"Gosh, stress"Binagsak ko ang katawan ko sa sofa at hinayaang mahulog ang bag ko sa sahig. Nakakapagod dahil patapos na ang klase at napakaraming kailangan ipasa
"Stress na si 'cher" pang-aasar ni Ashley, pinsan ko at hindi ko alam kung saan siya sumulpot. Umupo siya, gayon din si Kyle na kapatid niya
"Makulit ba mga students, 'cher? Inom natin 'yan"
Natatawang saad ni Kyle at inihagis sa akin ang katingko. Nakatira kami sa bahay namin dahil nasa Pampanga ang magulang nila
"Gusto ko ng soju" nakangusong saad ni Ashley
Nakakamiss uminom
"Bili ka nga, girl" umupo ako at tinanggal ang sapatos tsaka ko pinatong ang paa ko sa mesa
"Amuyin niyo ang bango ng paa ko" natatawang saad ko at tinarayan lang ako ni Ashley. Kinuha ko ang katingko na bigay ni Kyle at pinahid iyon sa ilong ko dahil sinisipon ako
"Lets go on vacation" ika ni Kyle habang nagce cellphone
"You need to chill, 'cher" nakangusong saad ni Ashley
"Ang dami ko pang gagawin" singhal ko
Iniisip ko pa lang ay napapagod na ako. Gustong gusto ko na magbakasyon
"Saan ba?" Tanong ko at iniharap naman ni Kyle ang phone niya sa'min
"Nami Island"
BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...