BOOGSH! BOOGSH!
"Ashy Rooooi!"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sunod-sunod na kalabog sa pintuan ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko at tumayo mula sa higaan. Humikab ako.
"Saglet!"
Pagkabukas ko ng pinto, tumambad saakin ang matabang mukha ni Tita Sonya. Nagulat nga ako kasi nakangiti siya.
"Bakit po, Tita?" tanong ko.
Humagikhik siya na parang kinikilig. "May bisita ka."
Nangunot ang noo ko. Bisita? Ganito kaaga? At sino namang imbulgo ang bibisita saakin ngayong lunes?
"Bisita? Ang aga naman, Tita." sabi ko, nakangiwi.
Wala akong ine-expect na bisita at lalong hindi bibisita saakin si Sheena ngayon dahil nag-e-emote siya sa kadahilanang hindi sumipot si Cloud sa anniversary nila.
"Labas ka nalang."
Tinalikuran na ako ni Tita. Kainis lang kasi nabubuwisit ako kapag iniistorbo ang tulog ko. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Isama na natin ang pagsisipilyo para mabuhayan naman ako kahit konti.
Pagkalabas ko ng kuwarto, saktong nahagip ng mga mata ko ang salas namin. At parang gusto ko nalang ulit bumalik sa kuwarto ko nang makita ang isang nilalang na nakaupo sa sofa. Hindi po siya galing sa Mars. Kaibigan po siya ng elyen.
"Goodmorning, Ash!" ang sigla-sigla ng bati niya na parang hindi niya inistorbo ang tulog ko.
Plastic akong ngumiti. Lumapit ako sa harapan niya at umupo sa sofa. Grabe, ang awkward. Lalo na nung naalala ko ang pangyayari sa lugar na 'yon. Salbahaeng tadhana, lagi nalang akong iniipit.
"Good morning din." sabi ko, "Anong sadya mo dito?"
Ang mukha niyang kanina'y ang sigla-sigla ay napalitan ng pagkalungkot at pag-aalala. Bigla akong nakaramdam ng takot. Grabe, bakit ba nangyayari ngayon 'to.
"Si S-seb. . ."
Nanginig ang kamay ko, "Ano? Anong meron?"
Tumingin siya sa mga mata ko. Sobra talagang kinakabahan ako. Parang . . . Grr! Naiinis ako dahil sa nangyari sa kotse kahapon pero ngayon parang nag-aalala ako sa kalagayan niya.
"N-nasa . . . ospital."
Nanlaki ang mga mata ko. A-ano? Nasa ospital? Yong kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng takot. Lalo na nung sinabi ni Ascal na,
"Hinahanap ka niya."
Agad akong pumasok ng kuwarto. Hinalughog ko lahat ng damit na pwede kong suotin. Hindi ko alam kung bakit basta tumulo nalang yong luha ko. Nakakainis! Nag-aalala ako.
Si Sheena, wasak na wasak. Siya naman nasa ospital. Ano na?!
"Ashy Roi?"
Sa kalagitnaan ng pagbibihis ko ay narinig ko ang boses ni Tita.
"Po?"
"Sasama ka ba sakanya?"
Sa tanong yon ay bigla akong natigilan. Oo. Ano pa bang ginagawa ko ngayon? Si Sebastian ay parte na ng pagkakaibigan naming tatlo nila Sheena. Kaya kailangan ring bisitahin siya. Pero . . .
'Yon lang ba?
"Opo."
"Sige, ingat ha."
Lumabas na ako ng kuwarto pagkatapos kong magbihis. Gulat na napatingin saakin si Ascal nang makita niya ako.

YOU ARE READING
Nobela
Fiksi RemajaTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...