12

35 8 5
                                    

"Ms. Crisostomo, dito tayo"

Hiyaw ni Ms. Baustita kaya pumunta ako sa kanya.Maraming parents and students na ang nakapila para magpaenroll.

"Malapit na naman ang pasukan"bumuntong-hininga naman si Mr.Castor na nasa kanan ko.

"Pero nakaka-miss ho na magturo,ano?"natatawang saad ko at tumango naman sila

Maya-maya lang ay nagsimula na kami.May mga estudyanteng sa grade nine na bumabati at kinakamusta kami pero may mga transferees din.

Three weeks na rin mula nang umuwi kami ni Geun sa Maynila mula sa Bohol. Dumiretso agad si Geun sa site noon samantalang tambay naman ako sa bahay.

Napagdesisyon namin ni Geun na maging magkaibigan ulit pero may something. We aren't teens but we are M.U, I guess. No commitment,no label but he told me that he will court me again,hindi ko nga lang pinansin na.

Kung manliligaw sya,edi manligaw siya. I won't stop him

Pero tuwing naiisip ko ang nangyari dati, pumapasok sa utak ko na baka maulit uli.

Baka masaktan ko ulit siya at iwanan.

Iniisip ko rin na baka humadlang na naman si Lennard pero nasa akin na 'yon kung hahayaan ko na umepal siya ulit.

"Salamat at makakauwi na rin"
nag-iinat pa si Mr. Castor habang nag-aayos ng sarili si Ms. Bautista, nasa loob na kami ng faculty room ngayon

Salamat talaga at makakauwi na kami dahil kanina pa nanakit ang pwet ko sa kakaupo

Kinuha ko ang phone kk at tiningnan ang mga messages

Geun: Good Morning, hon

Geun: eat you breakfast, Nasa Pangasinan pa ako

Geun: reply ka naman, please. I miss you

Geun: hon, tanghali na! Kanina ka pa hindi nagrereply

Geun: asan ka na?

Geun: hon?

Geun: laura, asan ka ba? Magreply ka

Geun: hindi ka raw sumasagot kay Kyle at Maria. Sumagot ka naman please

Geun: Answer my calls and reply to my texts, please

Shocks, naka-silent kasi 'yong phone ko kanina at sobrang busy namin. Lagot na ako kay Geun pati kay Kyle

Laura: sorry ngayon ko lang nabasa. Nasa school ako

Tumingin ako kina Mr. Castor, " Mauuna na ho ako"

Kinuha ko ang bag ko at inilugay ang buhok

"Ingat sayo" saad ni Ms. Bautista

"Ingat din po sa inyo" giit ko bago lumabas ng faculty room

Nang makarating ako sa parking ay natanaw ko si Maria na nakasandal sa kotse ko. Lumapit naman siya sa'kin nang mapansin na niya ako at agad na piningot ang tainga ko

"Walang hiya ka" hiyaw ko at pumamewang lang siya habang magkasalubong ang kilay

Mukha siyang nanay

"Problema mo?" Mataray na tanong ko

"Pinapunta ako ni Geun dito para tingnan ka kung nandito ka ba dahil hindi ka man lang daw sumasagot sa mga tawag o texts niya. Hindi mo man lang sinabi sa'kin na naglalandian ulit kayo"

A Walk in Nami || On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon