Chapter Ten

19 1 0
                                    

Dalawang araw nalang ay sembreak na namin. Lahat masaya dahil malapit na malapit na ang sembreak. Pero ako?

I don't know. Parang na-trap na kasi ako sa patibong niya. Ewan ko ba, parang unti-unti na niya akong nahuhuli.

Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang happiest but most painful moment sa buhay ko. Simula no'n ay pansin kong medyo nagiging close kami ni Seb sa isa't-isa. Nag-aasaran na kami.

Well, in-announce rin noong isang araw na hindi pa pala sembreak ngayon. Na-move siya next week kasi...ewan ko. Baka kasi trip lang nila.

Siguro tama nga 'yung sinabi ni Manong Guard, Sheena, Ashton, at sa lahat ng mga naniniwalang magiging babae pa ako. Tss. May pustahan pa naman kami ni Sheena at Manong Guard.

As of now, nandito kaming lahat ng section namin sa Tennis Court. P.E kasi Friday na. Sabi ni Sir Stupido-MAPEH teacher namin-kailangan raw namin mag-exercise tsaka maging fit bago mag-sembreak sa pamamagitan ng paglalaro ng Tennis. Tss. Sure raw kasi siyang kain at tulog lang ang gagawin namin sa sembreak.

Akalain nyo 'yun, ang galing ni Sir manghula.

"Oh, ayos na, ayos na! Sino ang unang dalawang maglalaro?" Sigaw ni Sir.

Inayos ko muna ang sintas ng sapatos ko bago tumayo at nakisabay sa mga kaklase ko. Hinanap ng mata ko si Sebastian. Hindi ko siya makita. Nasaan na ba 'yon?

"Huy, Ash! Ikaw daw saka si Kiera."

Napatingin ako sa gilid ko. Kinakalabit ako ni Angel, president namin sa klase habang nakangiwi ang mga labi.

"Ha? Kami?" natawa ako, "Nag-volunteer ba siya?"

Nagkibit-balikat siya saka inayos ang salamin niya sa mata. "Dunno. Tinatawag kayong dalawa ni Sir, eh."

"Ash, Kiera! Punta na sa tennis court. Hurry!"

Tumango nalang ako kay Angel bago pumunta sa tennis court. Nagsasalita si Sir pero walang pumapasok sa isip ko. May hinahanap kasi ako at hindi ko siya mahanap kahit saan ko ilibot ang mata ko.

Kanina magkakasama lang kaming mag-recess at mag-lunch sa canteen tapos ngayong last subject na tapos P.E pa doon pa siya nawala?

"Ash, are you listening?!"

Tumuwid ako ng tayo at tumingin kay Sir Stupido. "Y-yes, Sir."

Gusto ko na sanang lagyan ng sili 'yong bibig ni Kiera kasi tumawa siya. Pero siyempre, hinayaan ko nalang. Nagsisimula nanaman kasi siya. Tch.

Bumuntonghininga si Sir bago nagsalita ulit. Hanggang sa magsimula na ang laro. Inaamin ko, hindi ako magaling sa Tennis pero may alam naman ako. Pero kasi, hindi ko alam na mas may alam pa pala itong kalaban ko.

Napapikit ako ng mariin nang makapuntos nanaman si Kiera. Nakakadalawa palang ako pero siya, anim na. Grr. Ayos lang sana saakin 'yon kaso sa tuwing siya ang nakakapuntos, nilalabi niya ang salitang "looser". Tss.

"11 VS 6."

Ngumisi si Kiera. Hindi ko pinahalatang naiinis ako. Walang emosyong tumingin ako sakanya at walang emosyon ang mukhang naglaro. Pawis na pawis na ako at sumasakit na rin ang kanan kong kamay at braso sa kakahampas.

"21 VS 11."

Lumalamang ng lumalamang ang puntos niya. Wala lang akong pakialam sa gano'n. Alam ko na kasing talo ako.

Iba kasi ang nasa isip ko. Alam nyo na? Siya parin. Hindi ko parin siya mahanap. Hindi parin siya makita ng mga mata ko.

Unti-unti na akong naiinis kaya nang hampasin ko ang hawak kong Tennis Rocket ay hindi sinasadyang mapalakas 'yon at tumama sa mukha ni Kiera ang bola.

NobelaWhere stories live. Discover now