Kumaripas ako ng takbo nang marinig ko na may nagdoorbell. Agad na nawala ang ngiti ko nang hindi si Geun ang nakita ko
"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ko kay Engineer Tiangco, he was holding a bouquet of flowers and an envelope
"Just want to give these to you" he said with a smile
I rolled my eyes, "gosh, ang kulit mo talaga"
"I just need to hear your sweet yes" he smirked
He looks like an idiot, I really hate him
"Just like what I have said earlier, I'm not interested" I said in serious tone. His face became dark and he glared at me
Weird
"I don't care" he said
I released a deep sigh because of frustration
"Ano ba talagang kailangan mo at bakit mo alam na rito ako nakatira?" Hiyaw ko. Stalker ba 'to? Weird na, creepy pa
"Get lost" sabay kaming napalingon ni Engineer Tiangco sa pinanggalingan ng boses. Nakita namin si Geun na nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa habang nakasandal sa pintuan ng kotse niya
Ayaw pa kasing umalis ng lalaking 'to, nakakabwiset
"Please lang, Engineer Tiangco. Umalis ka na at tigilan mo na ako" binalingan ko ng tingin si Engineer Tiangco na seryosong nakatitig kay Geun
"Hindi mo talaga titigilan ang girlfriend ko, no?" Sarkastikong giit ni Geun. Lumapit siya sa amin ngunit ang mga mata niya ay nanatili kay Engineer Tiangco
Tumabi siya sa akin kaya agad kong hinawakan ang nakayukom na kamao niya
"Hon, pumasok na tayo sa loob" saad ko. Ayokong magkagulo pa rito
"Papasok lang ako kapag nakaalis na 'tong kumag na 'to" ngumisi si Geun. Halos magpatayan na silang dalawa dahil sa titigan nila
Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari
"Naghiwalay na kayo rati ni Laura kaya alam kong mangyayari ulit 'yon" nakangising giit ni Engineer Tiangco
Tinitigan ko siya ng maiigi. Sino ba talaga siya at bakit alam niya ang buhay ko? Ang buhay namin?
Nagulat ako nang biglang haltakin ni Geun ang kamay niya mula sa akin at isang napakalakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ni Engineer Tiangco. Mabilis ko namang hinaltak ang braso ni Geun papalayo
"Tama na"
"Stay away from my girlfriend dahil hindi lang suntok ang aabutin mo kundi mapapatay na kita" sigaw ni Geun. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya dahil pinipilit niyang kumawala.
Kita ko ang galit sa mukha at panggigil niya, maging ang mga ugat niya sa noo ay lumalabas.
Si Engineer Tiangco naman ay nakaupo na sa sahig habang pinupunasan ang pumutok niyang labi gamit ang mga kamay. Tumalsik din ang hawak niyang bouquet at envelope
"Geun Cruz, don't trust her" seryosong saad ni Engineer Tiangco.
Tiningnan ko naman siya nang masama, "at sino ka naman para sabihin 'yan? Ang kapal ng mukha mo, ha. Sino ka ba talaga?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagsigaw. Ang lakas ng loob niya. I don't know him and I don't care who the fuck he is. I just want him to stay away and disappear.
"Umalis ka na" sigaw ko. Nagpakawala muna ako ng isang malakas na hininga bago humarap kay Geun.
He was shocked and suprised while looking at me with wide eyes
BINABASA MO ANG
A Walk in Nami || On-going
RomanceDELA SENIOR SERIES #2 Laura Crisostomo, a teacher in Dela Senior University met again his ex-boyfriend, a licensed engineer named Geun Cruz in a beautiful and breathtaking place, the Nami Island. Handa ka bang manatili kasama ang taong mahal mo ku...