Chapter Three

100 1 0
                                    

Dahil Lunes na naman, mapipilitan na naman akong gumising nang maaga kahit gusto ko pang matulog.

Kapag weekend ang aga-aga kong nagigising. Kapag naman weekdays, psh, antok na antok pa ako.

Nararanasan nyo rin ba 'yon?

Napilitan akong tumayo dahil nag-iingay nang nag-iingay ang alarm clock ko.

Ang sabi, "Tumayo ka na dyan! May pasok ka pa. Huwag kang ma-le-late dahil kukutusan kita!"

Badtrip 'di ba?

Si Sheena ang alarm clock ko. Alas-sais pa lang e nambubulabog na. Pwede namang alas sais y medya dahil alas otso pa naman ang pasok namin.

Mabagal daw kasi akong kumilos. Tch. Mas mabagal pa nga kayong mga babae. Isang oras kung mag-ayos, liptint pa lang nalalagay.

Teka, hindi rin naman ako lalaki. Hindi rin naman ako babae!

Wait a minute…Baka elyen na nga talaga ako 'no?

"Oo na! Umagang-umaga nagdadadaldal ka nanaman." sinigawan ko muna siya bago ako lumabas ng kuwarto.

Si Tita pa lang ang naabutan ko sa kusina. Nagluluto siya ng umagahan. Nginitian nya ako nang makita nya ako.

"Oh, bakit ang sama na naman yata ng gising mo?" tanong niya. "Ginising ka nanaman ba ulit?" Hinalukay ulit niya ang nilulutong sibagang.

Sinigang, sibagong, sibagag???

SINANGAG.

Hmm, bango! Kahit kailan talaga ay ang bangong magluto ni Tita. Nainggit tuloy ako. Gusto ko ring matutong magluto.

"As usual." Tamad kong sagot bago umupo sa hapag-kainan. "Tulog pa po ba si Ashton? Ang alam ko po may practice sila ng basketball ngayon, ah."

Haaaaist. Ang hilig kasing magpuyat. Nanonood pa kasi ng kung ano-ano, eh. Kaya ayan, pati practice ng basketball, nakakalimutan.

"Oo e. Napuyat nanaman yata. Gisingin mo na nga dahil kakain na kamo." Utos ni Tita habang nililipat na sa bandehado ang nilutong sinangag.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ng kapatid ko. Naiinis ako kapag tinatawag ko siyang "my brother". Sigh. Dapat kasi ako ang brother.

Naabutan ko siyang nakadapa sa kama. Mahimbing ngang natutulog dahil naririnig kong naghihilik pa.

"Napaka-pasaway talaga." Bulong ko bago pumunta sa gilid nya.

Tinapik tapik ko ang pisngi nya. "Hoy, gumising ka na nga diyan. May practice pa kayo ng basketball!"

Gumalaw siya nang bahagya pero hindi pa rin minumulat ang mga mata.

"Hmm.."

Umirap ako sa kawalan. Kapag hindi pa 'to tumayo, bubugbugin ko na 'to. Nagawa pa talaga niyang i-hummed ako! Lakas talaga ah!

"Isa. Kapag hindi ka pa tumayo pagkabilang kong tatlo—"

"—nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo—"

Aba't nakuha pang magbiro alam na ngang ginigising!

Sinapak ko siya sa mukha kaya agad siyang napaupo at nalaglag sa kama. Tumayo naman siya agad. Hawak-hawak niya ang panga niya habang nakadaing ang mukha. Ang panget niya ngayon.

"Ash naman! Ang sakit-sakit oh!" Sigaw nya habang hawak pa rin ang panga.

"Ano? Hindi ka pa aalis sa kama mong ito?" Aambahan ko nanaman sana siya nang dali-dali naman siyang lumabas ng kwarto.

Natawa naman ako.

'Pagkalabas ko ng kwarto ng magaling kong kapatid, tumungo na ako sa hapag-kainan. Umupo ako sa tabi ni Ashton. Nandidiri naman siyang lumayo sa akin at saka lumipat ng upuan.

NobelaWhere stories live. Discover now