Chapter Twelve

21 1 0
                                    

Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabing "manliligaw" ko si Sebastian. Sa buong buhay ko, though alam nilang lahat na nililigawan ako ni ganito, ganyan, hindi ko sinasabing manliligaw ko sila. Duh? Hindi pa kasi ako babae dat—

Yehey! Joke lang! Ano kasi, e. Ewan ko. Basta 'yon. Kaya nagulat ako dahil sinabi kong manliligaw ko si Sebastian kahit totoo naman.

Pinagsisisihan ko? Oo na hindi. Alam nyo kung bakit? Kasi nabaliw sila Tita Sonya at Ashton kagabi. Ayaw nilang patigil! Nag-party-party sila sa bahay na hindi ko alam kung party ba talaga tawag do'n. Nagparenta agad sila ng videoke tapos ang kinakain lang ay 'yong tira naming salad atsaka chichirya!

Geez! Saan kayo nakakita ng gano'n katopak na tao? At talagang nagpavideoke pa sila. Hay nako, buti nalang at hindi ako nahawaan.

Agad na kinuha ko ang cellphone ko nang bigla 'yong tumunog.

"Yes?"

"Beshywaaaaaap! Goodmorninggggg!" At umalingawngaw nanaman sa tenga ko ang bunganga ni Sheena-ntot.

Inihagis ko sa kama ang mga damit. Umupo ako sa upuan malapit sa bedside table atsaka tinitigan ang sarili ko sa cabinet na may salamin. Losyang. Maliligo na ako maya-maya.

"O, bakit? May kailangan ka? Pera? Wala ako no'n. Jowa? FYI, meron ka no'n."

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Nababaliw ka na ba?" tumawa si Sheena.

Pinigilan kong matawa. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako natatawa, e. Siguro nandito parin 'yong sumanib sa'king espiritu na tawagin nalang natin sa pangalang, "Alena".

"Ano ngang kailangan mo sa'kin? Pakibilisan dahil may kailangan pa akong gawin."

"Pwede sumama?"

Nangunot ang noo ko. Sa'n siya sasama? Sa CR? "Hoy! Anong sinasabi mong sasama? Saan ka naman sasama, ha? Baka ikaw ang baliw saating dalawa?"

"Ano kashe eh, ahehehe. Emegerd, kenekeleg she eke. Ehehehe."

Napahilot ako sa sentido. Mygoodness. Saan ko ba napulot itong si Sheena?

"Ano nga? Pwede pakibilisan?" Bagot kong sabi.

"Ahihihi. Okay, eto na—ehem. Date kasi namin ni Cloud ngayon. Anniversary namin! Ahihihihi."

Napatango-tango ako. Ba't hindi ko alam 'yon? Geez. Dalawang taon na nga pala sila ni Cloud ngayong araw na 'to. Grabe, paano sila nakakatagal ng gano'n?

"So? Anong plano nyo?"

"Plano nyo? Duh, Ash! Ako lang ang may plano."

"Anong ikaw lang?!"

"Ganito kasi 'yon. I-su-surprise ko siya with matching tarpauline pa ng picture naming dalawa. Tapos may, "Happy Second Anniversary, Ulap ko!" pang nakalagay," tumawa siya ng mahina, "Ano sa tingin mo?"

Napairap ako. "Hindi ba dapat siya ang gumagawa niyan? Dati si Cloud ang gumagawa niyan, ah. Bakit ngayon, ikaw na?"

"Mukha yatang busy siya, eh. Tsaka, first time ko palang gagawin 'to, 'no! Malay mo, mag-improve!"

Busy? Ngayon ko lang narinig kay Sheena ang salitang "busy". Busy si Cloud? Kelan nangyari 'yon? As far as I remember, hindi nagiging busy si Cloud tuwing may anniversary or occasion silang dalawa ni Sheena. Geez. Ayokong mangialam sa relasyon nilang dalawa pero parang may something suspicious about kay Cloud. Pero kasi, first time lang naman niyang maging busy. E bakit kasi iniisip ko? Grr.

"Okay. Bahala ka. Basta, Sheena, mag-ingat ka. Huwag kang masyadong…"

"Masyadong what? Haha! Alam mo, Ash, mag-ready ka na nga! Alam kong may date rin kayo ngayon ni Sebastian!"

NobelaWhere stories live. Discover now