18

20 5 15
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may humahawak sa pisngi at noo ko. Bumungad sa akin ang napaka- gwapong mukha at ngiti ni Geun

"Good Morning, queen" nakangiting bati niya

"Morn-- fuck" sigaw ko dahil nakaramdam ako ng kirot mula sa ibaba 

We did it last night 

"Don't move " utos niya. Tiningnan ko ang katawan ko at naka- suot na ako ng damit 

Feeling ko, grabe na sa pamumula ang pisngi ko dahil iniisip ko pa lang na sinusuotan niya ako ng damit after the sex. 

"Kukunin ko lang 'yong breakfast mo" giit niya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto

That was my first and I'm happy because he  took it. I don't have any regrets tho I feel shy whenever I see him especially right now. 

Wala pang limang minuto ay bumalik na si Geun na dala ang tray. Umayos naman ako ng upo kahit mahapdi pa rin 

"Pumasok na si Kyle tapos umalis si Ashley" saad niya. Tumango na lang ako at kinuha ang sandwich. Tahimik lang akong kumakain, hindi pa nga komportable dahil pinapanood niya pa ako 

"Geun, hindi ako ang pagkain" 

"Bakit ang sarap mo?" 

Agad nanlaki ang mga mata ko kaya hinablot ko ang unan at hinagis sa kanya. Tumawa naman siya nang malakas 

Bakit kasi kailangan niya pang sabihin 'yon? 

"wala ka bang pasok ngayon?" sigaw ko na ikinahalakhak niya 

Ang aga-aga, nambubwiset 

"Meron, isasabay na nga kita paalis e " natatawang saad niya kaya pinaikot ko na lang ang mga mata ko 

"edi lumayas ka na!" singhal ko. Napanguso naman ako dahil baka paika-ika ako mamaya sa school 

"Maligo ka na dahil baka malate ka pa. Ihahatid na kita" hinalikan niya ang noo ko bago humiga muli sa kama 

Dahan-dahan naman akong tumayo. Alam kong tumatawa pa rin si Geun dahil paika-ika akong naglalakad patungo sa CR pero hindi ko na lang siya pinansin 

Ayokong masira pa lalo ang araw ko 

Mabilis akong naligo at nag-ayos dahil baka malate pa ako sa klase kaya kahit masakit ay kailangan kong indahin dahil baka mapansin iyon ng iba. 

"alis na tayo" bungad sa akin ni Geun, pagkalabas ko ng CR. Kinuha ko ang bag ko at inayos ang buhok sa harap ng salamin 

Napasinghap ako ng biglang yumakap si Geun mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko 

"thank you" bulong niya. Tumingin ako sa kanya mula sa salamin, nakatingin din siya sa akin 

"Last na 'yon, buset ka. Ang hapdi pala" singhal ko ngunit napatawa rin ako 

"Huwag magsasalita ng tapos" natatawang saad ni Geun at pinairap ko na lang ang mga mata ko. 

"Ewan ko sayo, Geun" natatawang giit ko 

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin na ikinatawa niya. Dahil sa mga kalokohan niya ay pwede pa akong malate. 

"Letse ka" singhal ko at nauna nang lumabas. Sumunod naman siya sa akin habang tumatawa

Hindi ko na naman naabutan sina Kyle at Ashley sa bahay kaya dumiretso na kami sa labas. Kotse ni Geun ang gagamitin namin dahil ihahatid niya raw ako

"Susunduin kita mamaya. Huwag kang sumama kung kani- kanino" giit niya nang makapasok kami. Sinuot ko na lang ang seatbelt at hindi siya pinansin

Hindi naman ako bata para pagsabihan. Aminin na lang niya na nagseselos siya kay Engineer Tiangco

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon