"S-sebastian…"
Nakangiti siyang umupo sa tabi ko. Hindi parin talaga ako makapaniwalang nandito siya ngayon. Diba nasa Nueva Ecija sila? Paano nangyari 'yon?
"Yes, ako nga. Anong meron at bakit nandito ka—"
Inis na binatukan ko siya. "E ano bang pakialam mo?"
Ngumuso siya saakin habang hinahaplos ang bunbunan. "Bumalik nanaman ang Ash na una kong nakilala." nakangusong sabi niya.
"Ewan ko sa'yo. Tsaka, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba bumalik ka na sa planeta nyong Mars? Tss."
Sumandal siya sa bench na nasa likuran namin at kunot ang noong tumingin saakin. "Mars? Hindi naman ako do'n nakatira. Ang alam ko lang," tumingin siya saakin na animo'y nagpapasexy, "diyan ako nakatira sa puso mo." kinindatan nya pa ako.
Inirapan ko siya at binatukan ulit. "Ang korni mo! Umalis ka nga dito. Nakakasira ka pa ng moment." pagtataboy ko sakanya.
In-denial. Ewan ko. Para kasing kinikilig ako na ewan. Ano bang tawag do'n? Geez.
"Ouch! Pinapaalis mo na ako. Sayang, may ibibigay pa naman sana ako sa'yo."
Hindi ko siya nilingon pero nag-cross arms ako. Alam ko na kung anong ibibigay niya pero nang maalala ko ang ginawa niyang kabalastugan at isinama pa talaga niya si Ascal sa kagaguhan niya, bumalik ulit ang galit ko.
"Sorry. I'm not into jewelries." kunwari'y ayaw kong sambit.
"Aruy! Bakit may pasabi-sabi ka pa kaninang, "Hay nako. Ang ganda sana no'ng necklace kaso hindi naman mismo siya ang nagbigay."?" tumawa pa siya pagkatapos. "In-denial ang Ash ko."
Babatukan ko na sana ulit siya dahil nakuha niya pang mang-asar, ngunit sandali akong natigilan nang madinig ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko.
Ash ko? Geez! Saan galing 'yon?! Sa planeta niyang Mars kung saan kasama niya ang iba't-ibang uri ng elyen?! Isama na natin si Kokey!
"Ash ko, bakit nanahimik ka diyan?" tanong ni Seb habang iwinawagayway ang palad sa harapan ng mukha ko.
Napakurap-kurap ako at saka umiling. "M-may naisip lang ako." I lied.
Bakit ganito? Pakiexplain. Ilang percent na ba? Nagiging one hundred na ba? Geez. Hindi pa siguro. Ang bilis naman kung gano'n.
"Sana kasama ako diyan." biro niya.
"Kasama ka nga eh."
Siya naman ngayon ang nanigas. "W-what?"
Ngumisi ako. "Naalala ko kasi 'yung time na first time kitang nakatabi sa upuan. Ang likot-likot mo kaya tapos inisip ko kung may uod ka ba sa pwet."
Gusto kong tumawa ng malakas nang makita ko ang tenga niyang namula. Ganito ba ang mga lalaki kapag nahihiya? Bakit ako… hindi namumula kapag nahihiya? Kasi nga, hindi ako lalaki. Bi na ako.
"No way! W-wala akong uod sa pwet 'no! Sadyang hindi lang ako mapakali no'n kasi…"
"Kasi?"
"N-nahihiya pa akong katabi ka."
Sumilay sa labi ko ang nakakalokong ngiti. "E bakit may, "Wala ka pong pake." ka pang sinasabi? Trip mo lang gano'n? O para pagtakpan 'yang hiya mo sa'kin?" pang-aasar ko sakanya.
Tinakpan niya ang mukha niya na parang hiyang-hiya na. Hindi ko na tuloy naiwasang hindi matawa.
"Hoy, ba't—"
YOU ARE READING
Nobela
Dla nastolatkówTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...