'Pagkarating namin sa clinic, agad na inasikaso siya ni Ate Nurse. Hindi na ako gano'n ka-panic pero nagpapanic parin ako. Sabi nung Nurse, dahil lang raw iyon sa init ng panahon kaya siya na-nose bleed.
Init?! Naka-aircon kami sa room!
"Yie, concern siya sa'kin.” Pang-aasar ni Seb kahit may hawak na bulak sa butas ng ilong niya. Sinipa ko siya kahit malumanay lang siyang nakaupo sa harap ko.
"Ouch!"
"Sira ka ba? Ang sabi mo kanina ako ang idadala mo sa clinic. E ba't ngayon, ikaw ang nandito?" Tinawanan niya lang ako. Biglang sumabat si Ate Nurse.
"Ehem!" Ngumiti siya tsaka binigyan ng isa pang malaking bulak si Seb dahil napuno na ng dugo ang isa pang bulak. "Feeling ko may mali."
"Saan?" Tumingin pa si Seb kay Ate Nurse na parang naghihintay ng sagot.
Teka, naghihintay naman talaga. Tch!
Tumingin bigla saakin si Ate Nurse. "Nagpapalda ka na pala ngayon, Ash?"
Binigyan ko siya ng awkward na smile. Bakit ba? Hindi ko nga rin alam kung bakit nagiging ganito ako ngayon. Sige, para wala nang magtanong, mag-pa-pants ulit ako.
"Baka babae na ulit siya." Sinamaan ko ng tingin si Seb ngunit tinawanan niya lang ako. Pati yong Nurse nakitawa na rin.
Hindi ko nalang sila pinansin. Lumabas ako sa clinic. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong magpahangin. Joke. Sa kalagitnaan ng pagtunganga ko sa kawalan, biglang may gumulat saakin.
"AAAAAHHH!" Pagharap ko, tawa ng tawa si Seb habang hawak ang bulak sa ilong. Inis na binatukan ko siya na nagpatigil sakanya sa pagtawa.
"B-binatukan mo ako…" Um-acting siyang parang naiiyak at nasasaktan. "B-bakit mo ako ginaganito, Ash?"
"Ang korni mo."
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room. Gusto ko na ngang tapalan ang bibig ni Sebastian dahil puro siya reklamo na ang init-init daw masyado sa Pilipinas.
"Argh! Ang init-init naman! Baka dumugo ulit 'yung ilong ko niyan, eh!" Reklamo niya. Hindi ko lang siya pinansin.
Naglalakad kasi kami sa ilalim ng init ng araw kaya nagrereklamo siya. Napakamareklamo hindi naman kaputian!
Maya-maya, nagtanong siya.
"Alam mo ba kung bakit mainit sa Pilipinas? Tanong mo kung bakit."
Kahit labag sa loob ko, nagtanong parin ako kung bakit. Duh? Kawawa naman siya kung hindi ako sasagot.
"Bakit?" Walang gana kong sagot kahit hindi ako nakatingin sakanya.
"Kasi ang hot ko. Whooo!"
Naduwal ako ng 'di oras dahil sa kahanginan ni Sebastian. Siryizli? Hot daw siya?
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Hot?" Natawa ako kunwari tsaka siya inirapan. "Gasgas na 'yan, woy."
Nagreklamo pa si Seb pero hindi ko na siya pinansin. At sa wakas, nandito na kami sa labas ng room.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Seb dahil mukha siyang tangang sumisilip-silip sa pintuan.
Itinaas niya ang hintuturo niya. "Shh! Huwag kang maingay."
Hindi ko siya pinakinggan.
"Ba't ba hindi pa tayo pumasok?"
Hindi niya ako sinagot subalit ay patuloy lang siyang nakasilip sa pintuan.Dahil na-curious ako, sumilip rin ako sa loob. Wala naman akong nakikitang kakaiba. Anong sinisilip-silip ng lalaking 'to?
BOOGSH!

YOU ARE READING
Nobela
Teen FictionTeen Fiction/Romance Nobela Paano mababago ng isang tao ang takbo ng buhay ni Ash? Simula nang umepal ang lalaking 'yon na nanggaling pa sa kasulok-sulukang bahagi ng Mars sa buhay ng tibo na nagngangalang Abo-nabago na lahat. Buhay niya, oras niya...