"Hindi ko alam. Baka…hindi na."
"Hindi ko alam. Baka…hindi na."
"Hindi ko alam. Baka…hindi na."
Paulit-ulit na nag-eecho sa isip at tenga ko ang boses ni Sebastian habang binabanggit ang pinakanakakatakot na sentence sa buong buhay ko. Na-freeze ako ng ilang minuto sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Basta ang alam ko lang…nasasaktan na ako.
Ang nagawa ko nalang ay umiwas ng tingin. Pinigilan ko ang mga salbahe kong luha na pilit kumakawala mula sa mata ko. At sa kabutihang-palad, nagawa ko.
"A-ah. Gano'n ba?"pinilit kong tumawa pero bigo ako, "S-sayang. Pero okay na 'yon. A-as long as you're happy."
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin siya saakin. Hindi siya ngumiti o tumango. Nanatili lang siyang nakatingin saakin.
"Ang saya ko ngayon kasi nakausap kita ng ganito." mahinahon niyang sabi. Napakagat ako ng labi.
Alam kong gusto nang bumagsak at mag-slide pababa ng mga luha ko pero pinigilan ko muna sila.
Mamaya nalang. Sasabayan ko kayo diyan, promise.
"Ako rin, eh," tumawa ako kunwari, "Ang s-saya ko kasi ganito ako ngayon." tumingala ako sa kalangitan. Napakadilim, wala man lang bituin. "Baka nga bukas b-bumalik ulit ako sa dati."
Naramdaman kong humiga siya sa bermuda. Napatingin ako sakanya nang tapikin niya ang tabi niya.
"Halika rito sa tabi ko."
Nag-aalinlangan man, tumabi parin ako sakanya. May pagitan, syempre. Tumunganga kami sa kalangitan.
"Susulitin ko na ngayon 'to," tumawa siya, "Baka kasi bukas bumalik ka ulit sa dati. 'Yung masungit atsaka nananapak."
"Sorry, hindi ko magawang ngumiti man lang o tumawa." pag-amin ko.
Mula sa pagtitig sa tahimik na kalangitan, tumingin siya saakin. "Ayos lang. Ako nga pagod nang magpanggap."
Napatingin ako sakanya. "Anong sabi mo?"
Umiwas siya bigla ng tingin. "A-ah, ang sabi ko, pagod na akong magpanggap na hindi ako natatae ngayon."
Dahil do'n ay hindi ko naiwasang hindi matawa kahit mahina lang. Sa bigat ng nararamdaman ko ngayon, nagawa niya akong patawanin.
Ngumiti siya saakin. "Ayan, tumawa ka na. Ang galing ko talaga!"
"E ikaw? Kelan mo tototohanin 'yang ngiti mo?" tanong ko na siyang naging dahilan para matigilan siya sa pagtawa. Napalitan ng lungkot ang ngiti niya.
"Kapag ayos na lahat. Kapag hindi na magulo." tumingala ulit siya sa kalangitan. Patuloy parin akong nakatitig sa mukha niya.
"Gusto mo bang ganito ako lagi?" pag-iiba ko ng usapan, "Mukha kasing masaya ka kapag ganito ako."
Umiling siya. "Kung ako ang tatanungin, gusto ko, oo, pero kung ang gusto mo naman ay ang totoong ikaw? Wala rin. Parang opposite nalang rin ang nangyari. Masaya ako tapos ikaw hindi masaya sa ginagawa mo."
Pasimple akong ngumiti. "Paano kung gusto ko ang ginagawa ko? Paano kung…magiging ganito na talaga ako?"
Gulat siyang lumingon saakin. "S-seryoso ka ba diyan?" lumunok siya, "For real?"
"Hindi ko alam. Baka…hindi na." panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Natawa ako nang bigla siyang sumimangot. "Bakit ginaya mo 'yung sinabi ko kanina? Line ko 'yan, ah!"
YOU ARE READING
Nobela
Teen FictionTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...