anong nagawa ko?
"Seb..." lumunok ako, "B-bakit? Anong nagaw—"
Nasira ang moment dahil sa lintek na pagdating ng order namin. Sumandal nalang ako sa upuan. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Sebastian sa pag-asang pagbabago ng mood niya. Daig niya pa ang may regla.
"Here's your order." Nakangiting inilapag ni Kuya Jazz ang lahat ng in-order naming pagkasarap-sarap nga talaga.
"Thank you." ngumiti ako kay Kuya Jazz pagkatapos.
Hindi na nagsalita si Seb kahit nakaalis na si Kuya Jazz. Alam kong may mali dahil sa biglaang pagtahimik niya.
Anong nagawa ko?
"Kain na tayo." sabi ko at pinilit na maging masaya kahit nasasaktan na ako.
Ang babaw ko naman. Bakit nanaman ako nasasaktan. Bakit. Bakit ganito. Bakit hindi question mark ang gamit ko.
Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang, walang nagsasalita nang biglang i-play ang kantang "Titibo-tibo."
Nabulunan ako. Pati ba naman sa restaurant na 'to ay sinusundan ako ng kantang 'yan?
Elementary palang, napapansin na nila
Mga gawi ko parang hindi pang-babae, e kasi
Imbis na chinese garter laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki saamin.
YOU ARE READING
Nobela
Teen FictionTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...