"Ang ganda ni Ash."
Nagpantig ang tenga ko dahil sa aking narinig. Unang-una sa lahat, ayokong sinasabihang maganda ako. Pangalawa, hindi ako maganda. At pangatlo, hindi ako babae!
"Uh-oh. Wrong move, dude." Rinig kong sabi ni Cloud. Halata sa mukha nya ang pag-aalala. Malamang, alam na nya ang gagawin ko.
"Why? May nasabi ba—"
Natigilan siya sa pagsasalita nang biglang dumapo ang kamao ko sa mukha niyang kasing-kapal ng labi ni Kylie Jenner. Nagtatagis ang bagang na hinarap ko siya. Pansin ko ring may ibang napatingin sa direksyon namin pero ang iba, hindi na tumingin kasi busy sa ibang bagay.
"Huwag mo ulit babanggitin ang mga katagang 'yan." nagbabanta kong tugon bago ulit umupo sa upuan ko.
Gulat naman ang mukha ng mga kasama ko. Lalong-lalo na sila Sebastian at ang kaibigan nya. Nakakainis. Hindi lang ito ang unang beses na nanuntok ako kaya wala lang saakin 'yon.
Binasag ni Sheena ang katahimikan,
"Ash, calm down. Bakit kasi ang init-init agad ng ulo mo?"Hindi ako sumagot. Nabadtrip nga ako, diba? Hindi ba nila alam ang salitang badtrip?
Narinig kong tumikhim ang kasama ni Sebastian. "Woah. That was fast. Cool mo do'n Ash, ah." May bahid ng paghanga no'ng sinabi nya 'yon.
Nasapak na nga ang kaibigan nya tapos ako pa 'yong hinangaan? Amazing.
"Sorry Seb. This is not the first time Ash punched man's face." Tumawa si Cloud pagkatapos nyang sabihin 'yon.
Nagtawanan silang lahat.Ano kayang nakakatawa do'n? Asa'n joke do'n? Nasa talampakan?
"Ang sakit Ash, ha. Grabe. Hindi ko inaasahan 'yon." sabi niya habang haplos-haplos parin ang panga.
"Alis na ako." Akma na akong tatayo nang hawakan ni Sheena ang kamay ko. Tinignan nya ako sa mata. Binigyan niya ako ng don't-get-out look pero hindi ko siya pinakinggan. Sa gusto ko na nga kasing umalis.
"Bitawan mo ako Sheena. Malapit ng mag-bell." Iyon na lang ang sinabi ko bago sila iniwan sa table namin. Gusto ko ng hangin dahil iritadong-iritado ako ngayon.
Habang naglalakad papuntang room, tinignan ko muna ang wrist watch ko. May ten minutes pa before ng third period. Naisipan kong lumiko ng daan para pumunta sa garden ng school. Pero kung minamalas ka nga naman, nakasalubong ko ang MG. Iyong tatlong engkanto.
Tatalikod na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko paharap sakanila. I showed them my i-don't-care look pero nagsalita parin sila. Tch. Here we go again. The battle of the bitches.
"Saan ka pupunta, huh?! I saw you punched my man!" Sigaw saakin ng leader ng mga engkanto.
My man? Tch. ಠಿ_ಠ
Ngumisi ako. Hindi ako na-inform na sumobra na pala ang kahanginan nitong si Kiera para sabihin niyang 'My man' si Sebastian.
"Yep. I punched him. May problema ba?" Note the sarcasm.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sakanya?! Why did you punched him?!" Sigaw ulit niya. Tumingin ako isa-isa sakanila. Inismaran lang ako no'ng dalawang nakasunod sa engkantong leader nila.
Bakit kung makaasta naman siya parang boyfriend nya 'yon. Feeling jowa ang gaga.
"Why? Gusto mo gawin ko rin sa'yo para hindi ka na magsisisigaw-sigaw diyan?" Inis na inalis ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko. "Psh."
Gusto ko nang bumalik sa room. Napakawalang-kwenta ng mga tao dito sa school. Bakit sunod-sunod ang mga kamalasang nangyayari sa buhay ko ngayon?
"Where are you going?! I am still talking to you, bitch!" Sigaw ulit niua nang akmang aalis na ako papunta sa room.

YOU ARE READING
Nobela
Fiksi RemajaTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...