Chapter Two

150 1 0
                                    

Kasalukuyan kaming nag-aantay ng masasakyang jeep dahil katatapos lang ng simba namin. Tuwing Sunday, family day. Gagala kami sa mall at mag-wiwindow shopping kasi wala kaming pera.

Charot.

"Hoy, Ashton! Tigil-tigilan mo nga 'yang panonood ng animi-animi na 'yan!"

Napatingin ako kila Tita at Ashton. Nasa gitna namin si Tita. Sinilip ko kung anong meron sa cellphone ni Ashton. Anime ba talaga 'yon? Bakit may—

"Bakit may yamete kudasai?" kunot-noong tanong ko.

Tumawa si Ashton bago lumipat ng pwesto sa tabi ko. Pinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya. Nanlaki bigla ang mata ko nang makita ang pinapanood niya.

"W-what the—"

Ngumisi siya bago pinatay ang cellphone at ilagay sa bulsa. "Yeah, Ash. What the fuck."

Binatukan agad siya ni Tita. At sumunod din ako. Aba't ang lakas magmura eh kagagaling lang sa simba.

"Aray naman!"

"Sinong nagsabing pwede kang magmura?! What the puck–what the puck! Heh!"

Hinila ko na lang ang damit ni Ashton para patigilin siya. Mayamaya ay may dumaan na ring jeep patungo sa mall. Isang sakayan na lang naman kaya no hassle.

Hindi naman masyadong masikip, at hindi naman talaga masikip nang sumakay kami ni Ashton. Kaso nang umupo na rin ang tiyahin naming kasing-laki ng drum, nagmukha kaming sardinas sa loob.

Joke.

"SM Pampanga po, tatlo." inabot ni Tita ang bayad, pinagpasa-pasahan 'yon ng iba pang mga pasahero bago naibigay sa mismong driver.

Tahimik ang lahat ng nasa jeep. May naka-earphone, may nag-cecellphone, may nanonood ng animi-animi. Si Ashton lang naman ang nanonood ng gano'n kahit nasa loob ng jeep. Hinayaan ko na lang siya dahil hindi naman ako ang nakakahiya kundi siya. Hindi ko kaya kilala 'yan, 'no.

Pumikit ako at hinintay na huminto ang sinasakyan namin ngayon. Pinapakiramdaman ko ang paligid dahil parang may hindi mangyayaring maganda. At tama nga ako, meron ngang mangyayari.

Habang nakapikit ako, nararamdaman kong may humahaplos sa likuran ko. Parang may kinakapa ang buwisit na 'to. Nangunot ang noo ko.

Pinakiramdaman ko lang ang bawat kilos niya. Nang kakapain na niya ang pang-upo ko, iminulat ko ang mata ko at dinakma ang kamay niya mula sa likuran ko. Sa kabutihang-palad, nagawa ko.

Magaspang, malaki, mataba. Marahil ay lalaki ito. Isang damulag.

Pilit siyang nagpupumiglas sa hawak ko. Mas lalo ko itong hinigpitan para hindi siya makawala. Lumilikot na rin kami kaya marami na ang napapatingin saamin, pero hindi ko sila pinansin.

Ramdam ko ang nakakalokong tingin sa akin ni Tita at Ashton.

"Hoy! Ginagawa mo?" si Ashton.

"Huli ka." si Tita.

Mula sa pagkakahawak sa kamay ng isang damulag, sinundan ko ng tingin ang kamay niya hanggang sa mapunta iyon sa likuran niyang mukhang nanginginig.

Sinilip ko siya sa harapan. Natawa ako dahil sa itsura niya. Nginig na nginig at pawis na pawis.

"Pst." Tawag ko sakanya.

Hindi siya lumingon at mas lalo pang dumami ang tumitingin sa 'kin. Pilit pa rin siyang nagpupumiglas sa hawak ko ngunit mas lalo ko pa itong hinigpitan. Bumabaon na rin ang kuko ko sa matigas niyang balat.

NobelaWhere stories live. Discover now