" What are you doing here?"
Mataray na tanong ko. Lumapit siya sa akin habang nakangisi. Ano bang problema ng mokong na 'to?
"Just visiting you" nakangising saad niya
Bakit naman ako bibisitahin ng lalaking 'to? Ano ba talagang kailangan nito sa akin?
"Thanks for visiting me" sarkastikong saad ko at nagbigay ako ng pekeng ngiti
I don't like him and I don't know why
"Ano ba talagang kailangan mo?" Mataray na tanong ko. Hindi naman maalis ang ngisi niya kaya lalo akong nainis
"I'm here to ask you if you want to eat with me"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagtaray. He's flirting. Habulin talaga ako ng mga engineers pero si Geun lang ang gusto ko.
Lumapit ako sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Lalong kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to
"Hindi ako mahilig makipag- flirt kung kani- kanino and also, aware ka naman na boyfriend ko na si Geun"
Tumango naman siya habang papalapit sa akin kaya napaatras ako
"I want you, Laura" he whispered
" I don't like you" I rolled my eyes
Hindi talaga nawawala ang mga bwisit na malalanding lalaki sa mundo
"I don't care" napaka-yabang naman ng lalaking 'to. Taas ng confidence
"Sorry but I'm not interested" diretsahang sagot ko
Hindi ako magpapabitag sa patibong niya
"Wala ka bang konsensya o kahit man lang hiya? Katrabaho mo ang boyfruend ko pero here you are, trying to flirt with me" dagdag ko
Hindi man lang ba niya iniisip ang damdamin ni Geun at masasaktan iyon kapag ginawa niya ito.
Oo nga pala, walang awa ang mga walanghiya
"I'm hungry, lets go" saad niya na para bang binalewala lang ang mga sinabi ko. Natamaan siguro ang mokong
"Hindi siya sasama sa'yo"sabay kaming napalingon ni Engineer Tiangco sa likod niya. Nakatayo si Geun habang nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa
Agad akong lumapit sa kanya ngunit ang mga mata niya ay nakatuon kay Engineer Tiangco. Hinawakan ko ang dalawang braso niya ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin
"If you are trying to steal my girl then good luck" seryosong saad niya
Tumingin naman ako kay Engineer Tiangco na seryosong nakatingin na rin kay Geun
"Geun, nasa school tayo" bulong ko. Wala namang tao rito sa parking lot pero nasa school pa rin kami at baka may makakita na mga estudyante
"Aalis na ako" pagsuko ni Engineer Tiangco. Bumuntong-hininga muna siya bago niya ako bigyan ng tingin
"See you around, Laura" nakangiting saad niya ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. Sinundan ko ng tingin ang pagpasok niya sa kotse bago muling humarap kay Geun na nakatingin na sa akin ngayon
Natanaw kong umandar na papalayo ang kotse kaya isang malakas na hininga ang nilabas ko
"Bakit siya nandito?" Seryosong tanong niya
" Tinawag ako ng isang student tapos sabi niya ay may naghahanap daw sa akin. I thought it was you so I came here but I saw him. Gusto niyang samahan ko siya sa pagkain "
BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...