Chapter Five

44 1 0
                                    

Kusa akong nagising. At first time 'yon. Hindi ko alam kung bakit ako nagising ng maaga e wala naman akong mahalagang dapat na gawin.

Teka, first time ba talaga? Ha, basta, ewan.

Nag-inat ako ng katawan bago lumabas ng kwarto. Nakita ko kanina sa alarm clock ko na quarter to six palang. At dahil ang aga-aga kong nagising ngayon, ako na ang magluluto ng umagahan.

Pagkalabas ko ng kuwarto, hindi ko pa naabutan si Tita. Siguro natutulog pa. Kumuha ako ng itlog sa ref at saka binati iyon. Niluto ko 'yon at pagkatapos, tuyo naman.

Pagkatapos kong magluto ng ulam, sinangag ko 'yong bahaw.
Or, 'yong tira naming kanin kagabi.

Nakangiti ako habang nagluluto. Hindi ko alam kung bakit. Ang ganda rin kasi ng panaginip ko kagabi. Hindi ko namalayan, lumawak na ang ngiti sa labi ko. Syempre secret lang kung anong meron sa panaginip ko.

"Wow, nagluto siya ah!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang pangit na boses ni Ashton.

Humarap ako sakanya. Naglalakad siya papunta sa direksyon ko habang humihikab-hikab pa. Ang gulo-gulo pa ng buhok.

"Badmorning, sis." Bati ko saka humarap ulit sa sinasangag ko. "Mukha kang day-old."

Alam nyo ba kung ano 'yong day-old? Yon yung nasa balot.

"Hindi ko kakainin 'yang niluluto mo, sige ka." Pagmamaktol nya kuno at sumimangot pa.

Natawa ako. "E 'di huwag kang kumain. Kung gusto mo sa kapitbahay ka nalang makikain eh. Basic!"

Inirapan nya muna ako bago tumungo sa lababo para maghilamos. Napailing nalang ako. Kalaunan, hinango ko na lahat ng niluto ko. Nilapag ko na iyon sa lamesa at syempre, ako na rin ang naglagay ng plato, baso, kutsara't tinidor.

Walang tinulong si Ashton kasi nga tamad siya. Nakatingin lang siya saakin habang nag-aayos ako sa hapag-kainan. Nakatunganga lang siya at nakatanga saakin. Hindi lang man tumulong, ano? Nakakahiya naman sakanya.

Lumabas na si Tita sa kuwarto nya. Sinalubong nya ako ng ngiti. Ako lang. Kasi nga, ako lang ang nagluto ng agahan.

"Aba! Ang bango naman ng almusal. Sinong nagluto?" Tanong ni Tita, nakangiti habang papalapit sa saakin.

Nagtaas ng kamay si Ashton.

"Ako po, Tita!" Sagot nya habang pangiti-ngiti pa. Tumingin pa saakin ang hambog saka kumindat.

Naduwal naman ako kunwari at inambahan siya ng suntok.

"Mandiri ka nga Ashton." Naduwal ulit ako. Tumawa naman si Tita saka umupo na rin sa upuan.

"Alam ko namang si Ashy Roi ang nagluto nito, Ashton. Kelan ka pa ba nagluto ng umagahan?" Natawa ang tiyahin kong kasing-laki ni Dumbo. Nakitawa na rin ako dahil sumimangot si Ashton.

Nagdasal muna kami bago sumubo. Nakasandok na ako ng pagkain kanina kaso pinigilan ako ni Tita. Dasal raw muna kasi.

'Pagkatapos mag-umagahan, nagpunta na ako sa kuwarto at naligo. Nag-ayos na rin ako ng sarili. Hindi ako nag-pants at T-shirt ngayon. Uniform na talaga ang suot ko. 'Yong palda at blouse.

Urgh. Nakakapagtaka. Bakit kaya? Anong nakain ko? Egg and Dry?

Teka, dry? Tuyo? Dry? Ulam namin tuyo at itlog kaya Egg and Dry.

Tch!

Pati ako, na-we-weirduhan na rin sa sarili ko.

Nagpaalam na ako kay Tita. At as usual, late nanamang papasok si Ashton. Napatunayan na rin nyang hindi ako ang nagsumbong kay Coach Miranda. Sino nga ba? Hindi nya sinabi e.

NobelaWhere stories live. Discover now