01

118 14 5
                                    


"Bye po, Ms. Crisostomo "

Bati ni Joyce, isa sa mga estudyante ko. Nginitian ko na lang siya at gayon din ang iba pang mga estudyante na bumabati sa'kin. Recognition day kasi nila ngayon kaya eto ako at hirap na hirap pumunta sa faculty room dahil sa mga regalo nila sa akin

Daig pa ang christmas party, girl 

"Dami nyan ha" biro ni Mr. Castor, isang P.E teacher at medyo may edad na rin 

"More gifts to come" natatawang saad ni Mrs. Bautista na mas matanda lang sa akin ng three years, 28 years old na siya

Masayang magturo, sobra

Bonus na lang ang mga gifts

Nilapag ko muna ang mga paper bags at ilang boxes sa mesa bago sumalampak ng upo

Sa wakas, tapos na rin ang klase at naayos ko na lahat

Mabilis kong kinuha ang phone ko at pinicturan iyon. Ilalagay ko sa ig story ko para makita ng nga students ko na nagbigay. Pasasalamat na rin

Pagkatapos kong ma ig story 'yon ay may lumabas na dm na galing kay Maria

Ano na naman problema ng babaeng 'to?

Maria_ Sandra : Where are you?

Laura.Crisostomo: heart mo

Maria_Sandra: lumabas ka

Laura.Crisostomo: Tayo na lang ang magmahalan tatlo nila Zalea

Maria_Sandra: asan ka nga?

Laura.Crisostomo: School, padadalhan mo ko donut?

Maria_ Sandra: Ulol, nasa waiting shed ako, tara gala

Laura.Crisostomo: wait me

Maria. Sandra: Dali

Mabilis kong kinuha lahat ng gamit ko pati na rin yung mga nasa drawer tapos ay naglagay ng powder at lip tint

Para fresh tingnan kahit stress talaga

"Mauna na ho ako, bye" paalam ko tsaka kinuha ang bag at mga regalo. Close ko na rin naman sila kahit one year lang akong nagtuturo rito, mga naging teacher ko rin kasi yung iba dati

Natanaw ko si Maria na nakaupo sa habang nagcecellphone sa waiting shed

"Babae, tulungan mo 'ko" sigaw ko kahit maraming bata na malapit kay Maria. Lumapit naman siya at kinuha ang isang paper bag, 'yong pinakamaliit pa ha

"Wow, laki ng tulong" sarkastikong saad ko

"Galang gala na ako" giit niya tsaka kinuha sa'kin ang dalawa pang paper bag

Ang kati talaga ng paa ng babaeng 'to

Parang ako lang

"May dala ka bang kotse?" Tanong ko at umiling lang siya

Ang yaman pero walang kotse amp

"Paalala, wala na kayo ni Patrick kaya wala nang susundo sayo" binelatan ko pa siya bago naunang maglakad papunta sa parking lot

Ewan ko ba sa dalawang panget kung bakit sila naghiwalay, idol yata sila Zalea at Azrael

Mga broken hearted amp

"Just want to remind you sis, wala na rin kayo ni Geun" natatawang saad niya

Naghiwalay na rin kami ni Geun, three months ago. Bagong- bago kaya sobrang sakit pa rin

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon